Ang mga siyentipiko ay patuloy na nakatutuklas ng mga makabagong paraan kung paanong ang mga bagay na kapakipakinabang ay maaari kang patayin.
“Matagal nang iniisip na ang ilang pagkain at bitamina ay nakapauunlad ng kalusugan,” sinulat ni Leslie Gorstein, “ngunit ang bagong pananaliksik ay nasumpungan na ang ilan sa mga pagkaing ito ay maaaring makagawa ng mas maraming kapahamakan kaysa kabutihan” (tingnan dito).
Gusto mo ba ng karots? Kung ikaw ay maninigarilyo, mag-ingat! Ang labis na beta carotene ay nakapatataas ng tsansa ng kanser sa baga.
Umiinom ka ba ng bitamina E? Tumutulong ito sa kalusugan ng iyong mga mata at balat, ngunit maaari rin nitong taasan ang tsansa na magkaroon ka ng kanser sa prostate.
At sinong Southerner ang hindi mahilig sa iced tea? Mag-ingat! Nagtataglay ito ng oxalate, na nakasasama sa kidney. Ayon sa ulat ni Gorstein, isang lalaki ang umiinom ng isang galon ng iced tea araw-araw na nagresulta sa pagkabigo ng kaniyang kidney.
Isang kaparehong bagay ang nangyari sa kautusan. Sabi ni Pablo, sa kaniyang karanasan, ang kautusan ay nagdala ng kamatayan sa halip na buhay (Roma 7:10-11). Ngunit ano ang masasabi nito sa kabutihan ng kautusan?
Kung gayon, ang mabuti ba ang nagdala ng kamatayan sa akin? Hindi, kailanman! Kundi ang kasalanan na gumagawa ng kamatayan sa akin sa pamamagitan ng mabuti, upang ang kasalanan ay maihayag na kasalanan, at sa pamamagitan ng utos ay maging lubos na makasalanan (Roma 7:13).
Sa tingin ko mas malinaw ang Revised English Bible:
Are we therefore to say that this good thing caused my death? Of course not! It was sin that killed me, and thereby sin exposes its true character: it used a good thing to bring about my death, and so, through the commandment, sin became more sinful than ever (Rom 7:13 REB).
Dito si Pablo ay muling nagtatanong ng isang retorikang tanong: ang kautusan ba ang dapat sisihin sa iyong kamatayan?
Ang sagot ay hindi.
Sino, kung ganuon ang dapat sisihin? Si Pablo ay may proposal. Ang tunay na dapat managot ay ang kasalanan. “Hindi ang kautusan ang tunay na pumapatay; dahil kung walang kasalanan, ang kautusan ay walang kapangyarihang makasira sa akin. Sa halip ang kasalanan ang tunay na kamatayan sa akin” (Nygren, Romans, p. 282). Oo, ang kautusan ang nagdala ng kamatayan, subalit iyon ay dahil sa ginamit ito ng kasalanan para sa masasamang layunin. Ginagawa ba nitong masama ang kautusan? Hindi, nananatili itong mabuti.
Ang katotohanang ginagamit ng kasalanan ang kautusan para sa mga masasamang layuning gaya nito ay nagsasabi sa iyon ng ilang bagay tungkol sa kasalanan.
Naaalala mo na sinabi ni Pablo na ang isa sa mga layunin ng kautusan ay ang ipakita sa iyo na ang iyong mga gawain ay makasalanan, at sa ganitong paraan ipahayag ang iyong pagiging makasalanan. Gaya nang naranasan ni Pablo, “Hindi ko sana nakilala ang pag-iimbot kung hindi sinasabi ng kautusan, “Huwag kang mag-iimbot”” (Roma 7:7).
Ang kautusan ay nagpapahayag kung ganuon ng ilang bagay tungkol sa iyo, ngunit ito rin ay nagpapakita ng ilang bagay tungkol sa kasalanan mismo. Napakasama na ang kasalanan ay paghihimagsik sa kautusan ng Diyos. Ngunit ang higit na masama ay kung paanong ang kautusan ay kinukuha ang mabubuting bagay at ibinabaluktot ang mga ito para sa kasamaan. Gaya ng binigyang pansin ni William Barclay,
Ang kasamaan ng kasalanan ay ipinapakita ng katotohanang maaari nitong kunin ang isang maayos na bagay at gawin itong kasangkapan ng kasamaan. Ito ang gawain ng kasalanan. Maaari nitong kunin ang kagandahan ng pag-ibig at gawin itong pagnanasa. Maaari nitong kunin ang maginoong pagnanais na maging malaya at gawin itong obsesyon sa salapi o sa kapangyarihan. Maaari nitong kunin ang kagandahan ng pagkakaibigan at gamitin ito na panukso sa mga maling bagay. Ito ang tinatawag ni Carlyle na “ang walang hanggang kapahamakan ng kasalanan.” Ang katotohanang kinuha nito ang kautusan at ginawa itong tulay sa kasalanan ay nagpapakita nang ganap na pagkamakasalanan ng kasalanan (Barclay, Romans, p. 97).
Ano ang dapat gawin?
Kung ang pag-uusapan ay bitamina at pagkain, ang paraan para matamasa ang kanilang benepisyo sa kalusugan habang iniiwasan ang kanilang nakamamatay na epekto ay ang gamitin ang mga ito ng may moderasyon. Magpakasiya ka sa iyong karots at iced tea, ngunit huwag lang ang mga ito ang iyong kainin o inumin.
Ngunit ang estratehiya bang iyan ay maaari sa kautusan? Ang kaunting legalismo ay makatutulong ba sa iyo na lumago espiritwal? Ang balanseng gamit ba ng kautusan ay solusyon upang maiwasan ang nakamamatay nitong epekto?
Hindi!
Maaaring gamitin ng kautusan ang anumang bahagi ng kautusan upang magdala ng kamatayan, gaano man kaliit. Ang kailangan lamang ay isang utos- laban sa pag-iimbot- upang patayin si Pablo (Roma 7:7, 11). Ang tanging kailangan ay isang utos na idagdag sa pananampalataya upang baguhin ang ebanghelyo sa “iba” na sinumpa (cf. Gal 1:6-8; 2:11-14; 5:1-3).
Bagama’t ang kautusan ay hindi makabibigay sa iyo ng buhay, ipaliliwanag ni Pablo kung ano ang makabibigay nito. Sa ngayon, alamin mong bagama’t ang kautusan ay mabuti, ang kasalanan ay magaling sa paggamit ng mabubuting bagay para sa masasamang layunin.