Noong 1944, ang pelikulang Gaslight, na pinagbibidahan ni Ingrid Bergman, ay nilabas. Ang pelikula ay umiikot sa isang babaeng nagpakasal sa isang tila mabait at mapagmahal na lalaki. Ngunit habang nagpapatuloy ang pelikula, malinaw na ang asawa ay may tinatagong pagkatao. Lihim niyang ginagalaw ang mga gamit sa buhay, at sinisindihan at pinapatay ang mga ilawang gas. Nang banggitin ng asawang babae ang mga kakatuwang bagay na ito, kinumbinse niya ang asawang siya ay nagiimadyin lamang. Unti-unti nagsimula ang babaeng kwestiyunin ang kaniyang sarili at ang kaniyang sanidad. Sa kahulihulihan kinumbinse ng lalaking nasisiraan ng bait ang asawa.
Isang terminong sikolohikal, ang salitang gaslighting ay nakabase sa pelikulang ito. Ito ay tumutukoy sa ginagawa ng isang abusadong tao na makaramdam ang biktimang siya ay may sayad o iritado sa pag-aangking ang kanilang mga pangangailangan ay maliit lamang o hindi totoo. Sa madaling salita, ang ma-“gaslit” ay ang mamanipulang sikolohikal sa pag-iisip na ikaw ang problema at ang obhetibong katotohanan ay mali. Ang parehong prinsipyo ay masusumpungan din espirituwal na mundo. Ang isang buhay na mailalarawan ng pagsunod sa Panginoon at paggawa ng mabuti ay binibigyan ng bagong kahulugan at tinatawag na masama (Is 5:20). Kung hindi magiging maingat ang mga mananampalataya, maaari silang ma-gaslit o mamanipula na sila ay mali dahil sa kanilang paggawa ng tama.
Halimbawa, sa Estados Unidos ngaon, ikaw ay madalas na matawag na walang pag-ibig o nagdadala ng pagkakahati- kahit pa sa kamay ng ilang Cristiano- kung hindi ka susuporta sa komunidad ng LGBTQ. Sinasabihan tayong mahal ni Cristo ang lahat at kung walang pag-ibig tayo ay tila maingay na tanso (1 Cor 13:1). Samakatuwid, madalas nilang irason na ang Iglesia ay dapat tumanggap at sumuporta sa komunidad ng mga bakla. Kung hindi, kukuwestiyunin ng mga tao ang iyong sanidad. Sasabihin nilang ang Iglesia ay naguguluhan, na ang orihinal na lenggwahe ay hindi nagsasabing mali ang homosekswalidad, na dapat nating muling suriin ang isyu sa konteksto ng ika-dalawampu’t isang siglo. Gaya ng pelikula, ang obhetibong katotohanan ay ginagalaw at ang liwanag ng Salita ng Diyos ay dumidilim.
Ang espirituwal na pagmamanipulang ito ay nagaganap din kapag ang isang tao ay nakikibaka para sa maliwanag na doktrina (2 Tim 2:14-15). Maraming nagsasabing hindi tayo dapat mahati nang dahil sa doktrina. Ang koro ng “pagkakaisa sa anumang halaga” ay umaalingawngaw sa buong iglesia ngayon. Ang inklusibidad ay pinupuri, samantalang ang pagkakahati nang dahil sa malusog na doktrina ay tinatawag na palaaway at nakaiirita. Ang mga mananampalatayang pumupuna sa mga huwad na guro ay sinasabing mapili o may sayad ang utak.
Nakalulungkot na ang pagpilipit ng Kasulatan ay maaaring magdulot sa mga tapat na mananampalatayang kwestiyunin ang kanilang mga sarili. Dahil dito, gaya ni Ingrid Bergman, maraming Cristiano ang namanipula sa paniniwalang sila ay problema kapag nababanggit ang mga isyung doktrinal. Ang resulta ay maraming mananampalataya ang kumukwestiyon sa kanilang sanidad.
Paano natin maiiwasan ang napakalalim na problemang ito? Sa 1 Pedro 3:14-17, ang Apostol Pedro ay nagbigay ng ilang gabay:
Datapuwat kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo; at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo. Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso, na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawat tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pag-asang nasa inyo, ngunit sa kaamuan at takot; na taglay ang mabuting budhi, upang sa mga bagay na salitain laban sa inyo ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo. Sapagkat lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Diyos na kayo’y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kaysa dahil sa paggawa ng masama.
Sa kaniyang liham sa mga inuusig na mananampalataya, tinalakay ni Apostol Pedro ang ginagampanang papel ng mga pagsubok sa buhay Cristiano (1:6-7). Sa partikular na pasaheng ito, tinatalakay ng apostol ang espisipikong pighati (v 14, 17) na dulot ng paninira at salitain, na isang anyo ng paghihirap. Ang unang aral mula sa pasaheng ito ay dapat asahan ng mga mananampalatayang tuyain sa kanilang pagsunod sa Panginoon. Ang kaalamang ang katapatan ay laging sisiraan ay malaking tulong sa pagkilala sa pagitan ng katotohanan at pagmamanipula. Sa Mateo 5:11-12 nabasa natin ang sinabi ng Panginoon sa prinsipyong ito sa Kaniyang sermon sa Bundok:
Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinag-uusig, at kayo’y piangwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin. Mangagalak kayo at mangagsayang totoo sapagkat malaki ang ganti sa inyo sa langit; sapagkat gayon din ang kanilang pagkausig sa mga propeta na nangauna sa inyo.
Pansining ang Panginoon at ang apostol ay parehong nagsasabing kapag ang inyong mabuting gawi ay inaalimura at pinagwiwikaan ng masama, ang tapat na mananampalataya ay mapalad (tingnan din ang 1 Ped 3:9). Sa parehong konteksto, ang doktrina ng gantimpala ay tinuturo. Ang mga mananampalatayang nahaharap sa pagtuya at paninira ay pinangakuan ng gantimpala sa parating na kaharian. Ito ang ikalawang aral na makukuha natin sa pasaheng ito. Ang napipighating mananampalataya ay maaaring maging kumpiyansang ang mga kasinungalingang winika sa kanila ay mahahayag isang araw, at sila ay aariing matuwid, at gagantimpalaan sa pagdating ni Cristo.
Sa huli, sa v16, binabanggit ni Pedro ang pagkakaroon ng malinis na konsensiya. Kapag ang mga mananampalataya ay pinipighati ng mga pag-aalimura at masasamang salita, madaling pagdudahan ang sarili at maniwala sa kasinungalingan. Subalit, ang malinis na konsensiya ay maaaring matamo sa pagpapabanal sa Panginoon sa ating mga puso (v15), imbes na makinig sa mga sinasabi ng mga tao. Alam nating may katiyakan na ang pagsunod sa Panginoon at ang gawi ayon sa Kaniyang salita ay laging tamang gawin, kahit pa kumbinsihin tayo ng buong sanlibutang mali ito.
Sa maikling salita, ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang espirituwal na pagga-gaslight o pagmamanipula ay ang alamin at manahan sa liwanag ng Salita ng Diyos.