Q. Kung ang katiyakan ay pinakadiwa ng nakapagliligtas na pananampalataya, at ang mga unibersalista ay may katiyakan ng kanilang kaligtasan sapamamagitan ni Jesus dahil sila ay nananampalataya na ang lahat ay maliligtas sa bandang huli, nangangahulugan ba itong sila ay may nakapagliligtas na pananampalataya?
A. Ito ay isang napakainteresanteng tanong. Kung tama ang aking pakaalaala, tinalakay na naming ito ni Bob sa isang podcast ng Grace in Focus.
Ang maikling sagot ay malamang wala.
Upang maligtas, kailangan mong sumampalataya kay Jesus para sa walang hanggang kaligtasan na Kaniyang pinangako (Juan 3:16; 1 Tim 1:16). Ang kaligtasan ay sa biyaya sapamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, hiwalay sa anumang gawa (Efeso 2:8-9; Gal 2:16). Nangako si Jesus na ang mga mananampalataya ay mayroong buhay na walang hanggang at sila ay hindi mapapahamak. Kung ang isang tao ay kumbinsidong totoo ang pangako ni Jesus, ano ang pinaniniwalaan niyang taglay niya? Buhay na walang hanggan. Hindi ka maaaring manampalataya sa pangako ni Jesus kung hindi ka nakatitiyak na ikaw ay may buhay na walang hanggan at hindi ka mapapahamak dahil iyan ang nilalaman ng pangako. Samakatuwid, ang katiyakan ay diwa ng nakapagliligtas na pananampalataya.
Iyan ba ang pinananampalatayahan ng mga unibersalista?
Hindi. Karamihan hindi ganiyan ang pananampalataya.
Ang mga unibersalista na aking nabasa sa pangkalahatan ay nanghahawak na ang lahat ay maliligtas sa kahulihulihan anuman o sinoman ang kanilang pinanampalatayahan. Nananampalataya ka kay Muhammad? Buddha? Krishna? Hindi mahalaga kung sino ang iyong sampalatayahan. Lahat ay makapapasok. Samakatuwid ito ay hindi kaligtasan sapamamagitan ng pananampalataya kay Kristo.
Hindi lamang iyan, karamihan sa aking nabasang mga unibersalista ay nagsasaad na ang lahat ay maliligtas sapagkat ang lahat ay mabuti. Kung hindi ganuon, ang apoy na naglilinis ang mag-aalis ng kanilang mga masasamang gawa, upang matira lamang ang mabuti, at ito ang magliligtas sa kanila. Sa madaling salita, sila ay nananampalataya sa kaligtasan sapamamagitan ng mga gawa; ito ay pagtakwil sa kaligtasan sa biyaya sapamamagitan ng pananampalataya kay Kristo, hiwalay sa mga gawa.
Ang mga unibersalistang ito ay may pananampalataya, ngunit hindi ito ang nakapagliligtas na pananampalataya, sapagkat hindi sila nananampalataya sa nakapagliligtas na mensahe. Ang mga unibersalistang ito ay maaaring may katiyakan, ngunit ito ay hidwang katiyakan na nakasalig sa hidwang ebanghelyo (silipin ito).
Bilang tugon sa iyong tanong, sa tingin ko karamihan ng mga unibersalista ay walang taglay na nakapagliligtas na pananampalataya sapagkat hindi sila nananampalataya sa nakapagliligtas na mensahe.
Subalit, hypothetically, ang isang unibersalista ay maaring manampalataya na ang sangkatauhan ay maliligtas dahil sa kahulihulihan ang lahat ng tao ay mananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggang, kahit pa ito ay mangyayari lamang pagkamatay. Ang mga Muslim, mga Mormons, at mga Katoliko ay kikiling kay Jesus sa pananampalataya sa buhay na walang hanggan, gaya niyang nanampalataya na. Iyan ang susi- hindi kung ano ang akala niyang mangyayari sa iba pagkamatay, ngunit kung siya mismo ay nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan. Kung oo, mayroon siyang taglay ng buhay na walang hanggan, kahit pa mali ang kaniyang eskatolohiya.