Gaya nang maraming batang babae, nag-aral ako ng ballet nang ako ay bata pa. Malayo ang aking naabot, nagtapos ako hanggan sa pointe sa middle school. Bagamat matagal nang niretira ko ang aking sapatos, isang leksiyong nanatili sa akin ay ang kahalagahan ng balanse. Sinumang mananayaw na may dinig ay sasabihin sa iyong ang balanse ang susi sa magandang pagganap. Oras ang ginugol sa balance bar kung saan kami ay nagsasanay ng mga plies at pag-ikot. Napakaraming pagal ang inubos upang mapanatili ang balanse lalong lalo na sa mahihirap na posisyun at mga talon. Naalala ko ang mga oras na ito nang ang isang kaibigan ay magtanong tungkol sa sinabi ng kaniyang pastor.
Ang pastor na ito ay may ginamit na interesanteng salita upang ilarawan ang kaniyang pananaw tungkol sa bahagi ng mga gawa sa kaligtasan. Sinabi niyang ang kaligtasan ay sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, at hindi sa pamamagitan ng mga gawa. At matapos, sa susunod na pangungusap, tinuro niyang ang mga gawa ay kailangan para sa pinal na kaligtasan. Hindi nakapagtataka, kinilala niyang may problema sa dalawang salungatang pangungusap na ito. Inaamin niyang may isyu rito, sinabi niyang isang hamon ang paggamit ng mga salita upang makuha ang balanse sa pagitan ng biyaya at mga gawa.
Tipikal sa mga Lordship Salvation, pinaliwanag niya ang kaniyang “balanseng” pananaw ng kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya at mga gawa. Maraming sinulat ang GES patungkol sa Lordship Salvation at ang mga butas nito. (Tsekin ninyo ito at ito para sa karagdagang impormasyon sa mga paksang iyan.) Ang umagaw sa aking atensiyon ay ang kaniyang paggamit ng salitang balanse. Nakita kong ginamit ito ni Oswalt sa kaniyang pagtalakay ng Is 1:18. Patungkol sa kapatawarang nabanggit sa Is 1:18, hinayag ni Oswalt:
May maingat na balanseng dapat mapanatili sa pagitan ng kalayaan ng tao at dibinong soberanya. Sa isang banda, hindi natin dapat sabihing ang pagsunod ay nagreresulta sa kapatawaran. Nagpapatawad at naglilinis ang Diyos hindi dahil sa kailangan, ngunit dahil gusto niya at gumawa siya ng paraan sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ni Cristo. Ngunit sa isang banda, malinaw na hindi rin nagpapahayag ang Diyos ng kapatawaran sa mga ayaw sumunod. Ang lahat ng lenggwaheng retorikal ng mga propeta ay salungat sa posisyung ang kapatawaran ng Diyos ay mararanasan hiwalay sa disposisyung sumunod sa kaniya. (John Oswalt, The Book of Isaiah, p.102, may dagdag-diin).
Itinumbas ni Oswalt ang kapatawaran sa walang hanggang kaligtasan. Sa pananaw niya ang Is 1:18 ay tungkol sa walang hanggang kaligtasan ngunit hindi niya maiwasang kilalaning may salungatan sa pasahe- na nagbabanggit ng mga gawa at pagsunod- at sa maraming pasahe ng Kasulatang nagtuturo ng kapatawaran at kaligtasan na hiwalay sa anumang uri ng gawa o pagsunod sa bahagi ng tao (bilang karagdagan sa pasaheng ito, tingnan ang artikulong ito).
Dahil hindi kaya ni Oswalt na pagtugmain ang salungatang ito, si Oswalt, gaya ng pastor ng aking kaibigan, ay nagsimulang gumamit ng lenggwahe ng balanse. Nakikita ni Oswalt ang eternal na kaligtasan bilang pagbabalanse kung saan dapat mapanatili ng mananampalataya ang pantay na bahagi ng biyaya at mga gawa. Gaya ng isang ballerina, kailangang maging maingat ang mananampalatayang mapanatili ang balanseng ito, sapagkat hindi ka maaaring dumiin sa mumurahing biyaya o sa kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa. Ang dalawa ay kailangang panghawakan sa pantay na bahagi.
Ang lahat ng ito ay kalokohan. Ang salitang balanse ay dapat alisin sa usapan patungkol sa eternal na kaligtasan at kaugnayan nito sa mga gawa. Ito ay isang mahinang pagtatangka ng mga naniniwala sa kaligtasan sa mga gawa na idagdag ang pagsunod sa nagliligtas na mensahe. Sa halip na panatilihing hiwalay ang biyaya at mga gawa (Roma 11:6), winalang bahala nila ang biyaya. Bilang karagdagan, hindi ito termino o konseptong ginamit sa BT upang ilarawan ang ugnayan sa pagitan ng eternal na buhay at mga gawa.
Ang salitang balanse (na sinalin ding timbangan) ay ginamit lang minsan sa BT (Pah 6:5). Tumutukoy ito sa timbangang hawak ng isang anghel. Ganuon din naman ginamit ito sa LT patungkol sa timbangang ginagamit sa pagtimbang ng salapi o butil. Hindi ito kailan man ginamit sa Evangelio ni Juan nang nag-evangelio ang Panginoong ng mga hindi mananampalataya. Hindi rin ito ginamit na reperensiya kung paano dapat makita ng mananampalataya ang papel ng mga gawa sa kaniyang buhay. Sa kabilang dako, nakikita ng mga manunulat ng Kasulatan ang kaloob ng buhay na walang hanggan bilang hiwalay na konsepto sa isyu ng mga gawa; dapat silang mapanatiling hiwalay sa bawat isa (Ef 2:8-9). Ang maling gamit ng salitang balanse ay nagpapahiwatig na ang eternal na kaligtasan ay napapanatili sa pamamagitan ng pantay na bilang ng pananampalataya at pagsunod.
Sa huli, ang salitang balanse ay nagpapakitang ang kaligtasan ay hindi tiyak. Habang inaalala ko ang aking mga araw bilang mananayaw, isa sa pinakamalinaw kong alaala ay ang pagtanggap ko ng unang pares ng pointe na sapatos. Ang aking pinakanaaalala ay kung gaano kahirap mapanatili ang aking balanse, sa kabila ng lahat ng taong ginugol sa pagsasayaw. Hindi ako matatag at madalas matumba kapag umiikot. Ang balanse ay isang bagay na mahirap mapanatili, kahit sa bihasang mananayaw. Kung ginagamit ng mga guro ng Biblia ang salitang ito upang ilarawan ang eternal na katayuan ng isang mananampalataya, tiyak na ang kasunod nito ay instabilidad. Samantala, kapag binabanggit ng Panginoon ang seguridad ng mga mananampalataya, ito ay laging sa matibay na pundasyon ng Kaniyang pangako na ang nanampalataya sa Kaniya ay mayroong (panghinaharap na aspeto) buhay na walang hanggan at hindi kailan man mapapahamak (Juan 6:47).
Ang eternal na kapalaran ng isang mananampalataya ay hindi kailan man dapat ilarawan bilang isang bagay na nakabitin sa balanse o nakabitin sa alanganin.