Ang Isaias 21:11-12 ay may enigmatikong hula laban kay Dumah. Ang Dumah, malamang, ay patungkol kay Edom, mga anak ni Esau. Mula sa Bundok Seir sa Edom, nanggaling ang isang tanong tungkol sa estado ng gabi na dumating sa kanila. Isang bantay, patungkol kay Isaias, ay nagbigay ng halong balita. Una, nagbigay siya ng salita ng pag-asa. Darating ang umaga.
Ngunit ang umagang iyan ay susundan muli ng gabi. Ang pasahe ay masusumpungan sa mas malaking talakayan tungkol sa maraming pangungubkob at pagbagsak ng iba’t ibang bansa. Tinutukoy ng propeta ang opresiyon sa ilalim ng Asiria, na malao’y matatapos din. Ngunit ang palugit ay pansamantala lamang. Ang pananakop ng Babilonia ay magdadala ng bagong opresiyon at kadiliman. Sa madaling salita, ang umaga ay papalitan ng isa pang gabi.
Dahil sa magulo nilang hinaharap, hinikayat ni Isaias ang mga Edomita na bumalik (v12). Marami ang nauunawaan ito bilang isang panawagang evangelistiko, na sinasabing ang pagsisisi ay kailangan para sa kaligtasang walang hanggan. Halimbawa, nagkomento si Fruchtenbaum:
Ang salitang Hebreo para sa “pumihit,” shuv, ay tumutukoy sa kumbersiynon. Ang tanging ginhawa para sa Edom ay ang pumihit sa kumbersiyon at lumapit sa Diyos ng Israel matapos magsisi (Arnold Fruchtenbaum, The Book of Isaiah, page 232).
Ito ang konsenso patungkol sa kahulugan ng pasahe, na ang ilan ay tinatawag itong “mahinang” tawag evangelistiko. Subalit, napakaunti ng suportang binigay sa pananaw na ito. Ang obskuridad at haba ng pasaheng ito ay nagpapahirap sa interpretasyon nito. Subalit, ang pagpapasubaling ito ay panawagan sa kaligtasan ay salungat sa nagliligtas na mensahe ng buhay na walang hanggang libreng inaalok sa lahat ng nanampalataya lamang (Juan 3:16; 5:24; Ef 2:8-9). Ang buhay na walang hanggan ay hindi ibinibigay sa mga tao base sa kanilang pagtalikod sa kanilang kasalanan, ito ay kaligtasan dahil sa gawa. Totoo rin ito sa LT. Bukod diyan, hindi binanggit ang buhay na walang hanggan o ang pananampalataya at hindi rin sinabing ito ay regalo. Ito ay panawagang kumilos- ang tumalikod sa pagkakasala.
Sa konteksto, ang pasahe at ang buong yunit (Kabanata 13-23) ay patungkol sa pagwasak sa mga bansa sa pamamagitan ng digmaan, pagbihag at pangungubkob (21:7, 9, 15, 17). Tinatalakay ng propeta ang nalalapit na pangungubkob at ang kadilimang kasama nito. Samakatuwid, ang isyu ay hindi walang hanggang kaligtasan, kundi kaligtasan mula sa mga hukbo at digmaan. Isang kumparasiyon ang makikita sa mensahe ni Jonas sa mga taga-Nineve. Kung paanong nanawagan si Jonas sa lunsod ng Nineveh na magsisi sa pag-asang makasusumpong ito ng kaligtasan mula sa nalalapit na pagkawasak, si Isaias ay may kaparehong aplikasyon sa mga Edomita. Dapat ding pansining hindi pinag-uusapan ang indibidwal na kaligtasan; ang pasahe ay patungkol sa mga bansa at mga lunsod. Ito ay panawagan korporeyt sa pagsisisi at hindi indibidwal na panawagang manampalataya sa Mesiyas para sa buhay na walang hanggan.
Pag tiningnan mo ang Isaias 21 sa kabuuan, ito ay madaling makita. Bago ang panawagan sa Edom, nilarawan ni Isaias ang pagwasak ng Babikonia (v1-10). Pagkatapos ng instruksiyon sa Edom, nilarawan din ng propeta ang pagkawasak ng Arabia at ng ilan nitong makapangyarihang mga tribo (v11-16). Ang mayoridad ng nakabalibot na bansa sa Judea ay bumagsak rin sa iba’t ibang pananakop. Ang aral sa mga Israelita ay samatalang ang mga paganong bansang nakapalibot sa Judea ay mawawasak (Is 14:22, 30. 15:9; 16:14), hindi pababayaan ng Diyos ang Kaniyang piniling bayan, at may matitira mula sa Judea (Is 1:9; Rom 9:28). Sa maikli, ang isyu ay panlupang kaligtasan, hindi kaligtasan mula sa lawa ng apoy.
Ang moral na korapsiyon ng mga paganong bansa ay hindi maitatanggi, kaya ang panawagan sa pagsisisi ay lehitimo. Subalit ang ipilit ang panawang evangelistiko sa pasahe ay isang pananaw na nasasalig sa tradisyon sa halip na teksto. Marahil, may aral ito para sa atin ngayon. Mapa-paganong bansa man sa paligid ng Judea, o mga tradisyon ng mga komentarista, ang mayoridad ay madalas na mali. Ang mga komentaristang nagsasabing ang mga gawa, gaya ng pagtalikod sa mga kasalanan, ay kailangan para makatanggap ng buhay na walang hanggan ay kailangang gawin ang sinasabi ni Isaias sa Edom na dapat gawin. Magsisi!