Habang ako ay gumagawa ng pananghalian, ang aking anak na si Zane ay pumasok sa kusina at nagtanong, “Isang oras na po ba ang nakalipas?”
“Isang oras mula kailan?”
“Basta po! Isang oras na po ba?”
“Mula ngayon? Kailangan kong magsimulang orasan.”
“Hindi isang oras mula sa darating.”
“Kung isang oras mula sa darating, hindi pa iyon naganap dahil tayo ay nasa ngayon at hindi sa darating.”
“Ugh, Dad. Isang oras na po ba o hindi pa?”
Hindi ko mabigyan ng maayos na sagot si Zane hangga’t hindi ko naiintindihan ang kaniyang tanong! (Nais niyang malaman kung ang kaniyang kapatid na babae ay tapos na mag-computer at maaari nang makipaglaro sa kaniya). Minsan ang sagot ay walang kabuluhan hangga’t hindi mo nalalaman ang tanong. Diyan papasok Ang Mangangaral. Ano ba ang layunin ng Ang Mangangaral sa Bibliya? Ayon kay Peter Kreeft:
“Ang Ang Mangangaral, ay ang kasalungat, ang alternatibo, sa natitirang bahagi ng Bibliya, ang tanong na ang kasagutan ay masusumpungan sa ibang bahagi ng Bibliya. Wala ng mas walang kabuluhan kaysa sa sagot na hindi kasama ang kaniyang tanong. Iyan ang dahilan kung bakit kailangan natin ang Ang Mangangaral.” (Three Philosophies of Life, 19).
Ang Ang Mangangaral ang tanong.
Anong tanong? Samakatuwid, ano ang nais ipahiwatig ni Solomon sa Ang Mangangaral?
Sa tingin ko ito ay maisusulat sa isang anyo ng silohismo:
Unang premis: Ang lahat ng gawain ay nasa ilalim ng araw. (Mang 1:3).
Ikalawang premis: Ang lahat ng nasa ilalim na araw ay walang kabuluhan (Mang 1:14).
Pagbubuod: Samakatuwid ang lahat ng gawain ay walang kabuluhan.
Tama ba si Solomon? Lahat nga ba na ating ginagawa ay walang kabuluhan?
Kung ang kaniyang pagbubuod ay tama, ito ay malaking dagok sa kaninuman o sa anumang pilosopiya, relihyon o pananaw na naghahanap ng kahulugan “sa ilalim ng araw.” Ang materyalismo, hedonismo, Marxismo, eksistensiyalismo, pragmatismo, agnotisismo, panteismo, paganismo atbp. Ang Ang Mangangaral ay magiging isang reduction ad absurdum sa kanilang lahat. Ngunit ito ay isang hamon rin sa mga Kristiyano na ipaliwanag kung bakit ang ating mga buhay ay sa kahulihulihan ay wala ring kabuluhan. Hindi ba’t ito ang nabanggit sa Bibliya at kung ganuon ay totoo? Mayroon pa bang pag-asa?
Ang Ang Mangangaral ay nagsaliksik at nagtanggol sa ikalawang premis ng ating silohismo. Ilalahad ni Solomon ang lahat at iba’t ibang paraan na hinanap niya ang kabuluhan sa ilalim ng araw, at pinaliwanag niya bakit ang mga ito ay walang kakayahang magbigay kasiyahan. Ang pagkaunawa kung saan nabigo si Solomon ay magbibigay sa atin na ng pag-unawa sa kultura natin ngayon. Ang mga tao ay naghahanap ng kabuluhan sa lahat ng dako sa ilalim ng araw- at sila ay may higit na kaunting pagkakataon o kayamanan kaysa kay Solomon.
Kung maipakita ni Solomon na ang kabuluhan at layunin ng buhay ay hindi nanggagaling sa ilalim ng araw- kung ang lahat (ng kaniyang sinubukan) ay walang kabuluhan- iniaaakyat nito ang pinakamalaking tanong sa lahat: Kung hindi ka makasusumpong ng kabuluhan sa ilalim ng araw, saan mo ito masusumpungan?