Ang tema ng 2022 kumperensiya ng GES ay “Mga Pinal na Kahatulan.” May mga sesyong tumatalakay sa iba’t ibang mga kahatulang mangyayari sa pagbabalik ng Panginoon. Kabilang sa mga ito ang Hukuman ni Cristo, Ang Dakilang Puting Luklukan, Ang Paghahatol sa mga Tupa at mga Kambing, at marami pang iba. Kung hindi kayo nakadalo sa kumperensiya, maaari ninyo pa ring marinig ang mga sesyon dito.
Nang oras na iyon, isang mabuting kaibigan ang nakarinig ng tema at nagkomentong ito ay isang mabigat na paksa, at maaaring negatibong tanggapin ng ilan. Sino ang gustong mangimbita para sa isang kumperensiya patungkol sa kahatulan? Ganap kong nauunawaan ang pag-aalala. Maraming tao ang nakararanas ng takot at pagkabalisa kapag naiisip nila ang “pinal na kahatulan.” Lalong lalo na ang mga taong hindi nauunawaan ang pagkakaiba ng mga kahatulang nabanggit sa taas. Kailangang masabi na kung ikaw ay nanampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan, hindi ka hahatulan upang madetermina ang iyong kaligtasan (Juan 5:24) at ni hindi mo kailangang katakutan kailan man ang posibilidad ng pagharap sa kahatulang gay anito.
Ganuon pa man, dahil sa kaibigan kong ito, ako ay napaisip tungkol sa paksa ng kahatulan at kung paano tatanggapin ito ng mga mananampalataya. Gusto kong imungkahi na ang paksa, bagamat nakatitino, ay isang nagbibigay-lakas na doktrinang dapat magbigay sa atin ng pag-asa. Ito ay isang aplikasyong maaari nating matutunan mula sa Aklat ng Gawa.
Ang kahatulan ay isang temang makikita sa buong Gawa. Subalit, hindi gaya ng mga pinal na kahatulan, ang mga kahatulan sa Gawa ay ginawa sa harap ng mga tao at ng mga korte. Mayroong mahigit sa labinlimang kahatulang nangyari sa Gawa. Bagamat iba-iba ang mga kalahok, konsitent na binuo ni Lukas ang kwento ng kaniyang aklat sa mga pagtitipon at kahatulang ito, mula sa kabanata 4. Si Pedro at si Juan ay dinala sa harap ng Sanhedrin. Naganap muli ito sa kabanata 5. Si Esteban ay hinatulan ng kamatayan sa kabanata 6-7. Si Pablo ay tumayo upang hatulan sa harapan ni Gallio (kab 18), Felix (kab 24), Festo (kab 25:1ss) at Agrippa (kab 25:13ss), at ang mga ito ay ilan lamang sa mga halimbawa. Tinapos pa nga Lukas ang kaniyang aklat sa nalalapit na kahatulan ni Pablo mula kay Caesar.
Isang aral na makukuha natin sa mga kwentong ito ay sa kabila ng pagtutol ng mga tao, ang evangelip ay patuloy na pinapahayag nang hindi napipigilan (Gawa 28:31, para sa karagdagan, tingnan ang artikulo ni Bob Wilkin dito.)
Bilang karagdagan, nilala ni Lukas ang sekondaryong tema sa mga kwentong ito, konsistent niyang pinapakita ang korapsiyon sa mga kahatulang ito. Paulit-ulit siyang nagbibigay sa mambabasa ng impormasyon kung ano ang nangyayari sa likod ng mga saradong pinto. Ang Sanhedrin, sa kabila ng kaalamang lehitimo ang mga pagpapagaling ng mga apostol, ay tinakot pa rin silang manahimik (4:16-18). Hinarap ang mga huwad na saksi laban kay Esteban at Pablo (6:11; 16:20; 21:28-29). Nais ni Felix ng suhol mula kay Pablo (24:26). Nang si Pablo ay iharap kay Festus, ninais ng mga Judiong patayin siya (25:2-3). Ang mga plota ng pagpatay, mga huwad na saksi, ang takot ng tao, o ang kawalang pagmamalasakit ay makikita sa mga kwentong ito. Ang kahatulan ng mga tao ay namamantiyahan ng kawalan ng katuwiran.
Kapag iniisip natin ang mga kwentong ito, hindi nakapagtataka na ang Apostol Pablo ay nagkomento nito sa kaniyang liham sa Corinto:
Datapuwa’t sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako’y siyasatin ninyo, o ng pagsisiyasat ng tao: oo, ako’y hindi nagsisiyasat sa aking sarili. Sapagka’t wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman hindi dahil dito’y inaaring-ganap ako: sapagka’t ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon. Kaya nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon, na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa’t isa ay magkakaroon ng kapurihan sa Dios (1 Cor 4:3-5; nagdagdag ng diin).
Sinulat ni Pablo ang mga salitang ito bilang karugtong ng 1 Corinto 3, kung saan tinalakay niya ang Hukuman ni Cristo. Sa kabila ng hindi magandang tratamento sa iba’t ibang kahatulan sa Gawa, si Pablo ay nababahala ng mga korte ng tao. Una, lahat ng mga sinabi sa likod ng saradong pinto ay isang araw mahahayag. Ikalawa, isang Hukom ang darating na magtatama ng lahat ng mga bagay.
Ito ay isang perspektibong nagbibigay ng lakas ng loob. Namumuhay tayo sa mga panahong kapareho ng apostol. Habang ating pinagninilayan ang estado ng mundo at ng korapsiyon at kasamaan ng ating panahon, hindi mahirap makita ang paralel sa ating sariling mga korte. Para sa marami, ito ay dahilan upang mawalan ng pag-asa. Sa panahong ang Hustisya ay inalisan ng takip sa mata at madaling mabali nang dahil sa politikal na bentahe, Madali sa isang taong mawalan ng pag-asa. Ito ang mga panahong kailangan nating alalahanin ang mga pinal na kahatulan at mabigyan ng lakas. Mayroon tayong Hukom na darating, at Siya ay mabuti at walang kinikilingan. Nakikita Niya ang natatagong kaisipan ng mga tao. Hindi Siya masusuhulan, matatakot o malilinlang. Siya ay ganap na matuwid at isasaayos ang lahat ng mga bagay.
Kailangan nating ipagsaya ang pagdating ng ating Hari at Hukom. Bagamat ito ay nakatitino, ito rin ay nagdadala ng pag-asa. Ito ay mabuting balitang dapat nating ipahayag sa mundo (Pah 14:6-7).