Imadyinin mong may kumatok sa iyong pintuan at nakaharap mo ang dalawang Saksi ni Jehovah. Binahagi nila sa iyo ang evangelio ayon sa kanilang doktrinang nakasalig sa mga gawa. Sila’y mabait at mukhang sinsero ngunit malinaw na sila ay nalalabuan sa libreng regalo ng buhay na walang hanggan. Sa pagpapatuloy ng inyong pag-uusap, ibinahagi mo ang nagliligtas na mensahe ng buhay na walang hanggan bilang libreng regalo sa lahat nang nanampalataya lamang kay Jesus lamang para rito. Subalit, bilang tugon sa nagliligtas na mensahe, kanilang binanggit ang Santiago 2. Sinabi nilang ang mga gawa ay kailangan at katunayan ng kaligtasan. Paano mo sasagutin ang kanilang tanong?
Ang Santiago 2:14-26 ay matagal nang punto nang mainit na debateng teolohikal. Sa pagpapaliwanag ng Santiago 2:14-26, maraming bagay ang dapat talakayin. Halimbawa, ang mga salitang ligtas, patay at inaring matuwid ay kailangang idepina. Ang konteksto ng aklat ay kailangan ding bigyang pansin, ganuon ang paggamit ng mga Griyego ng tuligsa (o diatribes). Kailangan mo ring panlabanan ang daan-daang taong ng tradisyon at maling gamit. Malaking hamon ang ipaliwanag ang Santiago 2 lalo na sa mga nahihirapang maunawaan ang libreng regalo ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang kay Jesus.
Nang nakaraang buwan, naharap ako sa sitwasyong ganito. Sinubukan kong ipaliwanag ang Santiago 2. Subalit, kung ako ay magiging tapat, sa tingin ko ang aking tugon ay nakalilito sa mga ginang sa aking terasa. Sinikap kong panatiliing maikli ang aking paliwanag ngunit ang kanilang mga mata ay naging tila salamin. Tinapos nila agad ang aming pag-uusap at umalis.
Habang pinagninilayan ko ang palitang ito, naalala ko ang isang lumang akronim, ang KISS na nangangahulugang “Kiss It Simple Saints.” (Panatilihin mong Payak Banal). Sa pagpapaliwanag ng doktrina, lalo na sa mga hindi mananampalataya, mahalagang pasimplehin ang ating paliwanag. Pagdating sa Santiago 2, paano ba mapapasimple ng isang gurong Free Grace ang pag-uusap sa isang makahulugang paraang magbibigay ng karagdagang kaliwanagan at hindi kalituhan? Paano ko kaya mapapaigi ang aking paliwanag?
Maraming paraan upang talupan ang isang pusa. Ang lugar at oras na kasama mo ang isang tao ay may epekto sa kung paano mo tutugunan ang isyung ito. Subalit, paano kung mayroon ka lamang isang minute sa iyong terasa gaya ko? Sa pagkakataong ito, nakita ko ang isang pahayag ng pagbubuod na kung pwede lang sana ay naisip ko nang nakaraang buwan sa aking pakikipag-usap sa mga Saksi ni Jehovah:
Si Santiago ay hindi nagtuturong ang mga gawa ay nagpapatunay ng ating pananampalataya, tinuturo ni Santiagong ang mga gawa ay nagpapaunlad ng ating pananampalataya.
Nasumpungan kong malaking tulong ang pahayag na ito. Maikli, at nagbibigay ng isang paghahambing sa tipikal na turo tungkol dito, at isang paglalaro sa mga salita. Madali rin itong maalala.
Sa Santiago 2, binigyan tayo ng halimbawa ni Abraham na naghandog kay Isaac bilang isang alay. Ang pangyayaring ito ay pamilyar sa mga nagtatanong tungkol sa Santiago 2. Ito kung ganuon ay isang magandang halimbawang pwedeng pag-usapan. Nangyari rin ito ilang dekada matapos ihayag ng Panginoon ang patriyarka na matuwid (Gen 15:6). Ang pagsunod ni Abraham sa Panginoon ay hindi ibinigay bilang patunay ng kaligtasan kundi nagpapakita ng kaniyang maturidad. Bago ang pangyayaring ito, maraming desisyong imatyur na ginawa si Abraham. Dalawang beses siyang nagsinungaling tungkol sa pagkakakilanlan ng kaniyang asawa upang iligtas ang kaniyang sarili! Takot siya at sinubukan niyang iwasan ang plano ng Diyos sa pakikiniig kay Agar. Subalit matapos ang dekadang paglakad kasama ang Panginoon, siya ay tapat na sumunod nang utusang ialay ang kaniyang minamahal na anak. Ang kaniyang pananampalataya ay NAPAUNLAD. Sa pasaheng ito nakita nating ang isang lalaking lumago ang pananampalataya. Ito ay isang kakaibang sandali sa buhay ni Abraham. Ang kaniyang mga gawa ay naging ganap sa puntong handa siyang ialay ang kaniyang pinakamamahal nang lubos. Iyan ay espirituwal na paglago, hindi espirituwal na kapanganakan. Ang kaniyang mga gawa ay hindi PATUNAY ng kaniyang kaligtasan, ang kaniyang mga gawa ay NAGPAUNLAD ng kaniyang pananampalataya. Maraming mananampalataya ang hindi umaabot sa antas na ito ng espirituwal na maturidad.
Ang mga tagataguyod ng Lordship Salvation ay may pamosong kasabihan. Malimit nilang pinapaliwanag ang Santiago 2 gamit ang kasabihang” “Tayo ay naligtas sa pananampalataya lamang, ngunit ang pananampalatayang nagliligtas ay hindi kailan man nag-iisa.” Sa madaling salita, kung ikaw ay ligtas, ikaw ay magkakaroon ng gawa. Ito ay salungatang pahayag ayon sa Roma 11:6. Ganuon pa man ang pahayag na ito ay napakalaganap na ito na ang karaniwang pagkaunawa ng pasaheng ito. Ito ay nabaon na sa kultura ng simbahan na naging katotohanan na para sa karamihan. Subalit ito ay salungat sa mga aral ng BT, kabilang na ang Aklat ni Santiago. Ang mga gawa ay hindi awtomatiko, at ang maturidad ay isang proseso. Si Abraham ay isang perpektong halimbawa ng katotohanang ito.
Ganuon pa man, ito ay isang kahusayan sa parte ng mga gurong Lordship na kanilang napasimple ang kanilang turo. Ito ay maikli, at binibigay ang pinakapunto ng kanilang mensahe. Sa parehong paraan, ang mga guro ng Free Grace ay maaaring ikunsidera ang isang pinasimpleng pagbubuod.
Ang mga gawa ay hindi PATUNAY ng kaligtasan; ang mga ito ay NAGPAPAUNLAD ng pananampalataya.
Ang GES ay maraming sinulat na artikulo at blog tungkol sa Santiago 2. Bilang karagdagan, si Zane Hodges ay may komentaryo tungkol sa Aklat ni Santiagong masusumpungan sa aming tindahan.