Sa Isaias 1:18 nirekord ng propeta ang mga pamilyar na salitang ito:
18 “Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y mangatuwiranan,” sabi ng Panginoon, “bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging maputi na parang niyebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa.”
Ang mga salita ng propeta ay nasasalamin sa ilan sa mga liriko ng mga sikat na himno at pangkasalukuyang kantang Cristiano. Marami sa Kasangkristiyanuhan ang nakikita ang sitas na ito bilang depiksiyon ng walang hanggang kaligtasan. Subalit, ang mga sitas bago at matapos ay nagbabanggit ng ibang layunin.
Una, sa mga nakaraang sitas, ipinapaliwanag ng Panginoon kung paano magaganap ang paglilinis na ito. Kausap ang bansang Israel, sinabi Niyang kailangan ng mga taong hugasan ang kanilang mga sarili, at gawing malinis ang kanilang mga sarili. Ito pa lamang ay isa nang kakatuwang pahayag kung nais itong ipakahulugan bilang paglilinis salbipiko. Ang pagdating ng Mesiyas ay hindi nabanggit, at ang paghuhugas ay gagawin ng mga tao. Bilang karagdagan, nagpatuloy Siya sa pagsabing kailangan nilang isantabi ang kanilang masasamang mga gawa (v16) at kailangan din nilang gumawa ng mabuti (v17). Sa madaling salita, kailangan nilang magsisi mula sa kanilang mga kasalanan at lumakad sa pagsunod. Ipinaliwanag Niya kung ano ang mga mabubuting bagay na ito sa v17. Kabilang dito ang paghahanap sa katarungan, pagsaway sa mapaniil, pagtanggol sa mga ulila, at pagpagsanggalang sa babaeng bao. Ang lahat ng mga ito ay may kinalaman sa mabubuting mga gawa at matuwid na pamumuhay.
Ikalawa, matapos ang paglalarawan ng paghuhugas sa v18, inulit Niya kung paano ang paghuhugas na ito magaganap:
Kung kayo’y magkusa at mangagmasunurin (Isaias 1:19a)
Ang pahayag na ito ay nagpapakitang ang paghuhugas ay nakakundisyon sa pagsunod, hindi pananampalataya sa Mesiyas. Sa madaling salita, hindi ito paghuhugas ng biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya (Titus 3:5). Sila ay dapat magkusa at maging masunurin.Ang mga hindi mananampalataya ay hindi naligtas dahil sila ay nagsisi, o sumunod o dahil ay nagsanggalang ng mga babaeng bao. Ang kaligtasan ay pananampalataya lamang kay Cristo lamang para sa buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 4:10, 14; 5:24; 6:40, 47; Ef 2:8-9). Samakatuwid, ang paghuhugas na inaalok dito ay walang kinalaman sa walang hanggang kaligtasan.
Sa pagpapatuloy ng pasahe, dalawang opsiyon ang nilapag. Kung ang bansa ay susunod, ito ay pagpapalain. Aarugain ng Panginoon ang bayan, at sila ay kakain ng buti ng lupain (v19b). Subalit, kung sila ay hindi magkusa at maging suwail, hahayaan ng Panginoon ang mga bansang Gentil na wasakin ang Israel, at sila ay lilipulin ng mga tabak ng mga pagano (v20). Nakalulungkot, ito ang magiging katapusan ng bansa sa pamamagitan ng mga Asirio, at kalaunan ng mga taga-Babylonia.
Sa kaniyang pagtalakay sa pasaheng ito, sinulat ni Constable:
Ang mga Israelita ay maaaring magpatuloy gaya ng kanilang kalagayan at mawasak o magpapasakop sa kalooban ng Diyos at pagpalain. Kung sila ay magkusa at sumunod, muli silang pagpapalain ng Panginoon ng kasaganaan (cf v3). Kung sila ay tumanggi at maghimagsik, hahayaan Niyang talunin at wasakin sila ng kanilang mga kaaway. (Tom Constable, www.Bible.org).
Wala sa dalawang opsiyong ito ang may kinalaman sa walang hanggang kapalaran ng mga indibidwal sa Israel. Sa halip, ito ay isang pambansang isyu, na magreresulta sa mga pisikal na benepisyo, o pisikal na disiplina sa bayan at sa lupain. Dapat pansining kahit ang mga mananampalatayang Judio ay nakaranas ng disiplina ng Diyos sa pagsakop ng mga Gentil na dumating.
Paano natin ito mailalapat sa mga mananampalataya ngayon? Samantalang tayo ay hindi isang bansang gaya ng Israel, at karamihan sa mga espisipiko ay iba para sa atin ngayon, mayroong paglalapat para sa atin (2 Tim 3:16). Mayroon ding paghuhugas na inaalok sa mga banal ng panahon ng iglesia. Sa 1 Juan 1:9, ang apostol Juan ay nagsasabi sa ating kapag ating pinahayag ang ating mga kasalanan, mararanasan din natin ang paghuhugas. Kapag tayo ay nagkamalay sa ating kasalanan, mayroong tayong oportunidad upang ipahayag ito at magpatuloy sa paglakad sa liwanag ng Panginoon. Kung gagawin natin ito, mararanasan natin ang mga espirituwal na pagpapala na nanggaling sa pagsunod sa Panginoon. Kung hindi, gaya ng bansang Israel, makaaasa tayo ng gawa ng pagsasaway ng Panginoon sa ating mga buhay. Subalit wala sa mga ito ang may kinalaman sa ating walang hanggang kaligtasan.
Ang mga salita ni Isaias ay mainam. Sila ay nakagigitlang halimbawa ng biyaya ng Panginoon sa Israel kahit pa nahulog ito sa paghihimagsik. Walang dudang ang paglalarawan sa pasaheng ito ay nagningas sa imahinasyon ng maraming manunulat ng mga awit ngayon. Subalit ang kapahamakang dala ng maling aplikasyon ay signipikante. Kung babasahin ng isang hindi mananampalataya na ang pasahe ay patungkol sa walang hanggang kaligtasan, maaari siyang lumakad palayong iniisip na kailangan niyang arugain ang mga ulila at labanan ang kawalan ng katarungan upang makatanggap ng buhay na walang hanggan. Ito ay isang trahikong misaplikasyon.