Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Seminary
    • Seminary Info
    • GES Seminary Curriculum
    • GES Seminary Faculty
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Paglalarawang tipo sa mga Pariseo

Paglalarawang tipo sa mga Pariseo

December 28, 2023 by Kathryn Wright in Ang Tinig ng Biyaya

Hindi pinababango ng BT ang mga punong panrelihiyon ng mga Judeo noong unang siglo. Nilarawan sila bilang mga libingang nilinisan, mga ulupong, at mga ganid. Sa katapus-tapusan, ang mga punong panrelihiyong ito ang pumatay sa kanilang Mesiyas. Dahil sa mga halimbawang ito, at sa kabuuang tono ng BT, ang salitang Pariseo ay may dalang negatibong konotasyon para sa maraming mag-aaral ng Biblia; marami ang awtomatikong nilalarawan ang lahat ng Pariseo bilang hindi mananampalataya.

Subalit ang Kasulatan ay walang ganitong isang sukat-para-sa-lahat ng paglalarawan sa mga relihiyosong elitistang ito. Sinabi ni Juan na maraming mga pinuno ang nakarating sa pananampalataya (Juan 12:42). Tinala ng Juan 3 ang isa sa pinakadakilang pag-uusap ebanghelistiko ng Panginoon. Ito ay kausap ang Pariseong si Nicodemo. Malamang nakarating sa pananampalataya si Nicodemo ng gabing iyan, o malaon pagkatapos, at tumulong upang ilibing ang katawan ng Panginoon sa Kaniyang pagkamatay (Juan 19:39).

Sa Evangelio ni Lukas, may dalawang kwento kung saan ang Panginoon ay inimbitahan sa hapunan ng isang Pariseo. Una sa Lukas 14:1a:

“At nangyari, sa pagpasok Niya sa bahay ng isa sa mga pinuno ng mga Pariseo nang isang sabbath upang kumain ng tinapay…”

Ang eksena ay nakahanda na at ang mga tauhan ay nasa posisyun. Sa unang tingin, ang kontrabida ay ang Pariseo. Subalit, sa pagpapatuloy ng pasahe, direkta siyang kinausap ng Panginoon sa v12, at nagpahayag ng isang parabula tungkol sa doktrina ng gantimpala. Tinuruan Niya ang Pariseo na imbitahan ang mga may sakit at mahihirap kapag siya ay nagbibigay ng hapunan, upang, sa pagkabuhay na maguli, siya ay babayaran sa kaniyang tapat na paglilingkod. Pansining inaakala ng Panginoon na ang Pariseo ay kasama sa pagkabuhay na maguli. Higit pa diyan, tinuturuan Niya ang lalaki kung paano mamuhay ng isang buhay na gagantimpalaan. Binabanggit ni Jesus ang mga gawa, hindi ang kaloob ng walang hanggang buhay. Ito ay lenggwahe ng isang alagad at hindi nakatuon sa isang hindi mananampalataya. Ang halaga ng paglapit sa isang pasahe na may kaisipang ang isang Pariseo ay maaaring maging mananampalataya o hindi ay esensiyal. Kung siya ay laging ilalarawan bilang hindi mananampalataya, maaaring gamitin ang mga pasaheng ito para sa kaligtasang nakabase sa mga gawa.

Ang ikalawang Pariseong nag-imbita sa Panginoon sa isang hapunan ay isang lalaking nagngangalang Simon (Lukas 7:36-55). Gaya ng Pariseo sa kabanata 14, nagbigay ang Panginoon kay Simon ng isang maikling parabula. Sa pagkakataong ito, pinagkumpara ng Panginoon si Simon at ang makasalanang babaeng naghugas ng Kaniyang mga paa ng kaniyang mga luha (v 37-38). Hindi maganda ang tugon ni Simon sa babae o sa kaniyang ginawa. Siya ay palalo at legalistiko. Muli, ang pagkakampi ay maaaring magkulay kung paano iinterpreta ng isang tao ang kwentong ito. Dahil sa Simon ay Pariseo, at dahil hindi maganda ang kaniyang pakikitungo sa mga babae, marami ang lumalapit sa pasaheng ito at iniisip na siya ya hindi mananampalataya. Ngunit ang parabulang ibinigay ng Panginoon ay nagmumungkahi ng ibang eksena.

“Isang may pautang ay may dalawang may utang sa kaniya, at ang isa’y may utang na limang daang denario at ang isa’y limangpu. Nang sila’y walang maibayad, ay kapuwa pinatawad niya. Alin nga sa kanila ang lalong iibig sa kaniya?” Sumagot si Simon at sinabi, “Inaakala ko na yaong pinatawad niya ng lalong malaki.” At sinabi Niya sa kaniya, “Matuwid ang pagkahatol mo.” (Lukas 7:41-43) [may dagdag na diin].

