Sa Unang Bahagi, tinalakay ko ang tatlong paghuhukom na magaganap sa pagbabalik ng Panginoon: Ang Dakilang Puting Luklukan (Pah 20:11-15); Ang Hukuman ni Cristo (1 Cor 3:12-15; 2 Cor 5:10; Rom 14:10);at Ang Paghuhukom ng mga Tupa at ng mga Kambing (Mat 25:31-46).
Ang tatlong paghuhukom na ito ay madaling makilala dahil ang mga ito ay direktang tinalakay ng Kasulatan. Subalit, kapag bumalik ang Panginoon may mga karagdagang paghuhukom na magaganap na hindi direktang pinangalanan. Ang mga ito ay mas mahirap makilala dahil sa ating limitadong impormasyon tungkol sa mga ito. Maaari nating tawagin ang mga paghuhukom na ito bilang mga hindi pinangalanang paghuhukom.
Samantalang ang Biblia ay hindi pinangalanan ang mga paghuhukom na ito, sinasabi nito na ang Panginoon ay marapat na hatulan ang mga buhay at mga patay. Bawat tao ay kailangang magbigay-sulit sa Panginoon. Lahat ng tao ay tinalaang mamatay at hatulan (1 Ped 4:5; Pah 22:12; Heb 9:27). Ang tatlong pinangalanang paghuhukom ay hindi nabigyang-sulit ang lahat ng tao sa kasaysayan ng tao; kung ganuon may karagdagan pang mga paghuhukom. Bilang karagdagan, ang BIblia ay nabibigay na impormasyon sa mga hindi pinangalanang paghuhukom na ito. Ang blog na ito ay tatalakay sa tatlo sa mga ito.
-
Ang Paghuhukom sa mga Banal ng LT
Wala sa mga pinangalanang paghuhukom ang kabilang ang mga mananampalataya sa LT, gaya nila David, Moises at Abraham. Subalit, alam nating sila ay bubuhaying muli at ang mga tapat na mananampalataya sa panahong iyan ay gagantimpalaan (Heb 11:39-40). Ang pagkabuhay na maguli ng mga banal ng LT ay magaganap matapos ang Tribulasyon (Dan 12:1-2). Ito ay iba sa pagkabuhay na maguli ng mga banal ng panahon ng iglesia, na bubuhaying muli bago ang poot ng Tribulasyon (1 Tes 1:10; 5:1-10). Malinaw na ang mga banal ng LT ay bubuhaying muli kapag ang Panginoon ay bumalik sa lupa sa katapusan ng pitong taong Tribulasyon. Sa oras na iyan sila ay hahatulan upang madetermina ang kanilang mga gantimpala. Nilarawan ng Daniel 12:3 ang pagkabuhay na muling ito sa pagsasabing, “Ang mga marunong ay maglilinawanag na gaya ng liwanang ng kalangitan, at ang mga nagdala ng marami sa katuwiran ay gaya ng mga bituin magpakailan man.”
Sa pasaheng ito, ang propeta ay nagbabanggit ng mga gantimpala, na gumagamit ng parehong lenggwahe sa paglalarawan ng Apostol Pablo ng Pagkabuhay na maguli sa 1 Corinto 15. Ang mga marunong at nagdala ng marami sa katuwiran ay magliliwanag sa darating na kaharian. Hindi sila magliliwanag dahil sila ay ligtas; ang mga banal ng LT ay ligtas sa pamamagitan ng pananampalataya (Roma 4:1-5), sa halip dahil sa kanilang karunungan at paglilingkod sa iba. Subalit, ang mga nasa LT na namuhay nang tapat para sa Panginoon at naglingkod sa iba ay makararanas ng mas maiging pagkabuhay na maguli (Heb 11:35) kaysa sa mga mananampalatayang hangal at hindi naglingkod.
-
Mga Judio at Martiro ng Tribulasyon
Ang Parabula ng mga Tupa at mga Kambing ay tungkol sa mga bansang Gentil na hinatulan sa katapusan ng Tribulasyon. Subalit, nabanggit din sa parabula ang ikatlong grupo ng mga tao, na tinawag ng Panginoon bilang Kaniyang “mga kapatid” (Mat 25:40). Ito marahil ay tumutukoy sa mga Judiong buhay sa katapusan ng Tribulasyon at nakarating sa pananampalataya sa gitna ng pitong taong ito. Samantalang hindi tinalakay ng parabula ang kanilang paghuhukom, sila ay magbibigay-sulit pa rin sa Panginoon. Bilang karagdagan, ang mga mananampalatayang namartiro sa Tribulasyon, parehong Gentil o Judio, ay kailangang buhaying muli at hatulan. Ang Biblia ay hindi malinaw kung kailan sila hahatulan, ngunit malamang ito ay mangyayari sa pagbabalik ng Panginoon sa lupa.
- Mga Mananampalataya ng Milenyal na Kaharian
Isa pang hindi pinangalanang paghuhukom ay tungkol sa mga naging mananampalataya sa panahong ng milenyal na kaharian. Matapos ng Tribulasyon, ang Panginoon ay maghahari sa mundo sa loob ng sanlibong taon (Zac 14:16-21; Pah 20:4-6). Sa panahong ito, ang bagong tipan sa Israel ay maitatatag (Jer 31:31-34). Maraming tao ang pinanganak at nakarating sa pananampalataya sa panahong ito. Walang maraming banggit nag Biblia tungkol sa paghuhukom na ito at kung kailan ito magaganap. Subalit, isang posibilidad ay ang mga mananampalatayang ito ay hahatulan sa katapusan ng milenyal na kaharian ngunit bago ang eternidad. Sa Pah 14:6, may binanggit si Juan na walang hanggang evangelio. Sa konteksto ng pasaheng ito, ang salitang evangelio ay tumutukoy sa Ikalawang Pagbabalik ng Panginoon at sa paghuhukom na Kaniyang dadalhin sa sanlibutan.
Kung ikaw ay nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, maaari kang makakuha ng kaaliwan sa kaalamang hindi ka kailan man tatayo sa harap ng Panginoon upang idetermina ang iyong eternal na kaligtasan (Juan 5:24). Bilang karagdagan, ang mga mananampalataya ay maaaring magkaroon ng kaaliwan sa kaalamang ang Hukom na darating ay tapat at totoo, at walang kinikilingan. Ang ating Hari ay darating, at iyan ay mabuting balita!