Sa Is 9:6, ang propeta ay naglista ng mga titulo para sa Panginoon kasama na ang Kahangahangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama at Pangulo ng Kapayapaan. Ngunit ang kahangahangang listahang ito ay isa lamang patak sa isang balde. Siya ay tinawag ding Salita, Ang Alpha at Omega, ang Punong Pastol at ang listahan ay nagpapatuloy. Marahil isang leksiyon na matututunan sa mayamang listahan ng mga paglalarawan kay Cristo ay ang ating Panginoon ay napakadakila na ang Kaniyang pangalan ay patuloy na dumarami habang patuloy tayong natututo tungkol sa Kaniya.
Maaaring sabihing habang lumalago ang mga mananampalataya at nagpapatuloy sa iba’t ibang panahon ng buhay, ang iba’t iba Niyang titulo ay nagkakaroon ng karagdagang signipikansiya. Halimbawa, anong paglalarawan sa Panginoon ang pinakanakatutulong sa panahon ng pagdurusa. Sa 1 Ped 4:19, ang Apostol Pedro ay nagbigay ng isang interesanteng opsiyon, na nagsasabi:
“Kaya’t ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa kalooban ng Diyos ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.”
Ang sitas na ito ay signipikante sa ilang dahilan. Patapos na si Pedro sa kaniyang aklat at may pagbabago sa kaniyang tema. Ang susunod na seksiyon ay mga alituntunin sa mga matatanda, at ang pamamaalam ng apostol. Ang v 19 ay nagsisilbing buod na pahayag para sa kabanata 3-4 at gayon din sa lamang teolohikal ng sulat. Ang 1 Pedro ay patungkol sa pagdurusa at sa kaligtasan ng kaluluwa (o buhay) ng mananampalataya sa pamamagitan ng pagsubok (1:9). Ang salitang sinaling “kaluluwa” rito ay psyche at maaari ring isaling “buhay.” Hindi ito kaligtasan mula sa lawa ng apoy. Ito ay patungkol sa kalidad ng buhay ng mananampalataya at kaligtasan nito o bindikasyon sa pamamagitan ng nagsasakdal na gawa ng mga pagsubok. Ito ay natutupad kapa gating pinagkatiwala ang ating mga buhay sa Panginoon at sa paggawa ng mabuti. Pansining ito ay lenggwahe ng sanktipikasyon, at ang apostol ay hinihimok ang maka-Diyos na gawi. Makikita natin ang lahat ng tema itong sa 4:19.
Pinapaalala sa atin ni Pedro kung SINO ang dapat nating pagkatiwalaan sa pagliligtas na ito. Siya ay ang tapat na Lumalang. Ito ang tanging pantukoy sa Panginoon bilang tapat na Lumalang sa buong Kasulatan. Sa unang tingin tila ito ay medyo impersonal at napakataas. Kung ako ay nagdurusa, o kung may kilala akong dumaraan sa matinding pagsubok, hindi ako tiyak kung ang titulo ng Panginoon bilang Lumalang ang paglalarawang aking lalapitan. Tila mas may kaaliwan sa mga titulong Pastol o Punong Saserdote. Subalit hindi ginamit ng apostol ang mga titulo at binigyang diin ang Panginoon bilang Lumalang. Ito ay kailangang itanong: Bakit ito ang larawang pinili ni Pedro bilang pagtatapos na pahayag imbes na iba pang posibilidad?
Isa pang tema sa 1 Pedro ay ang pagbabata sa liwanag ng nalalapit na pagbabalik ng Panginoon. Madalas banggitin ni Pedro ang pagbabalik ng Panginoon bilang kapahayagan ni Jesucristo (1:5, 7, 13; 4:13; 5:1). Ang temang ito ay pinalawag ng apostol sa ikalawang epistula. Binabanggit ni Pedro ang katotohanang ang Panginoon ay hindi mapagpaliban tungkol sa Kaniyang pangako (2 Ped 3:9). Sa madaling salita, ang Pagninoon ay tapat. Ang konteksto ng pasaheng ito ay ang pagbabalik ng Panginoon. Nilarawan ni Pedro kung ano ang itsura ng pagbabalik na ito sa v10-12. Sinabi niyang ang langit ay lilipas, at ang sanlibutang ito ay masusunog (v10). Hinimok niya ang kaniyang mambabasa na tingnan ang pagdating ng Panginoon at ikilos ang kanilang mga sarili nang may kabanalan sa liwanag ng nalalapit na paglisan ng sanlibutang ito (v11-12). Ang buod niya sa seksiyong ito ay alingawngaw ng 1 Ped 4:19:
“Ngunit ayon sa Kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran” (2 Ped 3:13).
Isang araw, ang sanlibutang ito ay mawawasak, ngunit may pangakong mas dakila pa na darating. Ang tapat na Lumalang ay gagawa ng bagong langit at bagong lupa. Nakalulungkot, marami sa Sangkristiyanuhan ngayon ang hindi alam ang kahangahangang katotohanang ito. Marami ang nakikita ang ating walang hanggang tahanan bilang isang lokasyong abstrak kung saan lumulutang tayo sa alapaap. Subalit, si Pedro ay nagbabanggit ng bagong paglalang. Kung paanong ang Matanda ng Mga Araw ay minsang lumikha ng sanlibutang ito, minsan Niya pa itong uulitin, na gagawa ng bagong langit at bagong lupa para ating tirahan sa buong eternidad. Subalit, ang bagong mundong ito ay walang kasalanan, walang sakit, at lugar kung saan ang katuwiran ay mananahan kailan pa man.
Sa halip na mataas at impersonal na paglalarawan, ang apostol ay humugot sa isang malalim at nakaaaliw na katangian ni Cristo. Ang araw ay darating na ang pagdurusa sa mundong ito ay papalitan ng katuparan ng mga pangako ng tapat na Lumalang. Dahil diyan, ang nagbabatang mananampalataya at maipagkakatiwala ang kaniyang buhay sa Diyos na ito, na may kaalamang anumang ginawa sa Kaniya at hindi masisira.