“Maraming Kristiyano ang walang alam sa mga gantimpala ng Diyos,” paliwanag ni Jack Deere, “at ang mga mangangaral ay bihirang ipangaral sila, na nakapagtataka lalo’t madalas itong ituro ni Jesus.”
Narinig ninyo na ba ang doktrina ng walang hanggang mga gantimpala?
Kung binasa ninyo ang Biblia, dapat oo. Gaya ng sinabi ni Deere, madalas magturo si Jesus tungkol sa mga gantimpala, at ang mga ito’y madalas mabanggit sa Bagong Tipan.
Gayundin, kailangang matutuhan ang gantimpala sapagkat ang pagkakaiba sa pagitan ng gantimpala at buhay na walang hanggan ay pangunahing paghahati ng Biblia. Kung mauunawaan mo ang mga gantimpala, mabubuksan ang Kasulatan sa nakahahangang mga bagay at maiiwasan mong malito sa kaligtasan sa gawa.
Paano?
Ang buhay na walang hanggan ay isang libreng regalo, ibinigay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, hiwalay sa mga gawa (eg. Juan 3:16, 36; 5:24; 6:47; Ef 2:8-9). Ngunit ang walang hanggang gantimpala ay binibigay ayon sa iyong mga gawa. Gusto mo bang malaman ang bahagi ng gawa sa iyong Kristiyanong pamumuhay? Kung ganuon kailangang aralin mo ang doktrina ng mga gantimpala.
Upang ikaw ay makapagsimula, si Deere ay may nilista na apatnapung banggit sa walang hanggang gantimpala sa mga turo ni Jesus (tingnan rito, p 237, note 1). Bahagya kong binago ang listang ito.
Sa ilang mga sitas, direktang ginamit ni Jesus ang salitang gantimpala. Sa iba, binanggit niya ang pagkamit ng kayamanan, o ng kabayaran, o ng pagkatawag na dakila o maliit sa kaharian o ginantimpalaang maghari na kasama Niya. Ngunit ang lahat ng mga ito ay bahagi ng doktrina ng mga gantimpala. Enjoy:
- Mateo 5:5
- Mateo 5:12
- Mateo 5:19
- Mateo 6:2-4
- Mateo 6:18
- Mateo 6:20
- Mateo 10:41-42
- Mateo 16:27
- Mateo 18:4
- Mateo 19:21
- Mateo 19:28
- Mateo 19:30
- Mateo 23:12
- Mateo 25:21
- Mateo 25:23
- Marcos 9:41
- Lukas 6:35
- Lukas 12:8
- Lukas 12:33
- Lukas 19:17
- Lukas 19:19
- Lukas 22:30
- Pahayag 2:7
- Pahayag 2:10-11
- Pahayag 2:26-27
- Pahayag 3:4-5
- Pahayag 3:11-12
- Pahayag 3:21
- Pahayag 19:7-8
- Pahayag 20:4
- Pahayag 22:5
- Pahayag 22:12