Nais ni Pablo na maunawaan mo kung gaano nakamamatay ang legalistikong espiritwalidad.
Nakikita mo na kahit sa mga taong matindi ang paniniwala na hindi ka aariing matuwid sa pamamagitan ng kautusan, nariyan ang tukso na maghakahaka kung ang kautusan ba ay may papel na ginagampanan sa iyong kabanalan.
Para kay Pablo ang ganiyang uri ng kaisipan ay hindi pa nakapanghahawak kung gaano nakamamatay at kadelikado ang kautusan.
Sa Roma 7:1-4, kinumpara ni Pablo ang Kristiyanong pamumuhay sa pag-aasawa. Ikaw ay kasal sa kautusan ngunit ang kasal na iyan ay hindi maganda. Hindi siya malusog. Sa katotohanan, pinapatay ka nito. Kailangan mong umalis! At iyan ang nangyari. Namatay ka sa kautusan, nakalag sa mga tali ng kasal at kinasal ka muli kay Jesus. Ngayon, sa halip na kamatayan, maaari ka nang magbunga sa kabanalan.
Ano kung ganuon ang ibig sabihin para sa isang Kristiyano na magbalik sa kautusan para sa kabanalan? Pagkatakas mo mula sa iyong kasal sa kautusan, upang lamang bumalik sa kautusan ay kahawig ng pagtakas sa isang abusadong asawa, upang lamang bumalik sa kaniya ulit. Huwag mo itong gawin!
Sapagkat nang tayo’y nasa laman pa, ang mga pagnanasa ng kasalanan na pawang sa pamamagitan ng kautusan ay gumagawa sa mga bahagi ng ating katawan upang magbunga para sa kamatayan (Roma 7:5).
Binabanggit ni Pablo kung ano sila nang nakaraan. “Sapagkat nang tayo’y…” Sa isang sandali, ilalarawan niya ang kanilang pangkasalukuyang karanasan. Ngunit sa nakaraan, ang mga Judeong Kristiyano “na nakaalam ng kautusan” (v1) at nakaranas ng buhay sa ilalim ng kautusan ay baka lamang maalala kung ano ang buhay sa ilalim nito.
Wala itong kinalaman sa kabanalan.
Sa kabalintunaan, sa nakaraan, sila ay nananatiling “nasa laman pa…” Ang buhay sa laman ay pantao lamang. Ito ay buhay na hiwalay kay Kristo, isinabuhay gamit ang pansariling kakayahan. At alam mo ba kung ano ang nangyayari kapag sinubukan mong tuparin ang kautusan gamit ang iyong sariling lakas? Ang kabaligtaran ang nangyayari. Sa halip na gumawa ng kabanalan, ang kautusan ay gumigising ng kasalanan sa loob mo. Paano?
Ang iyong katawan ay may mga pagnanasa, ang iba ay natural at morally neutral, ngunit lahat ay maaaring mapihit upang maging masama, ang tinatawag ni Pablo na “makasalanang pagnanais.” “Ito ay tumutukoy sa mga natural na pagnanais, ngunit nawalan ng kontrol at naging malabis” (Eaton, Living Under Grace, p. 156).
Kahit ang mga Kristiyano ay mayroong mga pagnanasang ito. Nandiyan ang mga ito. Sa loob mo. Tulog. Walang imik. Ngunit sa sandaling ang kautusan ay dumating at humingi ng pagsunod at kabanalan at nagsasabing hindi mo ito magagawa o hindi mo ito maaaring ariin, ang pagnanasang ito ay “ay kumikilos sa ating mga bahagi,” ginigising at hinihikayat ang mga makasalanang pagnanasa na hinahatulan ng kautusan! Sa halip na hikayatin ka sa kabanalan, ang kautusan ay humihikayat sa iyo na magkasala. Gaya ng sabi ni Eaton,
Maaaring isipin ng isa na ang kautusan ang kumukontrol sa kasalanan. Maaaring ganuon kung ang pananakot ng parusa ay malaki! Ngunit kasabay nito, dahil ang kautusan ay maaari o hindi mapigil ang kasalanan, sa katotohanan pinalalaki nito ang pagnanasang magkasala (Eaton, Living Under Grace, p. 156).
