Sa aking huling blog, tinalakay ko kung paano ang salitang relationship ay pumapalit sa salitang manampalataya sa ilang ebanghelistikong kalagayan. Tinaltal kong ang terminong ito ay maaaring magdulot ng kalituhan kapag ginamit sa ganitong paraan. Sa blog na ito, gusto kong siyasatin ang mga benepisyo at ang mga disbentahe ng isa pang laganap na pangkasalukuyang gamit ng iglesia ng salitang relationship.
Minsan ang relationship ay pinakikita bilang resulta ng pananampalataya kay Jesus. Halimbawa, ang evangelista ay maaaring sabihing kapag ang isang hindi mananampalataya ay nakarating sa pananampalataya, siya ay pumasok sa isang permanenteng relationship sa Diyos. Sa ganito, maaaring pinapakahulugan nilang ang mananampalataya ay naging anak ng Diyos, isang miyembro ng walang hanggang pamilya ng Diyos. Tunay, na ang pagiging anak ng Diyos ay naglalarawan ng permanenteng posisyun natin sa harapan Niya. Makikita natin ito halimbawa sa Juan 1:12:
Datapuwa’t ang lahat ng sa Kaniya’y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, samakatuwid baga’y ang mga nagsisisampalataya sa Kaniyang pangalan (dinagdagang diin).
Sa sandaling ang isang tao ay manampalataya kay Jesus para sa libreng regalo ng buhay na walang hanggan, sila ay Kaniyang naging anak magpakailan man. Kapag pinakita sa ganitong paraan, ang konsepto ay tunay na nagpapahayag ng ideya ng buhay na walang hanggan at ng eternal na seguridad ng taong pinanganak nang muli. Ito ang core na mensaheng dapat pagsikapan ng ebanghelistang maibahagi sa isang hindi mananampalataya at ang paggamit ng termino sa ganitong paraan ay maaaring maging kapaki-pakinabang.
Subalit, mayroong mahalagang pagkakaiba na dapat gawin. Kapag ang salitang relationship ay ginamit sa ganitong paraan, ang nais ipakahulugan ng evangelista ay mas malapit sa ideya ng relation kaysa relationship. Sa simpleng paglalagak, mayroong pagkakaiba sa pagiging related sa isang tao at sa pagkakaroon ng relationship sa taong iyan. Samantalang ang parehong salita ay nagpapakita ng koneksiyon, hindi sila tumutukoy sa parehong bagay.
Halimbawa, sa isang reunion ng pamilya ilang taon na ang nakalipas, ang aking ama ay umupo katabi ng isang pinsang buong hindi pa niya nakita. Ni hindi niya nga alam ang kaniyang pangalan. Ngunit walang dudang sila ay related; ang babae ay kamukhang kamukha- isang babaeng anyo- ng aking ama. Sila ay permanenteng related sa dugo, ngunit wala silang relationship.
Ang Free Grace Theology ay nagtuturong ang kaligtasan at pagiging alagad ay dalawang magkahiwalay na isyung hindi dapat paghaluin. Ang isang tao ay maaaring ligtas ngunit hindi sumusunod sa Panginoon sa pagiging alagad. Sa madaling salita, ang isang mananampalataya ay laging related sa Ama bilang Kaniyang anak, ngunit ang mananampalataya ay hindi sa nesesidad laging may nagpapatuloy na relationship sa kaniyang Ama sa langit. Kung paanong ang isang bata ay hindi laging may relationship sa kaniyang magulang sa lupa, ang mga mananampalataya ay maaari ring mawala sa pakikisama sa Panginoon. Sa diwang ito, ang pananampalataya kay Jesus para sa buhay na walang hanggan ay hindi garantiya ng isang relationship.
Sa Pah 3:14-20 nakikita natin ito sa mga mananampalataya sa iglesia sa Laodicea. Ang mga mananampalataya sa pasaheng ito ay napakasapat na sa kanilang sarili na wala na silang maintimasyang relationship sa kanilang Tagapagligtas (v17). Ito ay nilarawan ng imahen ng Panginoong kumakatok sa pintuan ng iglesia, na nag-aalok ng na hahapong kasama nila kung sila ay magsisisi (v20). Sa pasaheng ito, ang hapunan ay nagpapakita ng larawan ng maintimasyang pag-upo upang makikain kasabay ng ibang tao. Nais ng Panginoon na magkaroon ng pakikisama sa Kaniyang mga anak; subalit, hindi Niya pipilitin ang Kaniyang mga anak na ibigin Siya. Sa kaniyang pagtalakay sa pasaheng ito, sinulat ni Zane Hodges:
Ang mga Laodicean ay ang naliligaw na mga anak ng Diyos. Ngunit ang pag-ibig ng kanilang Tagapagligatas ay ay humahabol sa kanila at “sinasanay sila bilang isang anak” sa paraang hinihingi ng Kaniyang katapatan. Buong katimtiman, tinawagan Niya sila upang magsisi ng kanilang malahiningang diwa at gisingin ang kanilang intimasya sa Kaniya” (Zane C. Hodges, Absolutely Free, A Biblical Reply to Lordship Salvation. 114, dinagdagang diin).
Dito hinugot ni Hodges ang pagkakaiba sa pagitan ng pagiging anak at sa pagkakaroon ng maintimasyang relationship sa Panginoon. Samantalang ang mga Laodicean ay mga anak ng Panginoon, inilabas nila Siya sa pagkakaroon ng malapit- isang hapunan– relasyon sa kanila. Hindi ipipilit ng Panginoon ang Kaniyang sarili sa hapunan. Ang mga mananampalataya sa Laodicea ay may kalayaan upang habulin ang isang relationship sa Panginoon sa pagsisisi at pagsunod (v19).
Sa liwanag ng pagkakaibang ito, kung nais ng isang evangelistang gamitin ang terminong relationship upang ilarawan ang regalo ng buhay na walang hanggan, kailangan niyang ipaliwanag kung ano ang pinakahuhulugan niya. Gaya nang tinalakay sa nakaraang blog, ang salitang relationship ay hindi masusumpungan sa Evangelio ni Juan. Ang ikaapat na evangelio ay madalas tukuyin bilang ang Evangelio ng buhay, hindi ang Evangelio ng relationship. Ito ay dahil hindi kailan man tinawag ng Panginoon ang mga hindi mananampalatayang manampalataya sa Kaniya para sa isang relationship. Sinabihan Niya ang mga hindi mananampalatayang kailangan nila ng buhay na walang hanggan (Juan 3:16; 4:10, 14; 11:26). Samantalang hindi naman mali ang paggamit ng salitang relationship sa ganitong paraan sa ebanghelistikong kalagayan, hinihikayat ko tayong lahat na gamitin ang lenggwahe ng teksto sa pagbabaghagi ng ating pananampalataya. Si Jesus ay nagbabanggit ng regalo ng buhay na walang hanggan, at ganuon din dapat tayo.