Dalawang bagay ang dapat pansinin sa parabulang ito. Una, nilalarawan nito ang dalawang taong may utang. Kalaunan ipaliliwanag ni Jesus na ang dalawang may utang ay kumakatawan kay Simon at sa babae. Pareho silang nilarawan bilang pinatawad. Sinasabi ng Panginoon na si Simon ay pinatawad. Ito ay kakatuwang paglalarawan ng isang hindi mananampalataya. Ang pagpapatawad ay isang isyu ng pakikisama, na lumalapat sa kwento. Si Simon, na nangimbita sa Panginoon sa kaniyang bahay para kumain, ay galit na hahayaan Niyang ang isang babaeng kagaya niya ay hahawak sa Kaniya. Sa kaniyang kapalaluan, naniniwala si Simon na siya- at hindi ang makasalanang babaeng ito- ang marapat sa pakikisama at atensiyon ng Panginoon. Ngunit ang babae ay nagpakita sa Panginoon ng lalong pag-ibig at pagpapahalaga. Ito ang pangunahing mensahe ng pasahe. Pinupuri ng Panginoon ang babe dahil pinakita niya sa Kaniya ang lalong pag-ibig, at sinaway si Simon sa kaniyang kabiguang magpakita sa Kaniya ng kahit na pinakamababaw na paggalang na ayon sa kaugalian.

Ulit, ito ay isang kakatuwang sumbong na gawin ng Panginoon sa isang hindi mananampalataya. Ang hindi pa naipanganak na muli ay walang dahilan para magpakita ng pagpapahalaga o pag-ibig sa Panginoon. Gaya ng Pariseo sa kabanata 14, ito ay lenggwahe ng pagiging alagad. Ang babae ay lalong pinatawad, dahil diyan siya ay lalong may pag-ibig. Si Simon ay manghuhukom at walang pagpapasalamat, ngunit hindi ito nangangahulugang hindi siya ligtas.

Mayroong ironiya sa pasaheng ito. Kung paanong si Simon ay may mababang paningin sa makasalanang babae at nag-aakalang ang Panginoon ay hindi makikisama sa deprabong taong gaya niya, maraming interpretista ang lumalapit sa pasaheng ito at tinatrato sa parehong paraan si Simon. Ngunit ang Panginoon ay hindi dumating upang magturo lamang sa mga mananampalatayang nasa laman; Siya ay dumating din upang turuan ang mga legalista.

Sa liwang ng mga isyung ito, mahalagang tingnan ang mga pasahe at indibidwal na ito nang paisa-isa. Kung ang esudyante ng Biblia ay awtomatikong ipalalagay ang mga relihiyosong Judio, kabilang na ang mga Pariseo, sa gampanin ng isang hindi mananampalataya, ito ay maaaring magkaroon ng negatibong resulta sa kung paano ilalapat ang mga pasaheng ito. Ang konteksto, sa halip na ang ating mga teolohikal na killing, ang dapat magdetermina kung paano titingnan ang mga taong ito. Sikapin nating iwasang ilarawan sa iisang tipo ang mga taong nakasasalamuha natin sa Kasulatan, kahit pa hindi natin sila paborito.

Mag-subscribe

  • Facebook
  • X
  • Pinterest
  • LinkedIn
yates.skubala

by Kathryn Wright

Kathryn has a master’s degree in Christian Studies from Luther Rice Seminary. Kathryn coordinates our short-term missions trips, including doing some of the teaching herself, teaches women’s conferences and studies, and is a regular contributor to our magazine and blogs. She and her husband Dewey live in Columbia, SC.

Recently Added

December 5, 2025

“Have I Shown You My Iron Cross?” 

I recently heard a story that I’m pretty confident is true. Most of us have seen pictures of the warehouses at Auschwitz. The Nazis collected all the personal effects—shoes, clothes, jewelry, toys, etc.—of those who died...
December 5, 2025

What Will a Resurrected and Glorified Body Be Like?

Welcome to the Grace in Focus podcast. Today, Bob Wilkin and Philippe Sterling are going to talk about believers “with the Lord” after this current...
December 4, 2025

What Is Eschatological Salvation, and Do You Have It? 

I don’t remember hearing the expression eschatological salvation when I was studying at Dallas Theological Seminary. But over the past thirty years or so I’ve noticed that expression occurring increasingly in the commentary literature. Some pastors are...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen on Apple Podcasts

Listen on Spotify

Listen on YouTube

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube
  • Instagram