Tanong
Ang walang hanggang gantimpala ba ay wala na magpakailan pa man kapag nawala? O maaari ba silang mabawi kung ikaw ay magsisi, magbalik at magpatuloy para sa mga gantimpalang ito pagkatapos mahulog?
Sagot
Salamat sa tanong. Ito ang ilang mga bagay na pwedeng pagdidili-dilian.
Una, kapag ikaw ay naglagak ng kayamanan sa langit (Mateo 6:19-21), ang mga ito ay tila permanente. Walang indikasyon na ang mga ito ay maiwawala. At kung ang mga ito ay hindi maiwawala, hindi sila mababawi muli.
Pangalawa, maaari mong maiwala ang oras at pagkakataon na maglingkod sa Panginoon upang magkamit ng walang hanggang gantimpala. Kung sinayang mo ang sampu o dalawampung taon ng iyong buhay sa pagtalikod o sa paggawa ng mga bagay na walang gantimpala, hindi mo na mababawi ang mga oras na ito upang maglagak ng kayamanan sa langit. Ang mga gawang ito ay masusunog (1 Cor 3:11-15). Sa madaling salita, kapag ang pagkakataon ay lumipas, ito ay lumipas na magpakailan pa man at hindi na maibabalik. Ngunit hangga’t ikaw ay buhay, mayroon kang pagkakataon upang maglagak ng maraming kayamanan sa langit.
Ikatlo, maaari mong maiwala ang pagkakataon na magkamit ng gantimpala sa pamamagitan ng mga taong inimpluwensiyahan mo. Kung ikaw ay may ginabayang tao, at siya ay naging mabunga para kay Kristo, ikaw ay maaaring gantihan paa sa mga ginawa ng taong iyan. Ngunit kung ang taong iyan ay tumalikod, mawawala sa iyo ang mga pagkakataong magkamit ng gantimpala. Ito ay minumungkahi ng sinabi ni Juan sa kaniyang ikalawang sulat: “Mangagingat kayo sa inyong sarili, upang huwag ninyong iwala ang mga bagay na aming pinagpagalan, kundi upang tanggapin ninyo ang isang lubos na kagantihan” (2 Juan 8). Sinasabihan ni Juan ang kaniyang mga magbabasa na maging masiyasat upang makatanggap siya ng lubos na kagantihan. Kapag ang mga pagkakataong ito ay nawala, hindi na sila mababalik. Ngunit kapag ang mga ito ay nakabalik sa pananampalataya, sila ay mayroon ulit na panibagong mga pagkakataon upang magkamit ng gantimpala.
Ikaapat, mayroong mga gantimpala para sa mga mananagumpay- paghaharing kasama ni Cristo, pagkain mula sa puno ng buhay, pagsuot ng kasuotan ng mananagumpay- na nakasalig sa iyong pagtitiis sa pananampalataya hanggang sa katapusan ng iyong buhay. Dahil sa hindi mo natanggap ang mga gantimpalang ito sa buhay na ito, hindi mo rin maiwawala o mababawi ang mga gantimpalang ito sa buhay na ito. Maaaring ikaw ay nasa landas ng pagkamit ng mga ito. Ngunit kung ikaw ay mamatay na tinatanggi si Cristo, mawawala mo ang pagkakataong matanggap ang mga gantimpalang ito.
Mawawala ba ang mga walang hanggang gantimpala magpakailan pa man at muli silang mababawi? Hindi. Maaari mo silang makamit. Maaaring maiwala mo ang mga pagkakataon para rito. Ngunit ayon sa ating kasalukuyang pagkakaalam, hindi mo sila maiwawala at muling mababawi.