Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Inalis Ba Ni Jesus Ang Mga Konsekwensiya Ng Ating Mga Kasalanan? Colosas 2:13-14

Inalis Ba Ni Jesus Ang Mga Konsekwensiya Ng Ating Mga Kasalanan? Colosas 2:13-14

July 13, 2022 by Bob Wilkin in Ang Tinig ng Biyaya

Si R. M. ay may magandang tanong tungkol sa aking blog na sinulat “Ano ang Binili ni Jesus sa Kaniyang Kamatayan sa Krus?” (silipin dito). Iminungkahi kong ang Kaniyang kamatayan sa krus ay may maraming nagawa, ngunit ang Kaniyang binili ay ang kaharian, ang perlas na may malaking halaga, ang natagong kayamanan. Bilang bahagi ng Kaniyang pagbili, binili Niya ang buong sangkatauhan (tingnan ang 2 Ped 2:1; 1 Juan 2:2) upang ang sinumang sumampalataya sa Kaniya ay may buhay na walang hanggan at garantisadong bahagi ng Kaniyang walang hanggang kaharian. Narito ang tanong ni R. M.:

Amen, subalit paano ang Col 2:13-14?

Tila sinasabi nitong kinuha ni Cristo ang ating kaparusahan at penalidad (ngunit hindi ginamit ang mga eksaktong pananalita, hal “penalidad” subalit ang kahulugan ay nariyan): “At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan, at sa di pagtutuli ng inyong laman ay kaniyang binuhay kayo na kalakip niya, na ipinatawad sa atin ang ating lahat ng mga kasalanan: Na pinawi ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin: at ito’y kaniyang inalis, na ipinako sa krus.”

Tila, sa akin, sinasabi ni Pablo na ang kautusan ay laban sa atin, kinondena tayo sa ilang kaparusahan, ngunit kinuha ni Cristo ang mga paglabag natin ng kautusan at mga pahiwatig na penalidad (kung inyong nilabag ang kautusan, ikaw ay mamamatay o mapaparusahan sabi ng Kautusan ni Moises) at ipinako Niya ang mga paglabag ng kautusan sa krus, na nangangahulugang Siya ay namatay para sa atin at kinuha ang ating mga penalidad.

Ano sa tingin mo?

Para sa akin, hindi dahil sa hindi ginamit ng Biblia ang mga eksaktong pananalita, hindi na ito nangangahulugang hindi niya ito tinuturo. Gamit ang lohika at pangangatuwiran (na madalas mong gawin at mahusay sa maraming pagkakataon), maipapakita na si Jesus ay nagbayad ng penalidad ng kasalanan bilang ating kahalili. Sinabi ng Biblia, gamit ang ibang pananalita at ideya, bagama’t hindi nito ginamit ang eksaktong pananalitang “binayaran ang penalidad para sa atin.” Ang kahulugan ay nariyan.

Totoong hindi kailangan nariyan ang isang salita sa sitas upang ang konsepto ay masumpungan. Halimbawa, sa Ef 2:8, hindi binanggit ni Pablo si Jesus. Ang sinabi niya ay, “Sa biyaya kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya…” Ngunit ang kahulugan niya ay pananampalataya kay Cristo. Alam iyan ng mga mambabasa.

Hindi minumungkahi ng Colosas 2:13-14 na ang kamatayan ni Jesus sa krus ay nag-aalis ng penalidad ng mga kasalanan. Ito ay maling pag-unawa sa kaniyang sinulat.

Sumusulat si Pablo sa mga mananampalataya. Sinasabi niya, gaya ng Ef 2:5, na sila ay binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan. Sila ay patay espirituwal. Binuhay Niya sila.

Kasama ng regalo ng buhay na walang hanggan, ang mga mananampalataya ay tumanggap ng kapatawaran ng kasalanan. Samakatuwid, ang mga mananampalataya ay nagsimula nang malinis sa kanilang Cristianong pamumuhay. Kailangan pa rin natin ang nagpapatuloy na kapatawaran, madalas tawaging kapatawaran para sa pakikisama, gaya nang ipinapakita ng 1 Juan 1:9. Ngunit hindi natin kailangang ipahayag ang mga kasalanang ating natanggap bago ang bagong kapanganakan. Nagsimula tayo ng Cristianong pamumuhay na may pakikisama sa Diyos dahil sa Kaniyang kahanga-hangang kapatawaran.

Komento ni F. F. Bruce,

Ang mga kasalanang ngayo’y napatawad na ay kumakatawan, sa isang sabi, ng gabundok na kalugihang ang mga gumawa nito ay kailangang kilalanin ngunit kailan man ay walang pag-asang mabayaran. Kanilang sinuway ang mga ordinansa ng kautusan, at walang anumang kanilang maaaring magawa ang magbibigay-danyos. Ngunit binura ni Cristo at nilinis ang lahat at binigyan sila ng panibagong simula (The Epistles to the Colossians, Philemon and Ephesians, p. 109).

