Madalas mo itong makita.
Isang sikat na pastor ang nagkaroon ng dramatikong pagkahulog at nawala ang kaniyang ministeryo.
Tila madalas itong maganap taon-taon.
Ngunit hindi lamang ito totoo sa mga sikat na pastor. Ang mga lokal na ministro ay madalas ring mahulog sa imoralidad. Mayroong may matagalan ng kalaguyo. Mayroon namang naakusahan ng pagnanakaw. Mayroong napatunayang nang-aabuso. At kapag ang kanilang baho ay nalantad sa liwanag, naiiwan ang kanilang mga ministeryo, pamilya at simbahan na durog-durog.
Kailan man ay hindi itatakwil ni Jesus ang sinumang lumapit sa kaniya sa pananampalataya (Juan 6:37). Sa sandaling bigyan ka ni Jesus ng buhay na walang hanggan, at ikaw ay nasa Kaniyang kamay, walang makaaagaw sa iyo (Juan 10:28). Sa madaling salita ang mga mananampalataya ay may walang hanggang kasiguruhan. Iyan ang basikong Kristiyanismo. Ang itanggi iyan ay isang pagtanggi sa pangako ni Jesus ng kaligtasan.
Ngunit kabalintunaan sa madalas na pagtuligsa, ang doktrina ng walang hanggang kasiguruhan ay hindi nagtuturo na ang mga mananampalataya ay maaaring sumuway o magkasala nang walang kapalit. Sa kabalintunaan, may negatibong konsekwensiya ang kasalanan sa lahat, kahit pa sa mga taong nakasisiguro ng kaligtasan.
Kung ikaw ay magkasala, malaki ang mawawala sa iyo.
Halimbawa, pwede mong mawala ang iyong ministeryo o paglilingkod.
Ang Kasulatan ay puno ng mga halimbawa ng mga taong nawala ang kanilang ministeryo ng dahil sa kasalanan at pagsuway.
Si Moises ay inalis sa pamumuno sa Israel patungong Lupang Pangako, ang lakas ni Samson ay nawala ang angking lakas at ang kaharian ay kinuha kay Saul upang ibigay sa iba. Subalit hindi nangangahulugang nawala ang kaligtasan ni Moises, ni Samson o ni Saul, sapagkat ang pagkawala ng iyong ministeryo ay hindi kapareho ng pagkawala ng iyong kaligtasan.
Maaari pa ring mawalan ng ministeryo ang mga mananampalataya ngayon.
Halimbawa, binigyan ni Pablo ng listahan ng mga kailangan sa pagpili ng isang tagapamahala o isang diakono gaya ng:
Gayon din naman ang mga diakono dapat ay mahuhusay, hindi dalawang dila, hindi mahilig sa maraming alak, hindi mga sakim sa mahahalay na kapakinabangan; na iniingatan ang hiwaga ng pananampalataya ng malinis na budhi (Timoteo 3:8-9).
Anong mangyayari kung ang isang dating tapat na diakono ay maging mandaraya, magkaroon ng problema sa alak, o lokohin ang kaniyang kapwa mananampalataya? Kailangan siyang sawayin (cf. 1 Tim 5:19-20), ngunit malamang mawawalan siya ng ministeryo.
Iyan ay napakasakit. Ngunit hindi ito kapareho ng pagkawala ng kaligtasan.
Ang walang hanggang kasiguruhan ay hindi naggagarantiya ng walang hanggang paglilingkod; gayun pa man ang pagkawala ng iyong paglilingkod ay hindi nangangahulugan ng pagkawala ng iyong buhay na walang hanggan.