Naalala ninyo pa ba ang episodyo ng Seinfeld kung saan si Kramer ay nagsimulang magtrabaho ng isang alas nueve hanggang alas singkong trabaho sa isang kumpanyang tinatawag na Brand/Leland?
Ang lahat ay nagulat.
Ngunit sa bandang huli ang katotohanan ay lumitaw nang mismong si Ginoong Leland ang nagpatawag kay Kramer sa kaniyang opisina para sa pagsusuri ng kaniyang pagtatrabaho.
“Kramer, aking sinuri ang iyong trabaho,” sabi niya, “Sa totoo lang, hindi ito maganda…”
Halata ang pagkadismaya, nangako si Kramer na magdaragdag ng karagdagang oras sa trabaho.
“Hindi, hindi, sa tingin ko hindi iyan uubra,” pagpapatuloy ni Ginoong Leland. Ang mga ulat na iyong pinapasa. Tila baga wala kang kasanayan sa negosyo kahit kaunti. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga ito!”
Iginiit ni Kramer na mas mapaiigi niya ang kaniyang trabaho.
“Pasensiya na,” sagot ni Ginoong Leland. “Hindi ka namin maaaring patuloy na tanggapin.”
“Ngunit hindi naman talaga ako nagtatrabaho rito!” pahayag ni Kramer.
“Iyan ang nagpapahirap ng sitwasyong ito.”
Ang nangyari pala ay nagpapakita si Kramer sa opisina para sa isang “trabahong” hindi naman siya inupahan ni kwalipikadong gawin. Paano mo aalisin sa trabaho ang isang taong hindi naman inupahan sa trabahong iyan? Ang kakatwang kalagayan na ito ang dahilan kung bakit ito ay nakakatawa. Bakit ito gagawin ni Kramer? Anong pumasok sa kaniyang isipan?
Pinaalala nito sa akin ang kasagutan ni Pablo sa isang tumututol sa Roma 6:1-2.
Inubos pa lang ni Pablo ang ilang kabanata sa pagtatanggol ng pag-aaring-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya at hiwalay sa mga gawa. Laban sa mga nangangaral ng kaligtasan sa pamamagitan ng gawa, sinabi ni Pablo na imbes na pigilan ang kasalanan, ang kautusan ay nagpapanagana nito:
At bukod sa rito ay pumasok ang kautusan, upang ang pagsuway ay makapanagana; datapuwa’t kung saan nanagana ang kasalanan ay nanagananglubha ang biyaya (Roma 5:20).
Ang mabuting balita ay nananagana ang biyaya kung saan ang kasalanan ay nananagana. Gaya ng sinasabi ng kanta, “Grace, grace, God’s grace/ Grace that is greater than all our sin!” (“Biyaya, biyaya, ang biyaya ng Diyos/ Ang biyaya na higit na dakila kaysa sa lahat nating kasalanan!”)
Kung ipangangaral mo ang mensaheng iyan na malinaw- kung ikaw ay malakas, maliwanag at tapat na mangaral na ang kaligtasan ay sa biyaya, at ang walang hanggang buhay ay isang libreng regalo- ikaw ay itutulak pabalik. Tatawagin ka ng mga tao ng mga pangalan. Aakusahan ka ng marami na naghihimok sa kasalanan. Inaasahan na ni Pablo ang mga pagtutol na ito, walang duda dahil sa narinig niya na ito nang paulit-ulit:
Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? (Roma 6:1).
Sabi ni Pablo ang biyaya ay nanagana dahil sa kasalanan at ito ay isang mabuting bagay (Roma 5:20). Ngunit kung ganito din lang naman, pagdadahilan ng tumututol, hindi ba lohikal lamang na tayo ay dapat sadyaing magkasala upang ang biyaya ay lalong managana?
Ang maikling sagot ni Pablo ay isang mariing hindi!
Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan? (Roma 6:2).
Hindi kailangang magpatuloy sa ganito. Ngunit bakit hindi?
Kung ang tanging palagay ng tumututol ay ang Roma 5:20, maaaring siya ay tama nga. Ngunit siya ay may nawawalang mahalagang kaalamang ipaliliwanag ni Pablo sa natitirang bahagi ng kabanatang ito, at sa buong Roma 6-8. Pero ito ang pahiwatig.
May nangyari sa mananampalataya (ang “tayo”).
Tayo ay namatay sa kasalanan.
Pansinin, hindi tayo nagsisikap na mamatay sa kasalanan- tayo ay patay na. Ito ay katotohanang nangyari sa nakalipas. Gaya ng nalalaman nating lahat, masidhing binabago ng kamatayan ang isang pangyayari, kahit ang ating kabanalan. Dahil tayo ay patay na sa kasalanan, ilohikal na isiping tayo ay dapat na magpatuloy sa pagkakasala.
Hindi sinasabi ni Pablo na imposible sa isang mananampalataya na magkasala. Sa kabalintunaan, sa tingin ko kada pahina ng kaniyang sulat ay nagpapakita na ang mga mananampalataya ay nakikibaka sa lahat ng uri ng kasalanan.
Hindi, hindi sinasabi ni Pablo na ang pagkakasala ay imposible- sinasabi niya lang na ito ay ilohikal. Gaya ng sinabi ni Michael Eaton, “Hindi imposible ang magkasala, ngunit ito ay kahangalan, ilohikal , paghihimagsik” (Eaton, Living Under Grace, p. 18).
Bilang paghahambing, ikaw ba ay gagaya kay Kramer at sisipot sa isang trabahong hindi ka inupahan at hindi ka naman kwalipikado?
Maaari mo itong gawin.
Hindi ito imposible.
Ngunit hindi ba’t ito ay kakatwa?
Hindi ba’t ito ay tanda ng hindi matuwid na pag-iisip? Walang saysay para gawin mo ang bagay na ito.
At iyan ang punto ni Pablo tungkol sa mananampalataya at sa kasalanan.
Magpapatuloy ka bang sumipot sa trabaho ng kasalanan upang ang biyaya ay managana? Siyempre hindi. Ikaw ay patay na sa kasalanan, na nangangahulugang hindi ka inupahang magtrabaho rito.