Binili naming mag-asawa ang aming bahay nuong 2015. Ito ang una naming bahay. Bago iyan, kami ay umuupa- sa mga apartment at mga paupahan kung saan kami ay may limitasyon sa pwede naming gawin at kami ay umaasa sa may-ari sa anumang pagsasaayos. Ngunit ngayo iba na. Ang responsibilidad ng pagpapanatili ng bahay ay amin na. Nasa mabuti itong kalagayan ng aming nabili ngunit medyo luma na rin. Gaya ng karamihan, unti-unti naming inaayos ang bahay upang ito ay magmukhang mas kaaya-aya kaysa nang una kaming lumipat. Pinta rito. Tapal rito. Ayos ng bubong nang masira ng nakaraang pag-ulan ng yelo. Pag-aayos ng tulo sa slab. Pagpapalit ng heater. Ako ay nagpapasalamat sa mga karpintero, tubero, at mga teknisyan na aming inupahan upang gawin ang trabaho. Marami ring salamat sa mga lolo’t loan a masipag sa pag-aayos ng bakod at pumili ng dishwasher. Bagama’t ang aming bahay ay natayo ng 2001, kailangan pa rin nito ang patuloy na pagsasaayos.
Si Pablo ay may alam tungkol sa pag-aayos at pagkukumpuni:
Dahil dito kayo’y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa’t isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa (1 Tes 5:11, Ang Biblia).
Mangagpangaralan at mangagpatibay. “Si Pablo ay mahilig sa ideya ng pagpapatibay ng mga Kristiyano,” pansin ni Morris. “Ang salitang kaniyang ginamit ay tuwirang lapat sa mga bagay na may kinalaman sa pagtatayo ng mga bahay, ngunit si Pablo ay madalas itong gamitin bilang metapora, sa pagtatayo ng mga Kristiyano sa pananampalataya” (Morris, Thessalonians, p. 163).
Ang bawat Kristiyano ay kailangan ng pagpapatibay.
Sa ating posisyon, tayo ay sangkap kay Kristo (Col 2:9-10). Ngunit sa ating karanasan- sa ating pang-araw-araw na pamumuhay at paglago kay Kristo- tayo ay nasa iba’t ibang antas ng pagkakabuo. Ang iba sa atin ay nakalapat pa lamang ng pundasyon. Ang iba any naglalatag na ng ikaapat o ikalimang palapag.
Hindi lamang yan, tayo ay nakarating sa iglesia sa iba’t ibang antas ng pagkasira, winasak ng bagyo at baha ng buhay. Sinasabi ni Pablo na kailangan nain ang Kristiyanong komunidad upang itayo tayo at ayusin kung kailangan.
Isipin mo itong gaya nito. Sa kaso ko, hindi ako propesyonal na mang-aayos. Kaya kong ayusing ang simpleng washing machine o dishwasher, ngunit hindi ko maayos ang tagas sa slab o ayusin ang bubong. Umuupa ako ng iba upang ayusin ang dapat ayusin. Ganito rin sa ating espiritwal na buhay. Kailangan natin ng tulong. Kaya mayroon tayong mga subok at biniyayaang mga tao sa iglesia upang patibayin tayo.
Ang pinakakonteksto ng payo ni Pablo ay ang pag-aalala ng mga taga-Tesalonica sa kung ano ang mangyayari sa mga mananampalatayang pumanaw bago ang pagbabalik ng Panginoon sa rapture. Inalo sila ni Pablo sa paghahayag na ang mga patay ay hindi mahuhuli ngunit mauunang ibuhat upang ang mga buhay at ang mga patay ay magkasamang sasalubong kay Kristo.
Binibigyan sila ni Pablo ng kaaliwang doctrinal. Paliwanag ni Morris, ang mangagpangaralan ay nangangahulungan “pagpapatibay gamit ang salita” (p. 163). Ang salita ay nakapagpapatibay- lalo ang doktrina na nagbabago ng isipan. Gaya ng sinabi ni I. Howard Marshall, si Pablo ay espisipikong tumutukoy sa “pagpapatibay ng pananampalataya upang ang mga mananampalataya ay hindi mahulog sa tukso ng mawalang ng puso o madulas sa espiritwal na kapabayaan” (Marshall, 1 and 2 Thessalonians, p. 141). Kailangan nating patibayin ang bawa’t isa hindi sa self-esteem (e. g. “Ang ganda ng buhok mo ngayon?”), kundi sa pananampalataya. Gaano kadalas na ang ating mga usapan ay nananatili lamang sa ibabaw ng buhay, hindi umaabot sa tunay na hapdi, pag-aalala, sakit, at takot ng ating mga kalagayan? Isang hamon para sa akin ang mga ganitong tapatang pangyayari, ngunit ito ay maaaring maganap kung mabibigyan ng tamang konteksto (halimbawa baga sa isang paglalakbay o sa isang hapunan). Kailangan nating maging maingat sa paglikha ng mga oportunidad sa isang tapatang usapan na nagbibigay ng paglagong doktrinal.
Ano kung ganuon ang ibig sabihin ng utos na ito? Ibig sabihin nito, ang normal na Kristiyanong buhay-simbahan ay kung saan ang komunidad ng pananampalaya ay nahahayag ang katotohanan ng pananampalataya upang ilapat sa kalagayan ng mga mananampalataya. Nangangailangan ito nang higit sa kagalangan tuwing umaga ng Linggo ngunit pag-uusap sa malalalalim na bagay ng pananampalataya gaya ng Rapture at pagkabuhay na mag-uli.
At sa konteksto ng 1 Tesalonica, ito ay nangangahulugan na ang komunidad Kristiyano ay hinuhugis ng marubdob na paghihintay sa pagbabalik ng Panginoon. Gaya ng sinabi ni Walvoord at Hitchcock, “ito nawa ay hindi lamang maging bahagi ng ating teolohiya, ngunit maging pangunahing bukal ng ating Kristiyanong pamumuhay at patotoo” (Walvoord and Hitchcock, 1&2 Thessalonians, p. 96).