Ang utos ni Jesus ay, “magtipon kayo ng kayamanan sa langit” (Mat 6:20), at Siya ay nangako na babalik dala ang “Aking ganting-pala… upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kaniyang gawa” (Pah 22:12). Matatagpuan mo ang paksa ng walang hanggang mga gantimpala na nasusulat sa buong Kasulatan, mga pangako ng kayamanan, pag-aari, paglalagyan at kapamahalaan sa buhay na darating.
Hindi ba’t dapat lamang naisin mo ang mga gantimpalang iyan?
May mga tao na nag-aatubili sa ideya ng motibasyon sa pamamagitan ng pagkamit ng kayamanan sa langit. Para sa kanila, ito ay pagiging makasarili. At ang mga Kristiyano ay hindi dapat maging makasarili, hindi ba?
Ngunit sino ba ang nagpasimula ng ideya na imoral ang hanapin ang mga gantimpala ng Diyos? Tunay na hindi ang Diyos! Pinakita ni Jesus ang pagkamit ng mga kayamanan sa langit bilang isang bagay na dapat nasain. Nanasain mo ang mga gantimpalang ito para sa iyong sariling kapakinabangan. Ito rin ang inisip ni C. S. Lewis:
Kung mayroon mang nagtatago sa pinakamodernong kaisipan na kuro-kuro na ang magnasa ng ating ikabubuti at umasa na tamasahin ito ay isang masamang bagay, nais kong ipakita na ang kuro-kuro na ito ay pumasok mula kay Kant at sa mga Stoiko at hindi bahagi ng Kristiyanong pananampalataya. Tunay, kung ating pagninilayan ang mga tapatang pangako ng gantimpala at ang nakakagitlang kalikasan ng mga gantimpalang pinangko sa mga Ebanghelyo, tila matatagpuan ng Panginoon ang ating mga pagnanasa na hindi napakalakas kundi napakahina. Tayo ay mga nilalang na hati ang mga puso, naglalaro sa mga inumin at seks at ambisyon samantalang walang hanggan kasiyahan ang iniaalok sa atin, tulad ng isang ignoranteng bata na nais gumawa ng mga putik na tinapay sa estero dahil hindi niya mawari ang ibig sabihin ng bakasyon sa tabing dagat. Madali tayong mapasiya (Lewis, The Weight of Glory”).
Ang problema sa Kristiyanong pag-aalagad ay hindi ang kawalan ng motibasyon kundi ang motibasyon ay dahil sa mabababang mga bagay, hal. , sa mga “putikang tinapay” ng buhay, sa halip na ng malalaking bagay gaya ng walang hanggang gantimpala. Kung ganuon, ang iyong problema ay hindi ang pagiging makasarili kundi madali kang mapasiya.
Kung ang iyong motibasyon ay ang mga makasanlibutang mga bagay kaysa sa mga walang hanggang bagay na galing sa Kaniyang kamay, imbes na napakalakas, ang iyong mga pagnanasa ay napakahina.