Noong 1960s, isang lalaking nagngangalang Kotoko Wamura ang namuno sa Hapones na bayan ng Fudai. Sa kaniyang pamumuno bilang mayor, nagpatayo siya ng isang rompeolas (sea wall). Dahil sa mga tsunami sa rehiyon, maraming bayan sa tabing dagat gaya ng Fudai ay may rompeolas ngunit ang rompeolas ni Wamura ay tinuturing na kalabisan sa taas nitong mahigit limampung piye. Ito rin ang pinakamalaki sa rehiyon. Dahil sa pagtayo ng rompeolas, si Wamura ay nakaranas ng maraming kritisismo. Tinawag siyang “hangal, mangmang at mapagwaldas” ng mga tao. Noong 1997, pumanaw si Wamura.
Ngunit labing-apat na taon pagpanaw ni Wamura, isang tsunami ang tumama sa Fudai at kalapit bayan. Tinatayang nasa 20, 000 tao ang napatay, hindi pa kabilang ang pagkasira ng maraming gusali at tahanan. Ang tanging eksepsiyon ay ang Fudai. Halos hindi ito nagalaw, lahat ay dahil sa rompeolas ni Wamura.
Ang kwento ni Wamura ay nagpaalala sa akin ng isa pang pagtatayo. Sa Lukas 14, ang Panginoon ay nagsasalita tungkol sa halaga ng pagiging alagad. Sinabi Niyang upang Kaniyang maging alagd, ang mananampalataya ay dapat handang kamuhian ang kaniyang ina at ama, kaniyang asawa, mga anak at maging ang kaniyang buhay (v26). Tinumbas ni Jesus ang pagiging alagad sa pagtatayo ng isang moog. Ito ay malaking proyekto, kaya tinuruan Niya ang magiging alagad na kwentahin ang gastos ng gawaing ito. Dapat tayong maupo muna, tuusin ang magagastos, at baka sa pagsimula ng proyekto ay hindi natin matapos (v28-10).
Siyempre, ito ay hindi talakayan patungkolsa kung paano ang tao makatatanggap ng buhay na walang hanggan. Ang buhay na walang hanggan ay isang libreng regalo, hindi natamo sa pamamagitan ng masakripisyong pagsunod sa Panginoon (Ef 2:8-9; Juan 4:10, 14). Ito ay isang pasahe tungkol sa mga katotohanan ng pagiging alagad. Ito ay imbitasyon (v15-24) hindi lamang sa pagpasok sa kaharian, kundi kung paano maging malapit na katuwang sa nalalapit na mundo. Pinapakita nito sa atin na hindi lahat ng mananampalataya ay handang iwan ang pamilya at tahanan para sa Panginoon. Tinuturo rin nito sa atin na may ilang mananampalataya na aalis bago matapos ang trabaho. Subalit, sa mga handang bayaran ang halaga at nais makatapos, ang gantimpala ay malaki (14:11, 14).
Gaya ng rompeolas ni Wamura, ang pagsunod sa Panginoon ay isang malaking balakin, isang may kapalit na malaking halaga. Bilang karagdagan, ito ay imbitasyon sa pagkukutya at panghahamak, kahit mula pa sa mga taong higit na nakakikilala sa iyo- maging sa mga taong iyong pinaglilingkuran. Maaaring kapalit nito ay ang iyong pamilya at malapit na mga kaibigan.
Dapat banggiting hindi literal na tinutukoy ng Panginoong kamuhian natin ang ating mga pamilya. Ang mamuhi sa kontekstong ito ay tumutukoy sa prioridad. Sinasabi ng Panginoon na Siya dapat ang mauna sa lahat at anumang mga bagay. Ang resulta ng pamumuhay nang ganiyang pamumuhay ay kukutyain ka ng marami. Gaya ni Wamura, sasabihin ng mga taong ang gawa ng iyong buhay ay kahangalan.
Sa tingin ko may isa pang aral na makukuha mula sa kwento ni Wamura. Minsan, ang resulta ng ating pagpapagal ay hindi mahahayag sa ating buhay. Gaya ni Wamura, maaaring taon, dekado o kahit isang salinlahi pa ang lilipas, bago makita ang bunga ng ating pagpapagal. Maraming tapat na mananampalataya ang hindi nakita o kaunti ang nakikitang bunga ng kanilang gawain. Ibinahagi nila ang mensahe ng biyaya sa mga tao, naghahanap sila ng oportunidad na maging liwanag sa kadiliman, ngunit nahaharap sa mas maraming kahirapan. Ang ilan ay nawalan ng trabaho at maging ng simbahan. Sinubok nilang maghasik ng mga binhi ng biyaya sa matigas na lupa, at bihira kung mayroon man, na makitang epekto. Binayaran nila ang halga, na walang nakikitang benepisyo. Ngunit, gusto kong idagdag ang isang pampalakas ng loob: nagtayo si Wamura nang hindi nalalaman kung sulit ba ang kaniyang trabaho. Samantala, ang matapat na mananampalataya ay nalalamang sila ay tatanggap ng ganti sa kanilang pamumuhunan sa pagbalik ng Panginoon (Pah 22:12).
Sinasabing ang rompeolas ni Wamura ay nagdala ng bindikasyon sa mayor matapos niyang mamatay. Ang dati ay tinuturing na kahangalan ay nagdala ng kapurihan at respeto mula sa kaniyang kababayan. Gayon din naman, may bindikasyong naghihintay sa tapat na mananampalataya. Sa kaniyang nagtayo ng buhay sa mga salita ng ating Tagapagligtas, ang papuri at karangalan ay susunod (1 Ped 1:6-7).