Maraming mga kasabihang nagkakalat sa simbahan ngayon ang nagdadala ng kalituhan. Isa sa mga ekspresyong ito ay, “Walang ugat, walang bunga.” Ang ideya ay kapag ang isang tao ay walang espirituwal na bunga- ibig sabihin hindi sila namumuhay nang matuwid at sumusunod sa Panginoon- sila ay hindi talaga tunay na naipanganak na muli. Kung walang nakikitang espirituwal na bunga, nangangahulugan itong walang espirituwal na ugat, na nagpapakitang ang Diyos ay hindi gumagawa sa kanilang buhay. Sa isang sermon tungkol sa pamumunga, pinahayag ni John MacArthur:
Ang isang Cristiano ay hindi maaaring walang bunga. Makinig, kung ang buhay ng Diyos ay nasa iyo, magkakaroon ng produktibidad. Maaari mo itong ibote at sawatahin ito at ibago ng direksiyon, ngunit lalabas pa rin ito [dagdag diin]. (John MacArthur, https://www.gty.org/library/sermons-library/1305/if-you-abide-in-me)
Ang pananaw na ito ay sumasalamin sa argumentong Calvinistang kung ang Panginoon ay itinalaga ang isang tao sa buhay na walang hanggan, siya ay garantisadong magtitiis sa mabubuting gawa at may nakikitang espirituwal na bunga. Sa sistemang ito ng kaisipan, kung tinalaga ng Diyos ang isang tao, ang Diyos ay hindi mabibigong magbunga sa buhay ng taong iyan. Kung ang Diyos ay nasa usapan, garantisado ang mabuting bunga; kung walang bunga, ang Diyos ay hindi gumagawa sa kaniyang buhay. Kung walang bunga, hindi sila pinili ng Diyos. Sa maikling salita, walang ugat, walang bunga; samakatuwid, walang Diyos.
Maraming problema sa pananaw na ito. Halimbawa, pinapalagay nitong nakukuha lagi ng Panginoon ang Kaniyang nais mula sa mga tao. Sa madaling salita, kung ang Diyos ay maglalagak ng mga gawa, ang Kaniyang bayan ay garantisadong mamumunga. Ngunit totoo ba ito?
Sa Isaias 5, ang propeta ay nagsasalita patungkol sa bayang Israel, ang piniling bayan ng Diyos. Ang Israel ay nilarawan bilang ubasan ng Panginoon (v1).
Nagsimula ang pasahe sa paglarawan ng lahat ng ginawa ng Panginoon para sa Kaniyang ubasan, – at sa marahang sabi- marami Siyang ginawa. Nilagay Niya ang ubasan sa isang mabungang burol (v1). Hinukay Niya ang burol at nilinis ang mga bato upang ang ubasan ay tumubo nang walang hadlang. Nagtayo Siya ng isang tore sa gitna nito upang maprotektahan ito, at gumawa Siya ng pisaan ng ubas para rito (v2). Pagkatapos ng lahat ng trabaho, umaasa Siyang ito ay mamumunga ng mabubuting ubas (v2b). Dapat pansining hindi lamang maaaring mamunga ang bansa ng mabubuting bunga sa ilalim ng pangangalaga ng Panginoon, inaasahan Niya ito.
Ayon sa Calvinismo, ang bansa ay walang pagpipilian. Tinanim sila ng Panginoon, kaya sila ay garantisadong mamumunga ng mabuting bunga. Ngunit, sila ay namunga ng ligaw (o maasim) na mga ubas. Sa halip na inaasahang mabubuting bunga, ang bansa ay namunga ng pangit na bunga. Nakalulungkot, na sa kabila ng lahat ng ginawa ng Panginoon para sa Israel- pagpalaya sa kaniya mula sa Egipto, pagbibigay sa kaniya ng probisyon sa ilang, pagbibigay sa kaniya ng pinangakong lupain, at pagpapakain sa kaniya (Is 1:2)- ang bayan ay naghimagsik (1:2b-4) at yumakap sa idolatriya (2:8).
Bilang tugon, ang Panginoon ay nanangis:
“3 At ngayon, Oh mga nananahan sa Jerusalem at mga tao sa Juda, hatulan ninyo, isinasamo ko sa inyo, ako at ang aking ubasan. 4 Ano pa ang magagawa ko sa aking ubasan na hindi ko nagawa? ano’t nang aking hinihintay na magbubunga ng mga ubas, nagbunga ng ubas gubat?” (Is 5:3-4) (may dagdag na diin)
Kapansinpansing ang kawalan ng bayan ng bunga ay hindi dahil sa kawalan ng pagsubok sa bahagi ng Panginoon. Ang trahedya ng Israel ay naghimagsik sila sa kabila ng lahat ng ginawa ng Panginoon para sa kanila. Ang Panginoon ay aktibong kumikilos at inaasahan ang pamumunga ng bansa. Ngunit pinili nilang maghimagsik. Sa madaling salita, ang kawalan ng espirituwal na bunga ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pagpapagal o partisipasyon sa bahagi ng Panginoon.
Ang mga mananampalataya ngayon ay may kaparehong proklibidad na tumalikod sa Panginoon sa kabila ng Kaniyang mga pagpapagal. Binigyan tayo ng lahat ng espirituwal na kaloob na kailangan upang maingat na makasunod sa Panginoon sa pagkamasunurin, kung paanong ang Israel ay binigyan ng lahat nilang kailangan upang magtagumpay. Tayo rin ay piniling mamuhay nang makalaman, kung paanong pinili ng bansang maghimagsik laban sa kaniyang Diyos. Kung ang isang mananampalataya ay hindi namumunga ng nakikitang bunga, ito ay hindi patunay na ang indibidwal ay hindi ligtas, o na ang Panginoon ay hindi gumagawa sa kaniyang buhay. Subalit, gaya ng ginawa Niya sa bansang Israel, umaasa ang Panginoon ng espirituwal na bunga mula sa Kaniyang mga anak. Kung, gaya ng mga Israelita, pinili ng mga mananampalatayang lumakad sa laman at pagsuway, hindi natin maiwawala ang buhay na walang hanggan, pero makakaasa tayo ng disiplina ng Panginoon sa ating mga buhay, ganuon din ang pagkawala ng mga eternal na gantimpala (Is 5:5-6).

