Maraming Kristiyano ang nag-iisip na ang sikreto sa pagiging mas mahusay na alagad ni Jesus ay ang pagkakaroon ng mas maiiging alituntunin, regulasyon o gawi. Nais nila ng mga kautusan na susundin. Marahil kung sila ay may tamang kautusan, sila ay mas magiging banal. “Sabihin mo lang sa akin ang dapat kong gawin!” Ngunit iyan ba ang layunin ng kautusan? Ito ba ay upang gawin kang mas maiigi? O mayroon kayang ibang layunin ang Diyos sa Kaniyang isipan?
Tila pinupuna ni Pablo nang husto ang kautusan. Tinuro niya sa mga Romano na ang kautusan ay hindi makaaaring matuwid o makapababanal. Sa kabalintunaan, ginigising nito ang ating makasalanang pagnanasa (cf Rom 7:5), kaya kung nais mong lumikha ng kabanalan, kailangan mong makalaya nang ganap mula sa kautusan! At iyan ang nangyari sa mga mananampalataya- tayo ay namatay sa kautusan sa pamamagitan ng ating pakikiisa kay Kristo (Roma 7:4). Ang resulta ay ang mananampalataya ay nasa ilalim ng biyaya, at hindi ng kautusan (Roma 6:4).
Sa mga Judeong tagapakinig, ang argumento ni Pablo ay tila isang pag-atake sa kautusan ng Diyos. Tila pinalalabas niya na ang kautusan ay masama, na tila baga ang kautusan ay nasa panig ng kasalanan. “Paulit-ulit nang paulit-ulit ang kautusan at kasalanan ay nagpapakita nang malapit na pagkakaisa, nagtatrabaho para sa parehong hangganan” (Nygren, Romans, p. 277). Tama ba ito? Ang kautusan ba ay makasalanan?
Ang maikling sagot ni Pablo ay “Hindi!” Kabilang sa kaniyang mahabang kasagutan ang pagpapaliwanag sa isa sa mga layunin ng kautusan.
Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan ba ay kasalanan? Huwag nawang mangyari. Gayunma’y hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kung hindi sa pamamagitan ng kautusan; sapagkat hindi ko sana nakilala ang pag-iimbot, kung hindi sinasabi ng kautusan, “Huwag kang mag-iimbot” (Roma 7:7).
Nagtanong ulit si Pablo ng isang tanong retorikal (cf Roma 6:1, 15): ang kautusan ba ay kasalanan? Samakatuwid, ang Diyos ba ay mali sa pagbibigay ng kautusan kung ito ay walang silbi sa paglikha ng katuwiran at kabanalan? Ito ba ay isang pwersa para sa kasamaan, sa halip na sa kabutihan?
Ang sagot ni Pablo ay “siyempre hindi!” Huwag nawang mangyari. Iyan ay hindi niya lubos maisip.
Subalit… bakit hindi?
Kung ang kautusan ay hindi para sa pag-aaring matuwid o sa kabanalan, at ito ay gumigising sa masasamang pagnanasa sa kalooban natin, bakit ito ibinigay ng Diyos? Ano ang layunin nito?
Ito ang isang dahilan ”upang ipakilala ang kasalanan.“ ”Hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kung hindi sa pamamagitan ng kautusan,” paliwanag ni Pablo.
Paano mo malalaman kung ikaw ay may ginawang mali?
Isang paraan ay sa pamamagitan ng kautusan. Ang kautusan ang nagtuturo sa iyong mga kasalanan at nag-aakusa sa iyo- “Ikaw ay guilty!” Gaya ng sinabi ni Pablo nang una sa Roma, “sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkaalam sa kasalanan” (Roma 3:20).
Nagbigay si Pablo ng personal na halimbawa (unang beses na si Pablo nagsalita sa pang-isahang unang persona, na siya niyang gagamitin sa natitirang bahagi ng Roma 7). Bagama’t sa ibang bahagi sinabi ni Pablo na siya ay “walang dungis” kung “legal na katuwiran” (cf Fil 3:6) ang pag-uusapan, hindi ito nangangahulugan na siya ay walang kasalanan. Sa kabalintunaan, pinahayag ni Pablo rito na siya ay guilty ng pag-iimbot: “Sapagkat hindi ko sana nakilala ang pag-iimbot kung hindi sinasabi ng kautusan, ‘Huwag kang mag-iimbot’” (cf Deut 5:21; Exo 20:17). Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-iimbot?
Ang pag-iimbot ay hindi panlabas na aksyon kundi panloob na pagnanasa. Ninanais mo ang pag-aari ng iba at naiingit ka sa kung anong mayroon sila.
Ang pag-iimbot ay nasa palibot natin.
Bakit ito kasalanan?
Isipin mo na lang kung ano ang patutunguhan ng pag-iimbot, e. g. mga kasalanang gaya ng pangangalunya, diborsyo, pagnanakaw, pagpatay, at digmaan. Kapag ang iyong pagnanasa ng isang bagay ay naging dahilan upang suwayin mo ang Diyos, hindi ba’t iyan ay naging idolo?
Inaamin ni Pablo na hindi niya sana nakilala ang pag-iimbot bilang isang kasalanan kung hindi siya sinabihan ng kautusan. Sang-ayon ka ba? Maliban sa kautusan, malalaman mo ba nang may katiyakan na ang pag-iimbot ay isang kasalanan?
Naiisip ko na may mga tao na iisiping ang pagkaiinggit ay hindi nakapipinsala, o marahil isang pagkakamali sa paghukom, o marahil ay isang malusog na tulak sa pagkakaroon ng ambisyon. Ngunit hindi natin malalaman nang may katiyakan na ibinibilang ng Diyos ang pag-iimbot bilang isang kasalanan.
Ngunit ang pagpapakilala ba ng kasalanan ay naglikha sa kautusan mismo na maging kasalanan? Hindi. Ang kautusan ay hindi lumikha ng kasalanan. Binigyang-liwanag nito ang kasalanan- ang mga masasamang pagnanasa- na dati nang nasa loob mo.
Ipinakilala ng kautusan ang kasalanan ni Pablo- ngunit wala itong kapangyarihang patawarin siya, pagalingin siya, o tulungan siyang tumigil sa pagkakasala. Ang kautusan ay nagtuturo lamang ng kaniyang kakulangang moral, makapagtuturo lamang ng daliri at makakaakusa.
Iyan ba ay makasalanan para sa kautusang gawin?
Hindi!
Bakit kung ganuon nagbigay ang Diyos ng kautusan na nagpapakilala ng kasalanan ngunit hindi makatutulong na gapiin ito?
Naiisip ko ang aking ina na hindi makapaniwala na siya ay may kanser at ayaw magpakita sa doctor. Ngunti pagkatapos ipakita ng mga tests na mayroong kanser sa kaniyang katawan, naunawaan niya rin sa wakas ang kaniyang kalagayan at humingi ng tulong. Ang test ay hindi makagagamot ng kaniyang kanser. Ang tanging kaya nitong gawin ay dalhin ang masamang balita na siya ay may malubhang sakit. Ngunit ito ang nagtulak sa kaniya na humingi ng tulong sa isang manggagamot. Ganuon din naman, maraming tao ang tumatanggi sa kanilang tunay na kundisyong espiritwal. Kaya ibinigay ng Diyos ang kautusan bilang isang uri ng test na magpapakilala ng iyong kasalanan upang sa wakas ay humingi ka ng tulong sa Dakilang Manggagamot.