Grace Evangelical Society

P.O. Box 1308, Denton, TX 76202
  • About
    • Home
    • Beliefs
    • Staff
    • Board of Directors
  • Resources
    • Grace in Focus Blog
    • Grace in Focus International Blogs
    • Grace in Focus Radio
    • Grace in Focus Magazine
    • Free eBooks
    • Journal of the GES
    • Book Reviews
    • Partners in Grace Newsletter
    • Audio Messages
    • Videos
    • Email Subscription
    • Bookstore
    • Online Tracts
  • Store
    • Main Page
    • On Sale
    • Return Policy
    • Your Cart
    • Your Account
  • Events
  • Connect
    • Contact Us
    • Free Grace Church and Bible Study Tracker
    • Free Grace Jobs
    • Ministry Links
  • Donate
    • One Time Donation
    • Monthly Donation
    • Your Account
  • Search
Home
→
Ang Tinig ng Biyaya
→
Apat Na Bagay Sa Kabanalan (Rom 6:12)

Apat Na Bagay Sa Kabanalan (Rom 6:12)

February 9, 2022 by Shawn Lazar in Ang Tinig ng Biyaya

Sa vv 1-22, binibigay ni Pablo sa mga Romano ang mga bungang teolohikal ng “pagkalublob” (o “pagkabautismo”) kay Kristo, samakatuwid sa Kaniyang kamatayan at pagkabuhay. Ngunit hanggang ngayon hindi pa siya nagbibigay ng mga praktikal na aplikasyon. Hindi pa. Ngunit nasasandatahan ng mga katarukan ng kaisipan kung paano sila pinagpipitaganan ng Diyos, at kung paano nila ibibilang ang kanilang mga sarili, kaniya na ngayong inilatag ang aplikasyon-

Huwag ngang maghari ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang kayo’y magsisunod sa kaniyang mga pita (Roma 6:12).

“Huwag nga.” Andito ang praktikal na bunga ng mga katotohanang ipinaliwanag ni Pablo. Binanggit niya ang apat na bagay sa sitas na ito: ikaw, ang kasalanan, ang iyong katawan at ang mga pita ng laman.

Una, ikaw, ang mananampalataya. Mayroon kang tungkulin. “Huwag ngang maghari ang kasalanan…” kung hinihintay mong gawin iyan ng Diyos para sa iyo, dapat mong malaman na iyan ay iyong tungkulin. Inuutusan ka ng Diyos na gawin ito. Ang lahat ng mga katotohanang ipinaliwanag ni Pablo sa vv 1-11 ay nagsasabi sa iyong kaya mong gawin iyan. Gaya ng sabi ni Jewett, “Yamang pinalaya na sa kapangyarihan ng kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan at pagkabuhay na maguli ni Kristo, ang mga mananampalataya ay may tungkuling tanggihan ang patuloy na dominasyon ng kasalanan” (Jewett, Romans, p. 408).

Pangalawa, andiyan ang kasalanan. Hindi ka dapat magpatuloy sa kasalanan (v. 1) ngunit maaari mo itong gawin. Hindi ito imposible. Namatay ka na sa kasalanan ( v 2) ngunit maaari mong ipilit ang pagsuway sa Diyos at anihin ang nakamamatay na mga bunga niyan, kabilang na ang kamatayan (cf. San 1:15; 1 Juan 5:16). Ikaw ay pinalaya na sa dominasyon ng kasalanan sa iyong posisyon (v 7) ngunit ang kasalanan ay nandiyan pa rin, nagtatrabaho upang muli kang alipinin sa iyong karanasan (v 6).

Pangatlo, andiyan ang iyong katawang may kamatayan. Para kay Pablo, ang katawan ay napakahalaga. Sumulat siya patungkol dito sa lahat niyang mga epistula (cf. John A. T. Robinson The Body: A Study in Pauline Theology). Ang kabanalan para kay Pablo ay nakatuon sa katawan. Madalas niyang banggitin ang katawan patungkol sa Kristiyanong pamumuhay- ang pagkahulog ni Adan ay lumikha ng malaking kaguluhan para sa atin, kabilang na ang pagmana ng mga katawang may kamatayan (thnetos). Isang araw, sa Rapture kapag ang Panginoon ay bumalik para sa Kaniyang Katawan (i. e. ang Iglesia), ikaw ay mababago at tatanggap ng bagong imortal na katawan, sa puntong ito ang katawan ay natubos na (1 Cor 15:51-53). Ngunit sa kasalukuyan, ikaw ay nasa isang katawang may kamatayan, na nagkakasakit at namamatay at may sariling balakin, dahil-

