Ang buhay na walang hanggan ay libre. Samakatuwid ito ay isang regalo. Gaya ng sinabi ni Pablo:
Sapagka’t sa biyaya kayo’y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, ito’y kaloob ng Diyos; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa upang ang sinoman ay huwag magmapuri (Ef 2:8-9).
Huwag ninyong maliin ang pag-unawa sa kalagayan ng biyaya ng Diyos at ano ang hindi nito kalakip. Ang pagkabiyaya ng kaligtasan ay nangangahulugan na ang buhay na walang hanggan ay hindi kailan man makakamit ng iyong mabuting gawa. Kung magkaganoon, ang kaligtasan ay isang ganti, hindi regalo:
Ngayon sa kaniya na gumagawa’y hindi ibinibilang na biyaya ang ganti, kundi utang (Roma 4:4).
Maraming tao ang nakarinig ng buhay na walang hanggan. Ngunit kakaunti ang nakarinig ng gantimpalang walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan at ang gantimpalang walang hanggan ay dalawang magkaibang bagay. Samantalang ang buhay na walang hanggan ay binigay sa pamamagitan ng pananampalatay na walang lakip na gawa, ang walang hanggang gawa ay nakakamit sa pamamagitan ng gawa. Gaya ng pinangako ni Jesus:
“Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa” (Pah 22:12).
Ano ang batayan ng pagkamit ng gantimpala mula kay Jesus? Ang iyong gawa.
Sinabi sa atin ni Pablo kung saan magaganap ang paghuhukom ni Jesus sa Kaniyang mga banal, ie, sa hukuman ni Cristo:
Sapagka’t tayong lahat ay kinakailangan mahayag sa harapan ng hukuman ni Kristo; upang tumanggap ang bawa’t isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama (2 Cor 5:10).
Sinabihan tayo ni Jesus na magtipon ng kayamanan sa langit (Mateo 6:19-21). Gaya ng inihayag ni Pablo, ang Hukuman ni Cristo ang magpapakita kung gaano kalaki ng iyong ginawa sa buhay na ito ang maisasalin sa kayamanan sa langit:
Sapagka’t sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito’y si Cristo Jesus. Datapuwa’t kung ang sinoma’y magtatayo sa ibabaw ng pinagsasaligang ito ng ginto, pilak, mga mahahalagang bato, kahoy, tuyong dayami; Ang gawa ng bawa’t isa ay mahahayag: sapagka’t ang araw ang magsasaysay, sapagka’t sa pamamagitan ng apoy inihahayag; at ang apoy rin ang susubok sa gawa ng bawa’t isa kung ano yaon. Kung ang gawa ng sinoman ay manatili, na kaniyang itinayo sa ibabaw niyaon, siya’y tatanggap ng kagantihan. Kung ang gawa ng sinoman ay masunog, ay malulugi siya: nguni’t siya sa kaniyang sarili ay maliligtas; gayon ma’y tulad sa pamamagitan ng apoy. (1 Cor 3:11-15).
Ito ang isa pang susi sa pagkakaroon ng kumpletong pagkaunawa ng biblikong doktrina ng walang hanggang kasiguruhan. Minsan maligtas, ligtas kalian pa man; hindi ito nangangahulugan na maaari ka ng mabuhay ng maalibughang buhay ng kahoy at tuyong dayami at umasang hindi ito masusunog. Ang iyong gawa ay mahalaga. Bagama’t ang mga gawang ito ay hindi kailangan para makamit, maingatan o mapatunayan ang buhay na walang hanggan, ito ay batayan sa pagkakaroon ng gantimpalang walang hanggan sa nalalapit na kaharian ni Cristo.
Sa madaling salita, ang mga mananampalataya ay may nalalapit na pagsusulit sa kanilang gawain. Depende sa iyong ginawa, ang Boss ay maaaring bigyan ka ng bonus at promosyon, o maaaring ikaw ay Kaniyang pagsabihan. Kaya tayo ay magsikap para sa araw ng pagtutuos.
Ngunit anu’t ano pa man ang mangyari, mabuti o masama, ang buhay na walang hanggan ay hindi maiwawala.