Iminungkahi rin ni Bruce sa v15 na tinutukoy ni Pablo ang katotohanang ang bagong kapanganakan ay nagpalaya sa atin sa ating posisyon sa pagkaalipin sa kasalanan.

Hindi tinuturo ng Col 2:13-14 na inalis ng Diyos ang mga konsekwensiya ng nagpapatuloy na kasalanan para sa kaninuman. i

Kahit ang mga mananampalatayang may pakikisama sa Diyos ay nag-aani ng kaniyang tinanim. Kung siya ay nagmaneho pagkatapos makainom ng alak, at napara ng pulis, maaaring malaman niya na ang alkohol sa kaniyang dugo ay lagpas sa 0.8, at magkakaroon ng DUI sa kaniyang rekord. Marahil mabilis niyang ipapahayag ang kaniyang kasalanan (tingnan ang Ef 5:18) sa Panginoon. Ngunit mayroon pa ring maraming negatibong konsekwensiya. At ang mga ito ay hindi lamang mula sa pamahalaan, sapagkat ang Diyos ay nagsabi sa atin na ang pamahalaan “ay ministro ng Diyos, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama” (Rom 13:4).

Ang dahilan kung bakit ang lahat ay mamamatay hanggan sa Rapture ay dahil ang lahat ay nagkasala. Sa darating na araw, mawawala ang kamatayan. Ngunit hindi ngayon. Ngayon, ang mga kabayaran ng kasalanan ay kamatayan pa rin.

Nang sinabi ni Pablo na pinawi ng Diyos “ang usapang nasusulat sa mga palatuntunan laban sa atin,” ang nasa isip niya ay ang Kautusan ni Moises. Ang mga mananampalataya ay wala na sa ilalim ng Kautusan ni Moises, gaya ng sinabi niya sa mga sitas na sumunod: “Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa pag-inom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan, o araw ng pahingan…” (Col 2:16). Sinulat ni Geisler, “Ang legalismo ay mali dahil ang mga mananampalataya ay patay na sa kautusan kay Cristo. Kaniyang tinupad ang lahat ng hinihingi nito sa Kaniyang buhay at sa Kaniyang kamatayan, at ang mga Cristiano ay nasa Kaniya” (“Colossians” sa The Bible Knowledge Commentary, p. 678). ii

_____

  1. Ni hindi sinasabi ng Colosas 2:13-14 na inalis ng Panginoong Jesus ang mga konsekwensiya ng mga kasalanan ng mananampalataya bago ang kanilang bagong kapanganakan. Ang isang kriminal na nakarating sa pananampalataya ay magsisimula ng kaniyang Cristianong pamumuhay na may pakikisama sa Diyos at sa kulungan. Mananatili siya sa kulungan hanggang mabayaran niya ang kaniyang pagkakamali. Ang isang hindi mananampalatayang diborsiyado dahil sa pangangalunya na nakarating sa pananampalataya ay pinatawad ng Diyos at may pakikisama sa Kaniya, ngunit ang mga konsekwensiya ng kaniyang pangangalunya ay hindi naalis.
  2. Ang mga mananampalataya ay nasa ilalim pa rin ng mga utos ng Bagong Tipan, na tinatawag na “kautusan ng kalayaan” (San 1:25; 2:12), “kautusang hari” (San 2:8), “kautusan ni Cristo” (Gal 6:2), at “kautusan ng Espiritu ng buhay kay Cristo Jesus” (Roma 8:2).

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Bob_W

by Bob Wilkin

Bob Wilkin (ThM, PhD, Dallas Theological Seminary) is the Founder and Executive Director of Grace Evangelical Society and co-host of Grace in Focus Radio. He lives in Highland Village, TX with his wife, Sharon. His latest books are Faith Alone in One Hundred Verses and Turn and Live: The Power of Repentance.

Cart

Recently Added

March 20, 2023

1 Peter–Part 01–1:1-2 Introduction

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Ken Yates, Philippe Sterling and Bob Wilkin are introducing a short study about the New Testament book of...
March 20, 2023

Is Everlasting Life Everlasting?

Chris from West Virginia asks an important question: I found myself Googling, “What is eternal life in Greek,” and stumbled upon a Quora forum where...
March 17, 2023

How Should One Define the Phrase “Belief in Jesus”? What is Saving Faith?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin, Steve Elkins and Ken Yates answer a question about the nature of saving faith. What does...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Hardcover) $13.95 $5.00
  • Absolutely Free, 2nd Edition $20.00 $12.00
  • The Road to Reward, 2nd Edition $9.95 $5.00
  • Hebrews: Partners with Christ $22.00 $15.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube