Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Eresiyang May Pulang Buntot

Eresiyang May Pulang Buntot

October 1, 2024 by Kathryn Wright in Ang Tinig ng Biyaya

Kamakailan kaming mag-asawa ay naglalakad sa lokal na parke nang makarinig kami ng iyak ng isang agila mula sa kakahuyan. Ang aking asawa, at ang kaniyang tiyong zoologist, ay may malaking pag-ibig sa mga hayop. Nangangahulugan itong madalas akong makatanggap ng maikling mga leksiyon tungkol sa kalikasan tuwing kami ay naglalakad, at ganuon nga ipinaliwanag ng aking asawa ang isang katotohanan tungkol sa iyak ng agila na hindi alam ng karamihan.

Nagitla akong malaman na ang aming narinig ay hindi iyak ng agila kundi ng isang lawing may pulang buntot. Sinabi niyang madalas nating maipagkamali ang iyak ng lawin dahil sa Hollywood. Ang iyak ng agila ay marahan- mas malapit pa sa tunog ng kanaway. Samantala, ang iyak ng lawin ay mas makapangyarihan.

Dahil sa ito ang simbolo ng Estados Unidos, napagkasunduang ang agila ay dapat magkaroon ng malakas na iya, kaya ang tunay nitong tinig ay pinapalagay na hindi akma sa pelikula at sa mga industriya ng paglilibang. Upang mapalakas ang imahen ng Estados Unidos, marami sa mga depiksiyong pelikula at awdiyo ng mga agila ay pinapalitan ng matapang na iyak ng lawing may pulang buntot. Ang resulta ay maraming henerasyon ng mga Amerikano ang hindi makikilala ang tunay na tawag na agila kung marinig nila ito sa kalikasan. Ang pag-uulit ng kasinungalingan ay nagpapahirap na makilala ang katotohanan.

Nang marinig ko ang katotohanang ito sa lawing may pulang buntot, naalala ko ang mga salita ni Apostol Pablo:

At ako, mga kapatid, nang pumariyan sa inyo, ay hindi ako napariyan na may kagalingan sa pananalita o sa karunungan, na nagbabalita sa inyo ng patotoo ng Dios. Sapagka’t aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus. At ako’y nakisama sa inyo na may kahinaan, at may katakutan, at may lubhang panginginig. At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan: Upang ang inyong pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng Dios (1 Cor 2:1-5).

Habang kausap ni Pablo ang mga taga-Corinto, pinaalalahanan niya sila ng kaniyang gawi nang siya ay unang pumunta sa kanila. Hindi pumunta si Pablo na may kasamang banda ng mananamba at mga gamit na nagbubuga ng usok. Hindi siya pumunta na bitibt ang karunungang pantao, gaya ng mga pilosopong Griyego ng kaniyang araw. Sa halip, pumunta siya sa kahinaan at nangaral nang payak tungkol kay Cristo at sa Kaniyang kamatayan. Ayon kay Hunt:

Ipinunto ng Apostol na nang siya ay pumunta sa kanilang naglilingkod ng evangelio ni Jesucristo, hindi siya pumunta na may karunungan ng pananalita o ng karunungan sa paghahayag sa [kanila] ng patotoo ng Diyos. Nilalarawan ni Pablo ang normal na gawaing marahil ay kahangahanga sa mga taga-Corinto na napupuno ng pilosopiyang Griyego. Ang Kaniyang mensahe ay malinaw at payak… Dahil sa Krusipiksiyon, maipapangako ni Cristo ang buhay na walang hanggan sa sinumang nanampalataya sa Kaniya para rito.” (Dwight Hunt, “First Corinthians,” The Grace New Testament Commentary, 353, may dagdag na diin).

Nakalulungkot na ang saloobing it oni Pablo ay hindi laging nasasalamin sa Simbahan ngayon. Marami ang hindi nasasapatan sa kapayakan ng nagliligtas na mensahe. Pinapalitan nila ang mensahe ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya ng mensaheng tinuturing nilang mas kahangahanga at makapangyarihan. Sa halip na pananampalataya, ito ay pagsisisi. Sa halip na kaloob, ito ay pagsuko ng lahat. Sa halip na biyaya, ito ay mga gawa. Ang mga panawagan sa altar at mga revival ay itinataas, samantalang ang pananampalatayang gaya ng isang bata ay madalas binabalewala o tinuturing na imperyor. Gaya ng Hollywood, maraming mga simbahan at mga pastor ang tinuturing ang mensahe ng buhay na walang hanggan bilang libreng kaloob na isang kahinaan, at pinalitan ito ng ningning at gara ng eresiya. Kapag ang mga tagataguyod ng libreng biyaya ay nagsasalita tungkol sa buhay na walang hanggan, madalas silang laitin sa pagtuturo ng “madaliang pananampalataya.”

Sa madaling salita, gaya ng tunay na iyak ng agila, ang mensahe ng biyaya ay napakadali at mahina para sa mga nakarinig lamang ng sintetikong bersiyon. Samakatuwid, ang marahang panawagan ng Tagapagligtas, na “ang sinumang manampalataya sa Kaniya ay hindi mapapahamak kundi may buhay na walang hanggan,” ay binilang na hindi sapat at pinalitan ng eresiyang may pulang buntot ng kaligtasan sa pamamagitan ng mga gawa.

Kahit ang mga mananampalataya ay maaaring maging mapagmataas sa paghayag ng nagliligtas na mensahe. Muli, ang Apostol Pablo ay nagbigay ng mahalagang halimbawang pagsusundan. Hindi natin kailangang palobohin ang mensahe ng biyaya upang magmukhang mahusay ang Panginoon. Hind natin kailangan ng malalaking entablado o milyong likes sa Youtube. Hindi natin kailangang maging pinakamahusay na mananalumpati at hindi natin kailangang magdagdag sa evangelio upang mapansin Siya ng mga tao. Hindi kailangan ng Panginoon ang karunungan ng sanlibutan upang palakasin ang nagliligtas na mensahe. Sa kapayakan nito, Siya ay napapadakila. Gaya ng sinabi ng isa sa aking pinakapaboritong guro ng libreng biyaya:

Ang lahat ng kidlat at kulog mula sa Bundok Sinai ay hindi maikukumpara ang kakayahang magmotiba sa maliit na tinig ng biyaya ng Diyos mula sa Bundok Kalbaryo.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
yates.skubala

by Kathryn Wright

Kathryn has a master’s degree in Christian Studies from Luther Rice Seminary. Kathryn coordinates our short-term missions trips, including doing some of the teaching herself, teaches women’s conferences and studies, and is a regular contributor to our magazine and blogs. She and her husband Dewey live in Columbia, SC.

Recently Added

December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...
December 4, 2025

What Is Annihilationism and What Is Universalism?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling will continue the topic of Eschatology. More specifically, this episode focuses on...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram