Ang Free Grace Theology ay nakaka-excite. Nililinaw nito ang kalibrehan ng kaligtasan, at sa ganitong paraan, ay nililinaw ang ibang bahagi ng teolohiya. Bahagi ng kilusang Free Grace ang pagbabago hindi lamang sa isang bahagi ng teolohiya.
Halimbawa, alam mo bang nilalagay ng Bagong Tipan ang espiritwal na paglago sa loob ng ekklesia– sa isang komunidad ng mga mananampalataya? Gaya ng sinabi ni Pablo:
At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba’y propeta; at ang mga iba’y mga evangelista; at ang mga iba’y pastor at mga guro; Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo” (Ef 4:11-12).
Ayon kay Pablo, sino ang gagawa ng mga gawaing paglilingkod?
Ang mga banal.
Ikaw iyon.
Ibinigay ni Jesus ang mga apostol, mga propeta, mga evangelista, mga pastor at mga guro upang isakdal ang mga banal sa mga gawaing paglilingkod. Ibig sabihin hindi ka lalago nang mag-isa. May mga tao sa iglesia na magsasakdal saiyo.
At paano, ayon kay Pablo, ang katawan ni Kristo titibay?
Ang katawan ay lalago habang ang mga banal ay naglilingkod sa gawaing sila ay sinakdal. Ang bawat isa ay may bahaging gagampanan sa lokal na iglesia- ang bawat isa ay tinawag na maglingkod. Hindi ito isang bagong kaisipan ngunit binigyang pansin ng maraming mga teologo at iskolar. Si Emil Brunner sa kaniyang pag-aaral ng iglesia sa Bagong Tipan, ay nagsaad:
Isang bagay ang napakahalaga sa lahat: na ang lahat ay maglingkod, at walang lugar na makikita ang paghihiwalay o maging ang pagkakaiba sa pagitan ng mga naglilingkod at hindi naglilingkod, sa pagitan ng mga aktibo at hindi aktibong bahagi ng katawan, sa pagitan ng mga nagbibigay at ng mga tumatanggap. Mayroon sa Ecclesia na pangkalahatang tungkulin at karapatan na maglingkod, isang pangkalahatang kahandaan na maglingkod at kasabay niyan ang pinakamalaking paghahati ng gawain (Emil Brunner, The Misunderstanding of the Church, p. 50).
Kung ikaw ay hindi sinakdal, o hindi hinayaang maglingkod, hindi ka lalago at ang katawan ay hindi titibay.
Paano ang mga tao ng biyaya lumalago espiritwal? Sama-sama.