Hindi ka ba naeenjnoy sa mga kwento na may “pagbaligtad ng kapalaran”? Ibig natin ang drama ng pagbabaligtad ng sitwasyon ng isang tao, mapabayani man o kalaban.
Isipin mo ang Star Wars. Sa Revenge of the Sith, nang malapit nang manalo ang mga Jedi laban sa mga separatist, inutos ni Darth Sidious ang Kautusang 66, na nagpwersa sa hukbong clone na biglang bumaligtad laban sa kanilang mga kakamping Jedi, at pinatay silang lahat. Nakakagitla, at nakakatakot, ngunit malaking drama!
Ilang taon ang nakalipas, sa Return of the Jedi, nasa punto na si Darth Sidious, na siyang naging emperador, na patayin si Luke Skywalker, ang huling Jedi, nang si Darth Vader ay biglang bumaligtad laban sa kaniyang panginoon at itinapon ang emperador pababa sa reactor shaft. Cheers!
Ang kagamitang literari na ito ay tinatawag na peripeteia, “isang bigla o hindi inaasahang pagbaligtad ng sirkumstansiya o sitwasyon,” at madalas itong mangyari sa hindi mabilang na nobela at pelikula. Nangyari rin ito sa Roma 8.
Sa Roma 7, inilarawan ni Pablo kung paanong ang kasalanan, na binigyang-katauhan bilang isang masamang kapangyarihan, ay dinomina ang buhay ng mananampalataya sa pamamagitan ng paninirahan sa kaniyang laman. Ang ating bayani, ang ating pinanganak na muling panloob na katauhan, ay buong tapang na nakibaka laban sa napakasamang presensiya ng kasalanan at ang kaniyang alalay, ang kautusan. Ngunit kahit magkakampi silang lumalaban, hindi nila magapi ang kasalanan. Mananalo ba ang kasamaan?
Hindi!
Sa Roma 8, may dramatikong pagbaligtad.
Sapagkat ang hindi magawa ng kautusan, yamang ito ay pinahina ng laman, ay ginawa ng Diyos sa pagsusugo ng kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang laman, at tungkol sa kasalanan ay hinatulan niya ang kasalanan sa laman (Roma 8:3).
Sa Roma 8:1, nalaman ng mga mananampalataya na walang kahatulan sa mga na kay Cristo. Ngayon natuklasan natin, na sa kabalintunaan, ang kasalanan ang hinatulan sa halip (v3)!
Gaya ng sinulat ni Pablo, si Jesus ay “hinatulan [katakrinō] ang kasalanan sa laman.” Ang salita ay katakrino, pandiwa ng katakrima sa Roma 8:1. Nangangahulugan itong “magpahayag ng sentensiya matapos madetermina ang guilt, magpahayag ng sentensiya sa iba” (BDAG, p. 519) o “hatulan ang isa na tiyak na guilty at samakatuwid ay nasa ilalim ng kaparusahan” (Louw & Nida, p. 1:555). Gaya ng sabi ni Cottrell, ito ay “ang hudisyal na sentensiya ng Diyos at kapahayagan ng kaparusahan laban sa kasalanan” (Cottrell, Romans, p. 263).
Ito kung ganuon ang sitwasyon, sa halip na ikaw ang mapa sa ilalim ng kaparusahn, ang kasalanan ang pinarusahan!
Aminin natin, ang argumento ni Pablo ay kakaiba. Anong nangyayari dito? Maaring makatulong kung iisipin natin ito bilang isang drama sa korte.
Isipin mong ikaw ay nakaupo sa upuan ng sinasakdal habang ang kasalanan ang namamahalang hukom. Hindi maganda ang sitwasyon para sa iyo. Napakasama. Ang tagausig ay may ga-bundok na ebidensiya kaban sa iyo, na nagpapatunay na ikaw ay guilty nang paulit-ulit. Sa katotohanan, malaya mong inamin ang iyong guilt. Ngunit nang si Hukom Kasalanan ay babasa na ng berdik at sentensiya laban sa iyo, isang mensahero ang pumasok sa korte na may nagmamadaling mensahe para sa iyo, “Walang kahatulan para sa iyo!” Ikaw ay pinalaya at lumakad palabas ng korte na isang malayang tao.
Ngunit ang mensahero ay may ikalawang sulat. “Hulihin ang hukom!” May bulong-bulungan ng pagkagitla sa loob ng korte habang pumasok ang mga bailiff at inaresto si Kasalanan at nilagay sa upuan ng nasasakdal. Sa pagkakataong ito ang Diyos ang namamahalang hukom, at mayroon Siyang ga-bundok na ebidensiyang nagpapakita kung paanong ginamit ni Kasalanan ang kautusan at ang laman upang lumikha ng paghihimagsik. Kaya dineklara ng Diyos si Kasalanan na guilty at sinentensiyahan ng kamatayan! (cf. Eaton, Everlasting Assurance, p. 11). Tunay na isang kahanga-hangang pagbaligtad!
Maaaring nagtataka ka kung paano isinagawa ng Diyos ang sentensiya laban sa kasalanan. Narito ang isang pang kakaibang aspeto sa argumento ni Pablo. Kung titingnan mo, pinarusahan ng Diyos ang kasalanan sa laman. Sa madaling salita, pinagtagumpayan ng Diyos ang tagumpay sa kasalanan sa mismong arena kung saan ang kasalanan ay araw-araw na nagwawagi. Isa pang nakakasorpresang pagbaligtad!
Ngunit hindi pinarusahan ng Diyos ang kasalanan sa ating laman. Sa halip, ang sentensiya ay pinasa “sa laman ni Kristo, sa kalikasang tao ni Kristo” (Cranfield, Romans, p. 177). Sa halip na hatulan tayo, “hinatulan ng Diyos ang kasalanan sa kaniyang Anak, ang kahatulan ay nahulog dito sa kaniya” (Stott, Romans, p. 220, may dagdag na diin). Iyan ang dahilan kung bakit si Jesus ay dumating sa “anyo ng makasalanang laman,” upang tanggapin “ang kapahayagan at pagsakatuparan ng sentensiya” sa kasalanan (Nygren, Romans, p. 220).
Hindi kaya ng kautusan ang kasalanan. Hindi rin natin kaya. Kaya pinadala ng Diyos si Jesus. “Hinarap Niya ang guilt sa pamamagitan ng pagdadala nito sa Kaniyang Sarili. Hinarap Niya ang kapangyarihan nito. Hinarap Niya ang lahat ng mga epekto at konsekwensiya. Sa ganitong gawa, Kaniyang ‘hinatulan ang kasalanan’ magpakailan pa man” (Eaton, Everlasting Assurance, p. 12).
Nang tila matatalo na tayo sa digmaan laban sa kasalanan sa Roma 7, ang lamesa ay nabaligtad sa Roma 8, at nakamit ni Kristo ang tagumpay sa mismong lugar ng kasalanan- sa laman.