Nasubukan mo na ba ang reverse psychology? Iyan ay ang pagmanipula sa ibang gawin ang nais mo sa pamamagitan ng pagsabi sa kanilang gawin ang kabaligtaran ng iyong nais. Ganiyan ko napakain ang aking mga anak ng broccoli. “Alam kong iyan ay nasa plato ninyo, ngunit hindi ka pinapayagang kainin iyan. Huwag mong isubo ang broccoli na iyan!” Bakit madalas gumagana ang reverse psychology? Dahil ang kautusan ay humihikayat sa iyo na magnasa at gawin ang mismong pinagbabawal nito. Iyan ang dahilan kung bakit ang buhay sa ilalim ng kautusan ay nagbubunga ng kasalanan at hindi ng kabanalan.
Iyan ang kanilang nakaraang karanasan ngunit ang kanilang pangkasalukuyang karanasan ay maaaring mag-iba:
Subalit ngayon tayo’y nakalagan sa kautusan, yamang tayo’y namatay doon sa umalipin sa atin, upang makapaglingkod sa bagong buhay sa Espiritu, hindi sa lumang batas na nakasulat (Roma 7:6).
Nang manampalataya ka kay Jesus, ikaw ay ipinagkaisa sa Kaniya at namatay na kalakip Niya. Nangangahulugan ito na ikaw din ay namatay sa kautusan at nakalag mula rito, kung paanong ang isang balong babae ay nakalag sa kaniyang patay na asawang lalaki.
At iyan ay isang magandang bagay.
Gaya ng sinabi ni Pablo, ang kautusan ay pumipigil sa iyo na lumago espiritwal. Sinalin ito ni Hodges bilang, “sa pamamagitan nito tayo ay napipigil pabalik.” Ang salita para sa “natatali” o “napipigil pabalik” ay katecho na maaaring mangahulugang “pigilin, harangin, talian,” (BDAG, p. 532). Ang kautusan ay hinaharangan ka. Pinipigilan ka nito. Ginamit ni Pablo ang kaparehong salita nang kaniyang ilarawan ang “kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata [katechō] ang katotohanan ng kalikuan” (Roma 1:18, binigyang diin). Sinasawata ka ng kautusan, kung paanong sinasawata ng likong tao ang katotohanan tungkol sa Diyos. At hindi ba’t iyan ay kabaligtaran ng inaasahan ng mga legalista? Inaasahan nila na ang kautusan ay tutulong sa iyong managana at maging mabuti, ngunit hindi ganuon ang nangyari. Gaya ng sabi ni Hodges, “ang kautusan, malayo sa pagiging katulong sa paggawa ng kabanalan, ay tunay na pumigil sa kanilang gumawa nito” (Hodges, Romans, p. 189). Paano ka nito pinipigilang lumago? Sa pamamagitan ng paghikayat sa iyong magkasala!
Ngunit ang kautusan ay hindi ka na mapipigilan. Pinalaya ka na sa kautusan “upang tayo ay makapaglingkod bilang mga alipin” (Jewett, Romans, p. 438).
At ngayong ikaw ay pinalaya na, maaari ka nang makapaglingkod sa Diyos, hindi sa iyong sariling lakas, o mula sa iyong sariling kakayahan, kundi sa “bagong buhay sa Espiritu,” at “hindi sa lumang batas na nakasulat.”
Ang buhay sa Espiritu ay binabago ang lahat.
Ang Espiritu ay nagbibigay ng kompletong bagong dinamiko at potensiyal sa Kristiyanong pamumuhay- ang temang palalawakin ni Pablo sa Roma 8.
Para malinaw, hindi sinasabi ni Pablo na ang gampanin ng Espiritu ay ang bigyan ka ng kapangyarihan upang bumalik sa kautusan at tuparin ito sa wakas at mapabanal. Hindi! Ikaw ay patay na sa kautusan. Pinalaya. Niligtas. Ang kasal na iyan ay tapos na. Iyan ay bahagi ng iyong nakalipas, at hindi ng kasalukuyan. Ang iyong hinaharap ay kasama ang Espiritu, hindi ang kautusan. Ang dalawang ito ay magkaibang modelo para sa Kristiyanong pamumuhay.
Labas sa titik, at pasok sa Espiritu.