Pumunta ako sa dentista nitong lingo. Alam ng aking dentista mula sa mga nakaraan kong pagbisita na madalas akong maglakbay dahil sa aking trabaho. Nagsimula siyang magkwento kung paano siya namumuhi sa mga eroplano. Dahil sa may nilagay siyang kung anong bagay sa aking bibig para i-xray, tumango lamang ako na may paminsan-minsang pag-ungol. May sinabi siyang bagay na hindi ko inaasahan. Sinabi niya: “Sinasabi ng Biblia na kailangan nating magsisi.”
Nagpatuloy siya sa pagkwentong may dalawang pagkakataong siya ay nagsisisi: Kapag siya ay pumupunta sa kairopraktor at kapag siya ay sumasakay ng eroplano. Muli, nasorpresa ako. Nang una, inisip kong ang ibig niyang ipakahulugan ay kapag pumupunta siya sa kairopraktor o sumasakay sa impiyerno, nagdesisyon siyang huwag nang tumuloy. Umatras siya sa mga aktibidad na ito ay umuwi na lamang sa bahay. Ipinaliwanag niyang takot siya sa kairopraktor at nag-aalala siyang mababali nito ang kaniyang leeg kapag may sesyon. Mayroon din siyang parehong isyu pagdating sa eroplano. Natatakot siyang baka bumagsak ang eroplano kaya nagsisisi siya bago sumakay.
Muli, nagulumihanan ako ng kaniyang mga komento. Pinakahuhulugan ba niyang hindi sapat ang pagtitiwala niya sa Diyos kaya kailangan niyang magsisi at magtiwalang poprotektahan siya ng Diyos? Nilinaw niyang gusto niyang masigurong nalulungkot siya ng kaniyang mga kasalanan, kung sakali mang may mangyari. Para sa kaniya, ang pagsisisi ay pagsasabing paumanhin. Mayroon siyang ritwal kung saan sinasabi niya sa Diyos na siya ay humihingi ng paumanhin, bilang panghuling “Ave Maria,” kung sakali mang mamatay siya sa paglipad o kung pinalalagutok ng kairopraktor ang kaniyang buto. Sa madaling salita, upang maligtas mula sa impiyerno, kailangan niyang humingi ng paumanhin bago mamatay.
Hindi ako makapagsalita. Ang babaeng ito ay malinaw na may kamalayan sa Biblia at kay Jesus, ngunit namumuhay siya nang may takot sa kaniyang eternal na kapalaran. Inisip niyang kailangan niyang patuloy na makaramdam ng kalungkutan para sa kaniyang mga kasalanan, kahit sa sandaling mamamatay na siya; dahil kung hindi, pupunta siya sa impiyerno. Sa maikling salita, hindi siya nanampalataya kay Jesus para sa kaloob ng buhay na walang hanggan. Naniniwala siyang kailangan niya ng patuloy na paghingi ng paumanhin para sa kaniyang mga kasalanan, at baka lamang makapasok siya sa langit.
Nitong nakaraang mga lingo, ang GES ay nagsagawa ng mga kumperensiya para sa mga pastor sa Moldova at isang panrehiyonal na kumperensiya sa Georgia. Sa parehong kumperensiya, naungkat ang isyu ng pagsisisi. Sa Georgia, may ginawa kaming buong sesyon tungkol sa salitang pagsisisi. Ang pagsisisi ay nangangahulugang “pagtalikod mula sa mga kasalanan” at hindi kailan man binigay bilang kundisyon kung paano magtamo ng buhay na walang hanggan. Ang mananampalataya ay hindi ligtas dahil siya ay nagsisi. Nakatanggap ang hindi mananampalataya ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesus para rito (Juan 3:16; 5:24; 6:47; 11:25-26).
Nakalulungkot na madalas hindi ito maunawaan. Maraming tao ang pinakahuhulugang pagsisisi bilang kalungkutan para sa mga kasalanan, pagbabago ng kanilang isipan tungkol sa kasalanan o sa Diyos, o pag-amin ng kanilang mga kasalanan- at ang mga ito ay ilan lamang sa mga depinisyon. Bukod pa diyan, marami ang ginagawa itong kundisyon para sa kaligtasan, na nagreresulta sa kaligtasang nakasalig sa mga gawa. Gaya ng aking dentista, maraming tao ang namumuhay sa takot, na iniisip na kailangan nilang linisin ang kanilang mga kasalanan bago sila maligtas.
Sa parehong kumperensiya, kami ay tinanong ng magkaparehong tanong: Talaga bang malaking isyu ito? Isang pastor ang nagsabing ito ay isa lamang na tradisyunal na lenggwahe, at hindi tayo dapat maging dogmatiko sa paggamit nito. Ang mahalaga ay nanampalataya tayo sa Diyos. Ito ay karaniwang argumento laban sa teolohiyang Free Grace. Ang mga tagataguyod ba ng Focused Free Grace ay mga legalista pagdating sa ating pagnanasang maging tiyak sa ating mga salita?
Ang aking dentista ay isang sagot sa tanong na iyan, sapagkat siya ay isang karaniwan at laganap na halimbawa. Ang ating mga salita ay mahalag, at ang tamang paggamit ng mga salita ng Biblia ay higit na mahalaga (San 3:1). Ang aking dentista ay isang halimbawa ng panganib na dulot ng kabiguan nating idepina ang ating mga termino o gamitin sila ng tama. Hindi ko mauunawaan ang kaniyang pakahulugan ng pagsisisi kung hindi siya nagbigay ng halimbawa. Pareho rin sa ating pagbabahagi ng evangelio. Marami, kung hindi man lahat, na mga hindi mananampalataya ang iniisip na ang pagsisisi ay nangangahulugang kailangan nilang linisin ang kanilang mga buhay o makaramdam ng lungkot para sa kanilang mga kasalanan. Bukod diyan, ang aking kwento ay isang nakababahalang paalala na maraming tao sa palibot natin at sa ating mga iglesia na hindi alam na maaari silang magkaroon ng buhay na walang hanggan bilang pangkasalukuyang pag-aari sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesus para rito. Kung hindi dila nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, hindi sila ligtas. Tumitingin sila sa kanilang mga gawa, sa kanilang kalungkutan, o sa kanilang mga ritwal bilang paraan ng kaligtasan. Hind sila tumitingin kay Cristo. Wala silang katiyakan at namumuhay sa takot sa mga kairopraktor at sa mga eroplano. Ang nasusumpungan natin ay kung walang malinaw na depinisyon ng mga salita, ang mga tao ay magtitiwala sa mga pamahiin kaysa kay Cristo para sa katiyakan.
Hindi ito pagiging mapili o mapamintas, o kahumalingan kapag nag-uubos tayo ng oras upang linawin ang mga salitang kagaya ng pagsisisi. Gusto nating maintindihan ng aking dentistang mayroon siyang buhay na walang hanggan dahil nais ng Panginoong malaman niya ito (1 Juan 5:9-13). Gusto nating malaman ng isang hindi mananampalataya na si Jesus ay nagbibigay ng buhay na walang hanggan bilang isang regalong hindi maiwawala. Samakatuwid, dapat tayong magsumikap na maging malinaw sa kung paano natin ibinabahagi ang mensaheng ito. Si Satanas ang may-akda ng kalituhan. Kung ganuon, isalamin natin ang mga salitang ginamit ng Panginoon sa Kaniyang pag-eevangelio; sabihin natin sa mga taong manampalataya sa Kaniya para sa buhay na walang hanggan.