Ang mga bata ay lumalago nang husto kapag sila ay nakatira sa isang matibay at mapagmahal na tahanan. Ganuon din naman, ang mga mananampalataya ay lumalago nang husto kapag alam nila na ang kanilang relasyon sa Diyos ay matatag at mapagmahal. Ang kaalamang tayo ay may buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo at hindi tayo mapapahamak (i. e. minsang maligtas, ligtas magpakailan pa man) ang motibasyon natin para lumago bilang mga Kristiyano. Gaya nang minsang sinulat ni Miles Stanford,
Ang kapahingahan natin sa ating walang hanggang kalagayan ang nagpapalaya sa atin mula sa walang saysay at makasalanang pansariling pagsisikap na subukang gawin ang ating kundisyon bilang basehan ng ating seguridad. Ang pananatili sa ating walang hanggang kasiguruhan kay Kristo ang nagbibigay ng katatatagan ng pananampalatayang kailangan upang maisagawa ng Banal na Espiritu ang Kaniyang mabiyayang ministri sa loob natin- ang pagpako sa sarili, at ito ang magdudulot upang tayo ay “lumago sa biyaya at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo” (2 Pedro 3:18) (Stanford, The Complete Green Letters, p. 98).
Ngunit maraming tao ang tumatanggi sa walang hanggang kasiguruhan, tinatawag itong heresiya, nagmula sa Diablo at isang hidwang ebanghelyo. Lalabanan nila itong pangil at kuko. Bakit?
Kadalasan, ang mga tao ay tumututol dito dahil iniisip nila na ito ay lilikha ng lisensiya na magkasala at tutukso sa mga Kristiyano na tumalikod. Kaya kailangan mong ituro na ang kaligtasan ay maaaring mawala upang mahimok ang mga tao na lumago. (Hindi ko alam sa inyo, ngunit ang pananakot sa aking asawa ng paghihiwalay o sa aking mga anak ng pag-iwan ay walang nagagawa upang himukin silang lumago ang pag-ibig!)
Sa tingin ni Stanford may espiritwal na dahilan para sa pagtutol na ito:
Ang espiritwal na dahilan sa pagtutol sa tunay na walang hanggang kasiguruhan ay hindi ang pahayag na ito ay lilikha ng kasuwailan. Sa halip ito ay dahil sa ang mga tumututol ay hindi naglalagak ng pananampalataya sa Salita para sa katiyakan, pagtanggap at kasiguruhan. Sila ay nakatuon sa kundisyon, samakatuwid ay nakatuon sa sarili at nakatali sa sangkalupaan (Stanford, The Complete Green Letters, p. 99)
Sa sipi na iyan, si Stanford ay nagbigay ng dalawang dahilan kung bakit tinatanggihan ng mga tao ang walang hanggang kasiguruhan.
Una, tinatanggihan ito ng mga tao dahil sila ay hindi naglalagak ng “pananampalataya sa Salita.” Halimbawa, kapag pinangako ni Jesus na ang mananampalataya ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapahamak, mauuhaw o magugutom, at dinagdag pa na hindi sila itataboy, maaagaw, hahatulan o mamamatay (tingnan dito), dapat mong paniwalaan Siya! Ngunit sila’y hindi.
Sumasang-ayon ako. Medyo. Medyo mas maunawain kaysa kay Stanford, masasabi ko na ang karamihan ay hindi naglalagak ng pananampalataya sa Salita ng Diyos dahil hindi nila narinig ang turo ng Bagong Tipan tungkol dito, o maaaring nagkamali sila sa pakikinig at naipagkamali ito sa iba (hal. ang doktrina ng predestinasyon ng mga Calvinista). Hindi ka makukumbinsi ng isang katotohanan na hindi mo alam o nauuunawaan. Iyan ang dahilan kung bakit ang mga mambabasa ng blog na ito ay may kritikal na trabaho na ipaabot sa mga kaibigan, kapamilya at katrabaho ang pangako ng buhay. Ipaliwanag ninyo ito sa kanila. Bigyan ninyo sila ng pagkakataon na manampalataya (o tanggihan ito).
Pangalawa, ang mga tumatanggi sa walang hanggang kasiguruhan ay “nakatuon sa kundisyon, samakatuwid nakatuon sa sarili, at nakatali sa sangkalupaan.” Sa tingin ko walang sinumang aamin nito. Subalit ang sinasabi ni Stanford ay may katuturan sa akin. Kung ang iyong kaligtasan ay nakadepende sa iyong pagganap, imbes na sa Kaniyang pangako, likas sa iyo na tumuon sa iyong sarili (i. e. ikaw ay magiging makasarili). Titingnan mo kung iyong napupunan ang anumang kundisyong inaakala mong dapat matugunan upang maligtas. Kahit sa mga sandali ng pagdududa, kapag ang isang tao ay nagpanik sa kaniyang espiritwal na kalagayan at humingi kay Kristo ng awa, kadalasan ang ibig niyang sabihin ay umaasa siyang bibigyan siya ni Jesus ng pasang grado para sa kaniyang kaunting pagsisikap na iligtas ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagiging mabuti.
Mas marami akong nakakasalamuha na mga tao na umaasa na si Jesus ay bibigyan sila ng kaligtasan dahil sa kanilang buong pusong katapatan, at kabutihan, mas lalo kung nasusumpungan ang aking sarili na dumedepende sa katapatan at kabutihan ni Jesus sa sinumang nananampalataya. Nagpapasalamat ako kay Jesus na ang pagkapanganak na muli sa Kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pananampalataya ay nangangahulugan ng pagiging bahagi ng mapagmahal, matatag at walang hanggang tahanan.