Sa isa sa pinakadakilang mga pasahe ng LT patungkol sa pagkabuhay na maguli, hinayag ni Job:
Nguni’t talastas ko na manunubos sa akin ay buhay, at siya’y tatayo sa lupa sa kahulihulihan: At pagkatapos na magibang ganito ang aking balat, gayon ma’y makikita ko ang Dios sa aking laman: Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan ng aking mga mata, at hindi ng iba. Ang aking puso ay natutunaw sa loob ko! (Job 19:25-27)
Ang mga sitas, at iba pa (Dan 12:1-2; Is 26:19; Os 13:14; Awit 16:9-11), ay madalas gamitin upang ipakitang ang mga banal ng LT ay hindi lamang naniniwala sa darating na Mesiyas, kundi naniniwala ring sa pamamagitan Niya, sila ay mabubuhay kailan man. Naunawaan ni Job na ang kaniyang Manunubos ay darating at isang araw, sa kaniyang laman, makikita niya Siya.
Para sa Spring 2003 na edisyon ng JOTGES, sinulat ni Bob Bryant ang isang artikulo (tingnan dito) na may titulong “How Were People Saved Before Jesus Came?” Sa artikulo, nagkomento si Bryant sa mga sitas na ito:
Dalawang libong taon bago dumating si Jesus, alam ni Job na ang kaniyang Manunubos ay darating sa mundo upang bayaran ang halaga sa kaniyang mga kasalanan. Mayroon si Job ng katiyakang dahil sa kaniyang Manunubos, siya ay mabubuhay na kasama ang Diyos matapos niyang mamatay (p. 64).
Ito ay isang napakagandang pasahe na nagbabanggit ng konsistent na mensahe- na masusumpungan sa LT at BT- ng buhay na walang hanggan kay Cristo. Subalit, marami pa sa mga sitas na ito bukod sa salbipikong aplikasyon.
Sa kabanatga 18, si Job ay inaatake ng isa sa kaniyang mga kaibigan- sa pagkakataong ito si Bildad (18:1ss). Sa kabanata 19, nagbanggit si Job ng sampung beses na pinahihirapan siya ni Bildad, na pinahihirapan ang kaniyang kaluluwa at inaabuso siya espirituwal sa mga maling pag-atake (v2-3). Hinayag ni Job na siya ay naging banyaga sa kaniyang mga kakilala, na ang kaniyang mga kamag-anak ay iniwan siya at nilimot siya ng kaniyang mga malapit na kaibigan (v13-14). Kahit ang kaniyang mga alipin ay dinudusta siya. Siya ay nilalayuan ng lahat sa kaniyang buhay dahil sa pagdurusang kaniyang dinaranas. Kahit ang kaniyang asawa at mga anak ay nadidiri sa kaniya (v17-18). Samakatuwid, si Job ay nagdurusa hindi lamang sa pagkawala ng lupa, kayamanan, mga anak at kalusugan; ang kaniyang reputasyon ay nasira rin dahil sa kaniyang pagdurusa. Ang kaniyang pisikal na paghihirap ay isang sentral na elemento sa konteksto. Sa v20, sinabi niyang ang kaniyang mga buto ay nakadikit sa kaniyang mga buto. Ganap ang kawasakan at miseriya ni Job.
Pinakikita ng v25-27 na malinaw na nauunawaan ni Job na siya ay mabubuhay magpakailan man. Ngunit gusto kong imungkahing tumitingin siya hindi lamang sa katotohanang siya ay nasa eternidad. Alam niyang isang araw, ang kaniyang Manunubos ay darating upang tubusin ang kaniyang pisikal na katawan at ibindika ang kaniyang buhay. Sa maikli, sa sandaling ito ng kaniyang desperasyon, hindi siya espisipikong tumitingin sa buhay na walang hanggan. Sa halip, nanghahawak siya sa pag-asa ng isang darating na bindikasyon.
Ang salitang Manunubos ay ang Hebreong salitang goali. Nangangahulugan itong “manunubos, tagapaghiganti, o angkinin para sa kaniyang sarili.” Mayroong interesanteng komento ang The Nelson Study Bible:
Hinahayag ni Job ang kaniyang kumpiyansa sa nabubuhay na Manunubos, na sa legal na konteksto ay maaaring isaling “Bindikador” o “Protektor/Tagapag-ingat ng Karapatang Pampamilya (tingnan ang Awit 119:154; ganuon din ang Ruth 4:1).”
Ang mga paglalarawang ito ni Cristo ay lumalapat nang husto sa konteksto ng pasahe. Habang iniisip ni Job ang lahat ng tumalikod sa kaniya, tumitingin siya sa nalalapit niyang Tagapaghiganti, Bindikador, at Tagapag-ingat. Ito ay higit pa sa Panginoon bilang Tagapagbigay ng buhay na walang hanggan: Siya rin ang Manunubos!
Sa Awit 72:12-14, makikita natin ang kaparehong konsepto. Nagbabanggit si Solomon ng nalalapit na kaharian ng Panginoon, at nilarawan ang katubusan sa hinaharap ng lahat ng nagdurusa, na nagsasabi:
Sapagka’t kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing; at ang dukha na walang katulong. Siya’y maaawa sa dukha at mapagkailangan, at ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas. Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan; at magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin (may dagdag na diin).
Dalawang bagay ang dapat pansinin sa pasaheng ito. Una, ang kaligtasan ng nangangailangan ay hindi tumutukoy sa eternal na kaligtasan mula sa lawa ng apoy. Sa halip, ito ay tumutukoy sa kanilang darating na kaligtasan mula sa pagdurusa. Ikalawa, ang tubusin ang kanilang kaluluwa ay nilalarawan bilang katubusan ng kanilang buhay. Ang mang-aawit ay nagpapaliwanag sa v14, nilalarawan ang kaligtasan mula sa kapighatian at karahasan. Salungat sa kung paano tratuhin ng sanlibutan, ang nangangailangang nagdurusang mga mananampalataya ay mahalaga sa Panginoon (v14), at Kaniyang pinagpala sila sa Kaniyang kaharian (Mat 5:3-12). Ipaghihiganti Niya sila at ibibindika ang kanilang mga buhay.
Sa ganitong pagkaunawa ng katubusan sa isipan, ang mga salita ni Job ay mayroong mas mahalagang signipikansiya kaysa sa simpleng pagkaalam na siya ay ligtas at paroroon sa nalalapit na kaharian. Sa halip, nagbabanggit si Job ng isang araw sa hinaharap na ang kaniyang buhay ay matutubos mula sa kapighatian at karahasan. dapat ding pansining ang diin dito ay sa darating na kaligtasan. Ang buhay na walang hanggan ay pangkasalukuyang pag-aari ng isang mananampalataya (Juan 5:24). Taglay na ni Job ang buhay na ito dahil sa kaniyang pananampalataya lamang sa darating na Mesiyas. Subalit, sa kabanta 19, tumitingin si Job sa isang katubusan sa hinaharap ng kaniyang katawan at sa bindikasyon ng kaniyang buhay sa harap ng Diyos at ng mga tao. Tumitingin si Job sa kaniyang Manunubos para sa kaligtasan ng kaniyang reputasyon at katawan. Kahit ang isang buhay na nasira ng paghihirap at panunuligsa ay bubuhaying muli sa kaluwalhatian. Ito ang buong katubusang hinahanap ng kaniyang puso at tinitingnan nang may pag-asa sa hinaharap.