Ang buhay na walang hanggan ay magpakailan pa man. Minsang maligtas, ligtas kailan pa man. Ngunit nangangahulugan ba itong ang mga mananampalataya ay maaari nang magkasala nang walang konsekwensiya?
Hindi.
Tama ang mga tao sa pagtuturo na ang Bagong Tipan ay puno ng babala sa mga mananampalataya. Ngunit mali sila sa pag-iisip na ang mga babalang ito ay tungkol sa posibilidad na mawawala ang walang hanggang kaligtasan.
Ano ba ang maaaring mawala sa isang mananampalataya? Aking sisiyasating ang Bagong tipan sa isang serye ng mga blogs.
Halimbawa, alam mo bang maaaring maiwala mo ang iyong pisikal na kalusugan dahil sa kasalanan?
Siyempre, alam mo yan. Halimbawa, alam nating ang pagkalulong sa alak ay maaaring magdulot ng sakit sa atay, ang katakawan ay maaaring magresulta sa sakit sa puso, ang kalaswaan sa seks ay maaaring maging dahilan ng STDs at ang pagnanakaw ay maaaring magresulta sa pagkalason sa tingga.
Ang kasalanan ay may epekto sa iyong kalusugan- iyan ay sentido kumon. Ngunit ito ay isa ring kapahayagan ng Bibliya.
Halimbawa, ang mga taga-Corinto ay nagkakahati sa Huling Hapunan (cf. 1 Cor 11:18), marami sa kanila ang may sakit at ang iba ay namatay:
Sapagka’t ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon. Dahil dito’y marami sa inyo ang mahihina at mga masasaktin, at hindi kakaunti ang nangangatulog (1 Cor 11:29-30).
Nakita ninyo? Ang mga ligtas na mananampalataya ay nagkakasakit nang dahil sa kanilang makasalanang gawi. Ang buhay na walang hanggan ay hindi proteksyon sa makalupang sakit.
Gayun din si Santiago ay nagtuturo na ang kasalanan ay maaaring magbunga ng pagkakasakit-
May sakit baga ang sinoman sa inyo? Ipatawag niya ang mga matanda sa iglesia; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon: At ang panalangin ng pananampalataya ay magliligtas sa maysakit, at ibabangon siya ng Panginoon; at kung nagkasala siya, ay ipatatawad sa kaniya. Mangagpahayagan nga kayo sa isa’t isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa’t isa ang iba, upang kayo’y magsigaling. Malaki ang nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid (Santiago 5:14-16).
Kung ikaw ay may sakit, ayon kay Santiago, maaari mong tawagin nag mga matanda ng simbahan upang manalangin para sa iyo. Pansinin na kaniyang pinapalagay na ang sakit at ang kasalanan ay magkakawing, at nangangailangan ng pagkukumpisal.
Ngunit hindi ito nangangahulugan na lahat ng sakit ay resulta ng kasalanang hindi nakumpisal. Sa Juan 9:2-3, nilinaw ni Jesus na ang mga tao ay maaaring magkasakit sa ibang kadahilanan, halimbawa sa mga mapangyayaring mga layunin ng Diyos. So hindi tayo maaaring maging dogmatiko na mayroong one-to-one relation ang pagsuway at ang sakit. Ngunit kung ikaw ay may sakit, magandang siyasatin ang iyong konsensiya (at ang iyong gawi) at ikumpisal ang mga kasalanang nabatid mo upang ikaw ay mapatawad.
Ang buhay na walang hanggan ay magpakailan pa man, ngunit ang pisikal na kalusugan ay hindi- isang dahilan kung bakit ang mga mananampalataya ay hindi dapat magpatuloy sa kasalanan.