Si Watchman Nee ang isa sa mga unang Kristiyanong manunulat na aking nabasa dahil sa ang iglesia ng aking ina na isang Open Brethren ay nirerekomenda siya, at ang munting Kristiyanong tindahan ng mga libro sa aking bayan ay tinitinda ang kaniyang mga aklat (nagagalak akong makita na ang tindahan ng libro ay bukas pa ngayon). Nitong nakaraang Thanksgiving (Araw ng Pasasalamat), binasa ko ang aklat ni Nee na The Salvation of the Soul at nakatagpo ako ng mas maraming dahilan upang siya’y ibilang na kaibigan ng Free Grace.
Pinaglalaban ni Nee na ang tao ay trikotomo- mayroong katawan, kaluluwa at espiritu- at ang bawat isa ay naligtas sa iba’t ibang diwa. Habang ang espiritu ay naligtas sa pamamagitan ng kapanganakang muli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang katawan ay maliligtas isang araw sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli, ang kaligtasan ng kaluluwa ay ibang bagay.
Maraming tao ang nag-aakala na ang kaligtasan ng kaluluwa ay tumutukoy sa pagtungo sa langit o sa impiyerno. Ngunit ayon kay Nee ito ay isang pagkakamali. Tinuturo ni Nee na ilang beses nang itinuro ni Jesus ang kaligtasan ng kaluluwa at itinatali ito sa mga gantimpala sa hinaharap sa kaharian. Halimbawa:
Nang magkagayo’y sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, Kung ang sinomang tao’y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin. Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin ay makakasumpong niyaon. Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao, kung makamtan niya ang buiong sanglibutan at mawawalan siya ng kaniyang buhay? O ano ang ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay? Sapagka’t ang Anak ng Tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng kaniyang Ama na kasama ang kaniyang mga anghel; at kung magkagayo’y bibigyan ang bawa’t tao ayon sa kaniyang mga gawa. Katotohanang sinabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan hanggang sa kanilang makita ang Anak ng Tao na pumaparito sa kaniyang kaharian (Mateo 16:24-28, dinagdagang diin).
Bagama’t ang pasaheng ito ay nagtataglay ng dalawang magkaibang Ingles na salita (buhay at kaluluwa), ang mga ito ay nagsasalin ng parehong salitang Griyego:Ang salitang ‘buhay ‘ dito ay psuche sa orihinal na Griyego na nangangahulugang ‘kaluluwa’” paliwanag ni Nee (Nee, The Salvation of the Soul, p. 5).
Para kay Nee, ang kaluluwa ay “kasangkapan sa tao para sa pag-iisip, kalooban at damdamin.” Ang mga nakabababang mga hayop ay may kaluluwa rin sa diwang ito dahil ang kaluluwa ay “makahayop (o nabubuhay) na buhay” (pp. 3-4). Anong ibig sabihin ng iligtas o mawala ang iyong kaluluwa? Para kay Nee, ito ay natatapos sa kasiyahan at kaalingan. “Ang maligtas ang kaluluwa ay nangangahulugan ng pagkakaroon para sa iyong sarili ng kasiyahan at kaligayahan sa kahustuhan ng iyong puso” (p. 7). Isipin ang sinabi ni David, “Ang kaluluwa ko’y matutuwa na gaya sa utak at taba; At ang bibig ko’y pupuri sa iyo ng masayang mga labi” (Awit 63:5). Iyan ang kaligtasan ng kaluluwa.
Si Jesus kung ganuon ay nagbibigay ng pagpipilian- kailan ninyo ba nanaising ang iyong kaluluwa’y mapasiya sa kahustuhan?
Sa isang banda, maaari mong piliing “iligtas” ang iyong kaluluwa ngayon sa pamamagitan ng pagpapasiya nito ng mga makamundong kasiyahan. Kung ganuon, mawawalan ka ng mga gantimpala sa kaharian sa huli.
Sa isang banda, maaari mong piliing “mawala” ang iyong kaluluwa ngayon sa pamamagitan ng pagbuhat ng iyong krus at pagtanggi ng iyong sarili ng makamundong kasiyahan alang alang kay Jesus. Kung gagawin mo ito, masisiyahan kayo ng mga gantimpala sa kaharian sa huli.
Kapag bumalik si Jesus upang suriin ang inyong mga pinili, maaari mong marinig ang pagsaway ng Panginoon:
Samakatuwid, tayo ay maging malinaw nang husto na kung ang tao ay iisipin ang mga bagay ng laman, pagsilbihan ang kaniyang sariling kasiyahan, at tumangging magsakit para kay Kristo, matatanggap niya ang pagsaway ng Panginoon sa halip na tanggapin ang kaluwalhatian ng Panginoon at maaaring lumuha at magngalit ang mga ngipin sa pagdating ng Panginoon (Nee, pp. 9-10).
Pansining hindi pinanghawakan ni Nee ang pagluha at pagngalit ng mga ngipin bilang impiyerno. Sa halip ito ay karanasan ng mga mananampalataya na nakatanggap ng pagsaway ng Panginoon. Binalaan tayo ni Jesus na seryosohin ang Kaniyang potensiyal na pagsaway, ngunit maraming tao ang hindi!
Ang ikalawang posibilidad ay marinig ang papuri ng Panginoon, sa kasong ito ang iyong kaluluwa ay masisiyahan sa Kaniya nang buong buo:
Ngunit kung siya ay handang mawala ang pansariling karapatan, mahiwalay nang buo sa sanlibutan, at maging matapat sa pagsunod sa kalooban ng Diyos, siya ay pupurihin ng Panginoon at matitikman ang kasiyahan ng Panginoon sa kahustuhan ng kaniyang puso (p. 10).