Kapag ang isang ligtas ng mananampalataya ay nagkasala, hindi nila naiwawala ang kanilang buhay na walang hanggan, ngunit maaari nilang maiwala ang kanilang walang hanggang gantimpala. Hindi marami sa mga kritiko ng eternal na seguridad ang may taglay na doktrina ng eternal na gantimpala kaya sila ay nahihirapang ipaliwanag ang mga babala ng Biblia tungkol sa pagkawala ng mga gantimpala. Sa halip mali ang paliwanag nila sa mga ito bilang patungkol sa pagkawala ng kaligtasan.
Halimbawa, sa mga sulat ni Jesus sa pitong simbahan, ang Panginoon ay nagbigay halimbawa ng mga pribilehiyo sa kaharian na pinangako sa mga “nagtagumpay”. Ang pandiwa na ginamit ay nikao. Paliwanag ni Bob Wilkin, “Sa Bagong Tipan, ang nagtagumpay ay ang mananampalataya na nagtagumpay sa sanlibutan, sa laman at sa diablo sapamamagitan ng pagpapatuloy sa pananampalataya at mabuting gawa hanggan sa katapusan ng kaniyang buhay (sapamamagitan man ng Rapture o kamatayan)” (Wilkin, The Ten Most Misunderstood Words, p. 179). Gayundin naman ayon kay Tony Evans, “nangangahulugan ito na maging matagumpay sa gitna ng, sa kabila ng o sa ibabaw ng anumang pangyayari na ilehitimong bumibihag sa isang mananampalataya” (Tony Evans Bible Commentary, p. 1398).
Ang lahat ng nagtagumpay ay tatanggap ng mga espesyal na pribilehiyo mula sa Panginoon gaya ng pinangako ni Jesus sa bawat iglesia.
Halimbawa, sa mga taga-Efeso, nangako si Jesus:
“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay, ay siya kong pakakanin ng punong kahoy ng buhay, na nasa Paraiso ng Dios” (Pah 2:7).
Sa iglesia sa Smyrna:
“Ang magtagumpay ay hindi parurusahan ng ikalawang kamatayan” (Pah 2:11).
Sa iglesia sa Pergamo:
“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia. Ang magtagumpay ay bibigyan ko ng manang natatago, at siya’y bibigyan ko ng isang batong puti, at sa bato ay may nakasulat na isang bagong pangalan, na walang nakakaalam kundi yaong tumatanggap” (Pah 2:17).
Sa iglesia sa Tiatira:
“At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa” (Pah 2:26).
Sa iglesia sa Sardis:
“Ang magtagumpay ay daramtang gayon ng mga mapuputing damit; at hindi ko papawiin sa anomang paraan ang kaniyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kaniyang mga anghel” (Pah 3:5).
Sa iglesia sa Filadelfia:
“Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa king Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pah 3:12).
Sa iglesia sa Laodicea:
“Ang magtagumpay, ay aking pagkakaloobang umupong kasama ko sa aking luklukan, gaya ko naman na nagtagumpay, at umupong kasama ng aking Ama sa kaniyang luklukan (Pah 3:21).
Hindi ko lubos na nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mga gantimpalang ito, ngunit nakikita ko na silang lahat ay walang hanggang gantimpala. Ang implikasyon ay, kapag hindi ka nagtagumpay- ie, kung ikaw ay magpatuloy sa karnalidad at espiritwal na pagkabubot- hindi mo matatamo ang mga pribilehiyong ito sa kaharian.
Ito ay isa pang negatibong konsekwensiya ng kasalanan.
Ang mga tagatuyod ng walang hanggang kasiguruhan ay iginigiit na ang buhay na walang hanggan ay ginarantiyahan ng walang hinihinging kapalit sa sandaling ikaw ay manampalataya kay Jesus. Magmula noon, wala kang magagawa, masasabi o mapaniniwalaan na makababago ng katotohanang ikaw ay maglalagi kasama ng Diyos magpakailan pa man.
Ngunit, hindi ito nangangahulugan na ang kasalanan ay walang pag-igkas sa mananampalataya. Ang Free Grace na pananaw ay may paliwanag sa mga konsekwensiyang ito. Gaya ng pinakikita ng Pahayag 2-3, bagama’t hindi mawawala ang iyong kaligtasan, maaari mong maiwala ang matatamis na pribilehiyo sa kaharian, gaya ng pagkain ng bunga mula sa puno ng buhay (cf. Pah 22:1-2).