Pang-apat, andiyan ang mga pita ng iyong katawang may kamatayan. Pansining inaamin ni Pablo na ang mga pita ay nariyan pa din. Kung ikaw ay nakikibaka sa mga ito, hindi ka nag-iisa. Lahat tayo. Ngunit pansinin din na hindi sila kabilang sa iyo ngunit sa iyong katawan. Ang bahagi mong ipinanganak nang muli ay hindi nagkakasala (1 Juan 3:9), sa halip umaayon sa kautusan ng Diyos (Roma 7:22). Ngunit ang iyong katawan ay hindi pa naipanganak na muli. Ito ay nahulog at may kamatayan. Ang katawan ay mayroon ding perpekto, normal at natural na pagnanasa. Ngunit ang mga ito ay maaaring ipilipit sa pagnanasa ng mga kasiyahang ipinagbabawal at kinokondena ng Diyos. Ang pita ay pagnanasang higit sa dapat. Halimbawa, isang bagay ang magutom, ngunit ibang bagay ang lumamon. Isang bagay ang magpahinga, ngunit ibang bagay ang maging tamad. Isang bagay ang makasumpong ng kagandahan ngunit ibang bagay ang mangalunya. Ginagamit ng kasalanan ang mga pitang ito upang ipilit ang kaniyang kapangyarihan sa katawan. “Ito’y sa pamamagitan ng mga pita o pagnanasa ng katawan na ang kasalanan ay handang kunin ang kontrol” (Newell, Romans, p. 228). Gaya ng sabi ni Pedro, ang mga pitang ito ay “nakikibaka laban sa kaluluwa” (1 Ped 2:11). At ang panloob na digmaang iyan ay nagbibigay hamon sa iyong buhay ng paglilingkod sa Diyos. “Samakatuwid” ikaw ay may tungkuling huwag hayaan ang kasalanan na maghari sa iyong katawan.

Ikaw- ang eternal na ikaw na pinanganak na muli sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus at mananatiling buhay sa kabila ng kamatayan ng iyong mortal na katawan- ay mayroon nang taglay na kapanagumpayan sa kasalanan, dahil ikaw ay kaisa ni Kristo, at tinamo na Niya ang tagumpay. Nangangahulugang ito na maari mong kunin ang pakikibaka sa kasalanan mula sa lugar ng katagumpayan. Nais ng kasalanan na maghari sa iyong katawan ngunit ang kasalanan ay isang mang-aagaw na dapat labanan. Gaya ng sabi ni Cranfield, “ngayon sila ay makikibaka- hindi nila dapat hayaan ang kasalanang maghari nang hindi hinahamon sa kanilang araw-araw na pamumuhay; sa halip sila ay dapat maghimagsik sa ngalan ng kanilang tunay na hari, ang Diyos, laban sa mapang-agaw na paghahari ng kasalanan” (Cranfield, Romans, p. 138).

“Ito ang lihim ng Kristiyanong pamumuhay, “ paliwanag ni Eaton, “Una ay alamin ang katuruan, alamin ang iyong posisyon bilang mananagumpay at mananakop. Pagkatapos ay kumilos sa pananampalataya at kasiyahan at ibagsak ang kasalanang umaatake pa rin sa iyo” (Eaton, Living Under Grace, p. 65).

Mag-subscribe

  • Facebook
  • Twitter
  • Pinterest
  • LinkedIn
Shawn_L

by Shawn Lazar

Shawn Lazar (BTh, McGill; MA, VU Amsterdam) was the Editor of Grace in Focus magazine and Director of Publications for Grace Evangelical Society from May 2012 through June 2022. He and his wife Abby have three children. He has written several books including: Beyond Doubt: How to Be Sure of Your Salvation and Chosen to Serve: Why Divine Election Is to Service, Not to Eternal Life.

Cart

Recently Added

January 26, 2023

Will There Be Poor People in Heaven?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Ken Yates and Bob Wilkin answer an interesting question about our status in Heaven or the quality of...
January 26, 2023

Is Mental Assent Adequate to Save? 

I recently read a few statements by Samuel Harris, one of the leaders of what is called New Atheism. As the label indicates, he is...
January 25, 2023

If a Man is Saved by Faith Alone, What is Happening in Matthew 25 With the Sheep and the Goats?

Welcome to Grace in Focus radio. Today, Bob Wilkin and Ken Yates are answering a question about the judgment of the sheep and the goats...

Grace in Focus Radio

All Episodes

Listen to Stitcher

Listen on Spotify

Grace In Focus Magazine

Grace In Focus is sent to subscribers in the United States free of charge.

Subscribe for Free

The primary source of Grace Evangelical Society's funding is through charitable contributions. GES uses all contributions and proceeds from the sales of our resources to further the gospel of grace in the United States and abroad.

Donate

Bookstore Specials

  • Grudem Against Grace: A Defense of Free Grace Theology $15.00 $10.00
  • Confident in Christ, 2nd Edition $22.00 $5.00
  • Grace in Eclipse: A Study in Eternal Rewards (Second Edition) $15.00 $8.00
  • Here Walks My Enemy: The Story of Luis (Paperback) $6.95 $3.00
  • Inerrancy for Dummies $7.95 $5.00
Grace Evangelical Society

(940) 270-8827 / ges@faithalone.org

4851 S I-35E Suite 203, Corinth, TX 76210
P.O. Box 1308, Denton, TX 76202

  • Facebook
  • Twitter
  • YouTube