Dapat bang manatili ang mga Kristiyano sa kasalanan? Ganap na hindi, sagot ni Pablo sa simula ng Roma 6. Sila ay maaari– at tunay na posible sa isang Kristiyano na magkasala- ngunit para kay Pablo, ang pananatili sa kasalanan ay walang saysay na teolohikal.
Bakit hindi?
Dahil sa pagkamatay at pagbangon.
Sapagkat’t kung tayo nga na naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli (Rom 6:5).
Sa v3, sinabi ni Pablo na ang mga mananampalataya ay inilublob o iniligay kay Kristo (tingnan rito). Sa pananaw na ito gumamit si Pablo ng isa pang salita para sa ating relasyon kay Jesus. Ito ay ang salitang kalakip ni Kristo.
Ang salita ay sumphutos, at ito lamang ang nag-iisang paglitaw nito sa Bagong Tipan at ang mga komentarista ay nagtatalo kung ano ang pinakamahusay na pagkaunawa nito.
Ang iba ay nag-iisip na ito ay isang agrikultural na panukoy. Si Moulton at Milligan, may-akda ng isang leksikon na nagbibigay-diin sa Griyegong hindi pan-literari (i. e., paano ang karaniwang tao ay aktwal na ginagamit ang salita sa kanilang pang-araw-araw na buhay), ay ipinaliwanag ito bilang “linangin”, “itinanim” at partikular na patungkol sa Roma 6:5 bilang “ipinalagong kasama ng.” Gaya ng pagkasalin ni Robert Govett, “kung tayo ay naging kapwa halaman sa kawangisan ng Kaniyang kamatayan…” (Govett, Romans, 193, dinagdagang diin).
Tinuturo ni Robert Jewett ang patuloy na pagsasaliksik kung saan ang parehong salita ay ginamit sa “pagdidikit ng mga gilid ng sugat o ng mga dulo ng nabasag na buto” (Jewett, Romans, p. 400). Ito ay tutugma sa metapora ni Pablo sa Iglesia bilang katawan ni Kristo. Buto sa buto ikaw ay nakadikit kay Kristo.
Mayroon ding iba na iniisip na ito ay nagpapakita ng larawan ng pangkalahatang asimilasyon. “Tila mas malamang na ang ibang mga salin tulad ng ‘pinagkaisa’ o ‘nilagom’ ay mas mahusay na kakatawan sa pakahulugan ni Pablo kaysa ‘pinatubong magkasama’” (Cranfield, Romans, p. 1:307).
Iba iba man ang mga detalye, ang pangunahing ideya ay pareho: ikaw, ang mananampalataya, ay kalakip ni Kristo. Dahil ikaw ay kalakip sa Kaniya sa kawangisan ng Kaniyang kamatayan (“kawangis” ay hindi pagkakakilanlan), gayon din naman ikaw ay kalakip sa kawangisan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli. Ngunit aling pagkabuhay ito?
Maaaring tumutukoy si Pablo sa ating pagkabuhay na maguli sa hinaharap. Ngunit sinasagot ni Pablo ang tanong kung may saysay ba sa isang Kristiyano na magkasala ngayon. Ipinapaliwanag niya kung bakit ito ay walang katuturan. Gaya ng sabi ni Eaton,
“Iniisip ng iba na tinutukoy ni Pablo ang panghuling pagkabuhay na maguli dahil sinabi nito na ‘shall be’ at ‘shall live’ Pero hindi. Ang ating pisikal na pagkabuhay na maguli sa hinaharap ay bahagi nito, ngunit sinasagot ni Pablo ang tanong kung ang biyaya ba ay naghihikayat ng makadiyos na pamumuhay… Isabubuhay natin ang ibinangong buhay ngayon! (Eaton, Living Under Grace, p. 37).”
Hinihikayat ba ng biyaya ang pagkakasala o isinusulong ba nito ang makadiyos na pamumuhay? Upang masagot ang tanong na ito, inaanyayahann tayo ni Pablo na tanungin kung may katuturan ba sa bumangong Kristo na magkasala. Kung ang sagot ay wala, dahil sa ikaw ay kalakip ni Kristo sa kawangisan ng Kaniyang pagkabuhay na maguli, wala ring teolohikal na saysay para ikaw ay manatili sa kasalanan. Sa kabalintunaan, dapat kang umasa sa bagong karanasan ng buhay na maguli. Ikaw ay itinanim na kasama ni Kristo, na nangangahulugang ikaw ay inaasahang lalagong kasama Niya.